Chapter 17

511 7 0
                                    

Boredness na boredness ako habang pinagmamasdan lang maglaro si Majinbu at Klode ngayon sa harapan ko. Enjoy na enjoy ang hindut na bayut at malantong na biik sa ginagawa nilang paglalandian. Hinabahol ni Klode si Majinbu at kapag nahabol niya ito saka kinikiliti ng kabayo ang biik na snob. Sa ginagawa nilang dalawa parang nakakalimutan nilang andito rin kaming dalawa ni Chris sa garden at kasama nila. Parang pag-aari nilang dalawa ang mndo. Silang dalawa lang ang nag-eenjoy habang ako 'e super mega boredness na talaga.

Dalawang araw na ang nakakalipas simula nang gumaling si Elton mula sa lagnat niya. Pero kahit magaling na siya hindi pa rin kami pumapasok sa kumpanya. Kaya eto ako walang magawa at tengga rito sa mansion. Ayoko naman makipagplastikan sa mga katulong minu-minuto dahil nakakasawa rin naman na gawin iyun. Ang mga snob sa personal pa naman na gaya ko 'e madaling manawa sa kaplastikan niya.

Akala ko naman once na gumaling siya makakabalik na ako sa pagtatrabaho pero hindi pa rin pala. Nami-miss ko na si baby suman ko dahil dalawang araw ko na iyun 'di nakikita. Ano ba'ng plano ni Elton sa buhay niya? Nakakainis, ah. Kapag talaga ako napikon diyan kay Elton muli siyang makakatikim ng halik na galing sa Diyosa ng mga suman na may pangalang Althea Josefa. Sana pikunin niya pa ako lalo. Hehe.

Mula rin nang gumaling si Elton bihira siyang

lumabas ng k'warto niya o ng library ni Lolo Andres. 'Dun lang siya palagi naglalagi at may tinatapos daw na trabaho. Sabi ni Klode ganun daw talaga si Elton kapag may minamadaling trabaho. ikinukulong ang sarili niya para iwas abala. Bihira ko tuloy makita 'yung abs at v-line niya na kadalasang palakad-lakad lang kapag hindi siya busy.

Kahapon nagpaalam ako kay Elton na kung 'di siya papasok magpapahatid nalang ako kay Kuya Rudolf sa kumpanya para naman makapagtrabaho ako. Sinabi ko rin sa kanya na nami-miss ko na rin kasi si Jonas. Pero ang walangyang timawa sinigawan lang ako. Halos maglabasan na 'yung ugat niya sa mukha kakasigaw sa akin. Hindi raw ako maaaring pumasok mag-isa sa kumpanya dahil tiyak may gagawin na naman akong kabobohan. Kapag daw kasi inaalis niya ang mata niya sa akin may katangahan akong ginagawa. Kailan ako may ginawang kabobohan, aber? Ba't wala akong maalala.

Todo pilit pa sana ako pero 'di niya talaga ako pinagbigyan. Hinila niya lang ako palabas ng library at tapos na raw kami mag-usap dalawa. Sabi ko pa sa kanya iinom ako ng clorox kapag 'di siya pumayag pero ang tangi niya lang isinagot 'e siya pa raw bibili ng clorox with matching sabong panlaba pa raw basta ba'y sa harapan niya ako iinom 'nun. Natakot naman ako kaya ang sinabi ko next time nalang kapag boredom strikeness na talaga ang peg ko.

Napahugot na naman ako nang buntong hininga. Tinignan ko si Klode at Majinbu at nakita kong nasa dulong parte na sila ng garden naglalandian. Kabayo at biik na 'to. Hindi man lang ako isinasali sa paglalandian nila. Mga sakim. Mga makasarili. Mga malalandi.

Mga selfish-ay, 'di pala sila selfish. Selfhorse at selfpeg pala.

Ibinaling ko nalang ang mga paningin ko kay Chris na abala sa pagkukulay sa coloring book niya. Wala akong mapagtripan. Itong si Chris kaya pagtripan ko? Like, iuntog ko siya rito sa lamesa ng ilang ulit? Hindi naman siya magsusumbong, 'di ba? Kasi 'di naman siya nakakapagsalita. Mwahahaha.

"Chris," pagtawag ko sa kanya. Tumingin si Chris sa akin. Hinihintay ang sasabihin ko. "Wala akong magawa. Ilunod kaya kita sa swimming pool? Gusto mo?"

That Promdi GirlWhere stories live. Discover now