Chapter 50

600 3 0
                                    

ELTON'S POV

Pitong araw na ang lumipas simula nang paalisin ko rito sa mansion si Althea at tuluyan na siyang umalis sa buhay ko. Marahil kung para sa iba, pitong ordinaryong araw lamang iyon. Pero para sa akin, yung mga bawat araw na lumilipas na hindi ko nakikita si Althea ay parang isang bangungot. Isang uri ng bangungot na hindi ko alam kung kailan ba hihinto o may plano pa bang huminto.

Lahat ng tao rito sa mansion ay apektado sa pag-alis ni Althea. Kitang-kita ko yung resulta ng mga katangahan ko. Lahat sila malungkot. Naging matamlay ang buhay dito sa mansion. Si Klyde, bumalik sa dati niyang ugali. Minsan lang kung umuwi. Si Klode hindi ako pinapansin kahit kinakausap ko. Si Chris naman hindi na ulit nagsalita. Minsan bigla-bigla nalang siyang iiyak.

Si Lolo naman hindi rin ako pinapansin. Kahit sumasabay ako sa kanya sa pagkain, hindi siya nagsasalita. Parang hangin lang ako kung tratuhin niya. Kahit bumalik na rito sa mansion si Erwin, ang tamlay pa rin talaga ng paligid. Hindi dahil may temporary amnesia si Erwin. Kundi dahil, lahat sila nami-miss si Althea. Hindi ko inaakalang ganito sila lahat kalapit kay Althea.

Ngayong nawala si Althea, saka ko lang na-realized kung gaano siya kaimportante sa akin. Kung gaano ako hindi sanay na hindi ko siya nakikita o naririnig ang pagtawa niya o yung paiikot-ikot niya rito sa mansion.

Hindi na ako sanay na hindi ko nararamdaman ang presensiya niya.

Hindi ko na ma-imagine kung ano ba yung klase ng buhay ko noong mga panahon na hindi pa siya dumadating dito at hindi ko pa ulit siya nakikilala. Kapag kasi iniisip ko kung kailan ako huling ngumiti at tumawa, si Althea ang pumapasok sa isipan ko. Siya kasi ang kasama ko at nasa tabi ko nung mga panahon na hindi ko pa kayang ngumiti at tumawa.

Kahit palagi kong sinasabi sa kanya noon na nakakainis yung pagiging bobita niya, but deep inside, natutuwa ako sa kanya. Palagi niya akong pinapatawa noon. Palagi niya akong minamahal. Pero wala akong nagawa sa kanya kundi suklian siya ng hinanakit.

Ang hirap pala ng ganito. 'Yung saka mo lang mare-realized ang worth ng isang tao sa'yo kapag nawala na siya sa buhay mo. O siguro, alam ko naman ang worth niya sa akin pero hindi ko lang iyon pinansin. Kasi inakala ko na kahit mahirapan siya sa mga pinaggagawa ko sa kanya, hinding-hindi siya masasaktan. Hinding-hindi niya ako susukuan.

Masyado akong nagtiwala sa pagmamahal ni Althea sa akin. I thought she wouldn't give up no matter how much I hurt her. I thought she would still hold on despite the pain that I inflicted onto her heart. Nakalimutan kong tao pa rin pala siya. Isang klase ng tao na kahit lubus-lubos kung magmahal, marunong din pala siyang masaktan.

Nakalimutan kong kahit gaano ako kamahal ni Althea, mapapagod din siya sa pagmamahal sa akin. Imbis kasi na maging maligaya siya sa pagmamahal na nararamdaman niya, nasaktan ko siya ng higit sa nararapat niyang maramdaman. O, hindi niya iyon kahit kailan nararapat maramdaman.

"Elton, mahal na mahal kita. Kahit ang sakit-sakit na."

"Ikaw lang ang gusto ko, Elton."

It breaks my heart remembering how many times she said that she loves me yet I didn't do anything to love her back. Ngayong naalala ko yung mga times na sinasabi ni Althea na mahal niya ako at ako lang ang gusto niya, it fucking hurts. It as if my heart was gonna explode because of so much pain.

That Promdi GirlWhere stories live. Discover now