Chapter 56

449 3 0
                                    

Kung hindi siguro dumating ang ilang sakristan ng simbahan, nagkapalitan pa ng ilang suntok si Zed at Elton sa isa't isa. Ang sama-sama kasi nang tingin nila sa isa't isa kanina. Para bang handa nila akong ipaglaban dahil nga sobrang ganda ko talaga at hindi iyon nakaligtas sa kanilang mga mata.

Kaya nang dumating ang ilang sakristan, pinigilan na sila. Si Zedrick, isinama sa clinic ng simbahan para gamutin iyong gilid ng labi niyang dumudugo. Si Elton naman pinapunta doon sa office ni Pader para kausapin sa biglaan niyang pagiging beastmode. Mukhang gising na si Pader mula sa pagkakahimatay niya kani-kanina. Hinila lang kasi ito ng sakristan sa paa nang lumabas na sila.

Ayoko sanang magturo ngayon dahil wala sa modeness ang matalino kong utak. Kaso, nakakahiya naman sa mga batang nasa harapan ko na kanina pa andito at umaasang may makukuhang kaalaman mula sa matalinong tulad ko. Ang hirap na nga maging maganda, ang hirap pa maging matalino. Hay, nako. Saan ko nalang ba ilalagay ang sarili ko?

Kaya ito, nagtuturo nalang ako kahit na ang utak ko'y wala sa ulo ko. Nag-aalala ako sa kung ano pang pwedeng mangyari, e. Baka mamaya, andon naman sa harap ng altar si Elton at Zedrick magsuntukan. Hindi ko kakayanin kapag hindi ko napanood iyon. Makikipagpustahan pa ako kay Pader at sa mga sakristan kung sino ang mananalo. Kay Elton ako pupusta. Mas malaki kasi ang muscles niya sa braso saka mas matambok pwetan niya kaya tiyak siya ang mananalo.

"Teacher, ano po ang pandiwa?" tanong sa akin ng isang bata.

Binalingan ko siya ng tingin, "Aba, malay. Ano bang pake ko diyan sa pandiwa na yan?"

Napasimangot naman siya, "Hindi niyo po alam yun? Di ba po, teacher kayo? Ang teacher alam po iyon, 'di ba? Saka palagi niyo pong sinasabi sa amin na matalino ka e."

Aba. Kita mo 'tong batang 'to. Sumasagot ba sa mas nakakaganda sa kanya. Walang galang.

Nginitian ko siya kahit na gusto ko na siya ibitin patiwarik.

Speakingness of ibitin patiwarik, bigla ko tuloy naalala si student kong si Nicca. Kumusta na kaya iyong gaga na yon? Malandi pa rin ba? Haliparot? Nagpakamatay na kaya siya nang malaman niyang may girlfriend na si Klyde? Sana, oo. Para mabawasan na ang mahadera sa mundo. Charot lang!

Pero sana nga nag suicide na si gaga, no?

"Alam mo, Jocelyn-"

"Diyosalyn po pangalan ko, teacher," pagputol niya sa sinasabi ko "Hindi po Jocelyn."

Kalma lang, Althea. Huwag mong patulan. Bata iyan. Batang nakakainis.

"Oh, Diyosalyn. Alam mo, matalino akong tao. Pero kahit matalino ako, may hangganan ang pasensiya ko. Lalo na sa'yo. Gustong-gusto na kitang ipitin sa may pintuan. Gusto mo ba iyun?"

Umiling siya, "Hindi po. Ikaw, teacher, gusto mo ba iyun?" umiling din ako "Ayaw pala natin pareho, e. Bakit niyo po sinasabi, teacher? Saka po, bakit po iniiba niyo ang usapan? Hindi niyo ba alam ang sagot sa tanong kong, ano ang pandiwa?"

"Alam ko yan," pagmamayabang ko "Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita. Ang pandiwa ay ang mga salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa mga lupon ng mga salita."

That Promdi GirlWhere stories live. Discover now