Shockness pa rin ako sa ginawang biglaang paghalik sa akin ni Elton kanina kaya hanggang ngayon hawak-hawak ko pa rin ang sarili kong labi. Kahit ilang oras na ang lumipas ramdam ko pa rin 'yung lambot ng labi ni Elton. Parang hanggang ngayon nakadikit pa rin ang labi niya sa akin. Ang puso ko halos sasabog na sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Hindi naman ako natatakot. Infactness, itong kaba na nasa dibdib ko ay masarap sa feeling. It feelness so muchness deliciousness.
'Nung hinalikan niya ako kanina bigla akong napatulala. Biglang nag blanko ang utak ko. JOKE. Wala nga pala akong utak tulad ng sabi niya. Pero basta 'di talaga ako nakapag-react agad. Napatitig lang ako sa kanya habang nakatitig lang din siya sa akin na halatang gulat sa ginawa niya. Pag tapos 'nun bigla siyang napatalikod kaya kinuha ko na 'yung chance na 'yun para tumakbo papunta rito sa k'warto ko at nagkulong. Kaya ngayon kahit gabi na 'di pa rin ako lumalabas.
Naguguluhan ako ngayon. Nahalikan na naman ako ni Elton nakaraan 'nung may sakit siya. Nabawi ko rin naman 'yung halik na ninakaw niya sa akin at nakapagnakaw din naman ako sa kanya ng maraming halik. Pero 'yung paghalik niya kanina ay iba. Ibang-iba sa halik na ninakaw ko sa kanya. Nakakapanlambot ng tuhod 'yun. Kahit isipin ko lang 'yung ginawa niya kanina bigla-bigla na namang bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Parang may kung ano ring gumagalaw
sa tiyan ko na masarap din sa feeling. Bulate ata 'to o baka natatae lang ako? Lechugas na Elton 'to. Ang bangis ng halik. Pwedeng pangpurga.
Nakatulala pa rin ako sa kawalan at nakatitig kung saan nang may biglang kumatok sa pintuan ko. Hindi agad ako nakasagot dahil pakiramdam ko si Elton ang kumakatok. Pinaghalong kaba at kasiyahan ang biglang lumandi sa katawan ko. Bubuksan ko ba 'yung pintuan o bubuksan?
"Shino 'yan?" pabebe kong pagtatanong. 'Yan kasi ang tamang pagsagot na itinuro sa amin noong nag-aaral pa ako sa PABEBE elementary school. Kailangan daw proud na pabebe student ako.
Kahit hindi pa sumasagot kung sino 'yung nasa may pintuan at kumakatok kinikilig na ang buong katawang lupa ko. Iniisip ko palang na si Elton 'yung andun at ipapaliwanag kung bakit niya ako hinalikan kanina nae-exciteness na ang birhen kong katawan. Enebe nemen, Elton. 'Wag mo ko pakiligin-
"Si Klode 'to." pag sagot 'nung taong kumakatok.
Bigla na namang nag blangko ang utak ko. Hindi agad rumehistro sa utak ko kung sino 'yung kumakatok.
"Sino 'yan?" pag ulit ko at umaasa akong namali lang ako ng dinig. Umaasa akong si Elton ang andun.
"Si Klode." pag kumpira 'nung hindut na bayut.
"Uulitin ko. Sino 'yan?" muli kong pag-ulit. Umaasa talaga akong mali lang ako ng pagkakarinig kasi ilang araw na ako hindi naglilinis ng tainga. Oh, Diyos ng mga suman. Si Elton 'yan, please. Si Elton-
"Si Brent Klode Guevarra Falcon 'to. Paulit-ulit, Althea?"
"Uggghhhhhh!!!" nainis ako bigla. "Anong kailangan mo?"
"Hindi mo malalaman kung 'di mo bubuksan 'tong pintuan." sagot niya "Papasukin
YOU ARE READING
That Promdi Girl
Teen FictionNagbago ang buhay ng Promdi Girl na si Althea Josefa Marinduque o Althea nalang para kyot nang pumunta siya sa Manila. Akala niya kasi trabaho ang pupuntahan niya pero hindi pala. Bakit hindi sinabi sa kanyang mag-aasawa na pala siya? At hindi bast...