Maaari kong ikumpara 'yung klase ng halik ni Elton sa paborito kong suman na isinasawsaw sa asukal. 'Yung tipong hindi ka magsasawa kahit oras-oras mong kainin. 'Yung tipong kapag natikman mo hahanap-hanapin na talaga ng bibig at dila mo 'yung lasa. 'Yung tipong gusto mo paulit-ulit tikman dahil kahit ilang beses mo na matikman gusto mo pa ring ulit-ulitin. Masyadong nakakaadik at hindi ka makuntento sa isang beses. Paulit-ulit lang talagang hinahanap ng labi mo 'yung tamis.
Pang-ilang halik na ba naming dalawa 'yun? Hindi ko na matandaan, e. Nawala na sa isipan ko 'yung bilang. Ang tangi lang kasing nasa utak ko ngayon ay 'yung kaligayahan na binigay sa akin ni Elton nang hinalikan na naman niya ako. Kaligayahang hindi ko alam kung magtatagal o kaligyahan na pautang lang na alam kong hindi magtatagal ay babawiin niya rin.
Hindi ko rin talaga ma-getsness si Elton. Hindi ko alam kung anong gusto niyang iparating o ipahiwatig sa akin. Sinabi ko sa kanya na itigil niya na ang pagiging mabait niya sa akin pero hinalikan naman niya ako. Hindi niya ba alam na mas lalong tumataas ang inaasahan ko sa kanya? Hindi ba siya awareness na dahil sa halik na 'yun 'yung feelingness ko sa kanya ay mas lalong lumalalim?
Paano niya nga pala malalaman na mas lalong lumalalim ang feelingness ko sa kanya kung wala siyang ideya na sa bawat pinapakita niya sa akin 'e mas lalo ko siyang nagugustuhan?
Ito ang mahirap kapag hindi alam ng taong gusto mo na gusto mo siya, e. Hindi kasi siya awareness na sa bawat ginagawa at bawat ipinapakita niya sa'yo mas lalo ka lang nahuhulog.
At dahil nga hindi niya alam na unti-unti ka ng nahuhulog, hindi ka niya masasalo. At kapag tuluyan ka nang nahulog, madudurog ka. 'Yung tipong wasak na wasak. 'Yung hindi mo alam kung magiging maayos ka pa pagtapos mong mawasak. Wala kang ibang magagawa kundi indahin 'yung sakit at sisihin ang sarili mo dahil nahulog ka sa maling tao. Pero kahit anong pagsisisi mo hindi na mabubuo ang sarili mong nawasak. Hindi na mababalik 'yung dating ikaw. 'Yung tipong kahit anong gawin mong pagbuo sa sarili mo andun pa rin 'yung lamat ng pagkawasak mo. Masyadong nakakatakot.
Pero masisisi ko ba si Elton kung 'di niya nga ako kayang saluhin? Ganung bago pa nga magsimula ang lahat 'e nilinaw naman niya sa akin na may girlfriend siya at mahal na mahal niya ito? Sino ang dapat kong sisihin kung mawasak nga ako sa hinaharap?
Siya ba na nagpapakita ng motibo sa akin kaya nahulog ako o itong sarili ko na kahit may ideya na ako na 'di naman niya ako masasalo sa paghulog ko sa kanya 'e umasa pa rin ako na gagawin niya para lang hindi ako tuluyang mawasak? Sino ang karapat-dapat sisihin? Si Elton ba o ang bobitang ako?
Puro pagkahulog nalang ang laman ng isipan ko ngayon kaya bigla akong nakarinig ng pagkahulog. Napatingin ako sa ibaba ng kama at nakita kong nahulog si Dudong ng kama nang dahil sa likot niya matulog. Pero kita niyo naman, ang tigas at ang kapal ng taba ng biik na 'to. Hindi man lang nagising.
YOU ARE READING
That Promdi Girl
Roman pour AdolescentsNagbago ang buhay ng Promdi Girl na si Althea Josefa Marinduque o Althea nalang para kyot nang pumunta siya sa Manila. Akala niya kasi trabaho ang pupuntahan niya pero hindi pala. Bakit hindi sinabi sa kanyang mag-aasawa na pala siya? At hindi bast...