Hindi ko talaga alam kung papaano ako mag re-react nang dahil sa nalaman ko. Akala ko nananaginip lang ako nang makita ko si Klode na nasa ganoong ayos pero hindi. Truthness and nothingness but truthness lamang 'yun. Hindi liar ang mga mata kong magaganda. Totoong nakita ko ang naka-downy isang banlaw with fabric conditionaire na si Klode na nakapalda with matching pink na buhok pa nga raw. Jusko. Sa dinami-rami ng kulay pink pa talaga ang napili. Ba't kaya hindi purple? Mas kyot kaya ang violet.
Kaya ngayon habang nakakulong ako sa sariling KONG k'warto at mahimbing na natutulog si Majinbu sa tabi ko napapaisip ako. Biglang bumalik sa isipan ko 'yung momentness na una kong nakilala ang kambal. 'Yung momentness na na-witness ko kung paano sigawan at kagalitan ng bruskong si Klyde ang kakambal niyang si Klode.
Naisip ko 'nun na parang may mali sa pakikitungo niya. Ang alam ko kasi sa mga kambal kung hindi super closeness 'e super duper ultra closeness nila sa isa't isa. Pero bakit 'yung kambal ng Falcon Family hindi closeness. Palaging aburido 'yung si Klyde kay Klode. Nagmana 'yung isa kay San Goku samantalang 'yung isa naman kay Erwin.
Uhm, badinggersi rin kaya si Erwin? Who knowsness. 'Di ko naman siya na-meetness, 'di ba ness? Yesness.
Marahil galit si Klyde kay Klode dahil nga bading ito. Pero bakit siya magagalit? Kinakahiya niya ba ang kakambal niya? Pinandidirihan? Kinakasuka niya ang pagkatao nito? Hindi ba dapat siya mismo ang uunang iintindi sa kakambal niya dahil nga magkasangga na ang mga pusod nila nang nasa loob palang sila ng tiyan ni Ma'am Cynthia? Pero imbis na siya mismo ang po-proteka sa kakambal niya ba't siya pa mismo ang unang humuhusga rito?
Gusto ko tuloy biglang puntahan si Klyde sa k'warto niya para lang sakalin. Kaso 'wag nalang. Baka maligaw na naman ako, e. Punyemas kasing mansion na 'to. Ang bigness kaya nakakaligawness.
Para sa akin hindi nakakadiri o nakakasuka o hindi dapat pinandidirihan kung bading ang isang tao. Ano bang mali kung bading siya? Choiceness niya ba 'yun? Isa ba 'yung klase ng malubhang sakit? Pinili niya bang tahakin ang landas na iyun na parang 'Ay, dito ako sa landas na ito. Mas gusto ko maging bading.'
Hindi naman, 'di ba? Dahil ang pagiging bading ay hindi choice ng kung sino man. Sigurado rin akong kung may choiceness lang ang isang tao, hindi niya pipiliin maging isang bading dahil sa mga matang mapanghusga na nakapalibot sa kanila. Sinong tao ba ang gustong pintasan at pandirihan? Wala. Ako lang. Chos!
Naalala ko bigla ang mga tao sa probinsya. 'Dun kasi maraming bading. Pero hindi gaya rito sa Maynila hindi sila pinandidirihan o kinasusuklaman o kinakahiya man lang. Sa probinsya namin kapag bading ka famous ka. Madami kang friends and ka-plastikan. Kung walang bading sa mundo 'e di walang magpapaganda sa atin tulad ng mga bading sa parlor. Kung walang bading sa mundo 'e di walang magpapasaya ng gabi tulad ng mga ginagawa ng mga bading sa perya o sa mga comedy bar. Kung walang bading sa mundo 'e di wala si Vice Ganda na tumutulong sa mga taong kapus-palad?
Hindi ko talaga ma-gets ang isipan ng mga tao. Ayaw nilang hinuhusgahan sila pero sila mismo ang unang humuhusga sa kapwa nila. Nakakapang-init sila ng bumbunan.
Bigla ko tuloy naalala 'yung teacher ko noong elementary. Isa rin siyang bading. Ang tawag namin sa kanya ay sir Ruffo. Pero ang pangalan niya raw sa gabi ay ma'am Ruffa. Kaloka si sir, 'di ba? Closeness na closeness ko rin 'yun, e. Siya kasi ang naggawad sa akin ng parangal na Best In English. Sabi ko kasi sa kanya 'nun 'di ko siya ilalakad sa kapitbahay naming crush na crush niya. Ngayon, masaya na sila. Sila ng dalawa. Nagbabadingan na sila. Charot!
"Oink! Oink!" bigla akong napatangin kay Majinbu nang bigla siyang magsalita.
"Majinbu, bakit?" pagtatanong ko sa kanya saka siya binuhat. Ang kyot talaga ni Majinbu. Ang sarap gawing adobo.
YOU ARE READING
That Promdi Girl
TeenfikceNagbago ang buhay ng Promdi Girl na si Althea Josefa Marinduque o Althea nalang para kyot nang pumunta siya sa Manila. Akala niya kasi trabaho ang pupuntahan niya pero hindi pala. Bakit hindi sinabi sa kanyang mag-aasawa na pala siya? At hindi bast...