Aminado akong si Jonas ang una kong naging crushness nang mapunta ako rito sa Manila mula nang makilala ko siya sa bus noon. Sino bang hindi magkakagusto sa kanya kung ang guwapo niyang nilalang kapag nakangiti? Ang saya-saya niya pa kasama kasi palagi niyang sasakyan ang mga kagagahan mo sa buhay at hindi ka sasabihan na ang tanga-tanga mo o ang engot mo.
Si Jonas din iyung tipo ng tao na palaging nakatawa na akala mo walang problema sa buhay. Maalalahanin din siya. Siya nga rin ata ang tipo ng tao na 'di marunong malungkot. Kaya feelingless ko ang sarap-sarap niya este ang sarap niyang mahalin. Kasi parang kapag siya ang minahal mo, tulog ka na kinikilig ka pa kasi malandi kang punyemas ka.
Sinabi niya kanina na tototohanin na niya iyung sinabi niya kay Elton bhe na liligawan niya ako. Na kung hindi raw maibigay ni Elton iyung pagmamahal na nais ko 'e siya na ang magbibigay. Napakabait niyang tao at napakamakawanggawa, 'no? Handa niyang punan iyung mga bagay at feelingness na hindi kayang ibigay ni Elton sa akin.
Gusto ko sanang matuwa at kiligin at lumandi dahil sa sinabi ni Jonas kanina. Gusto ko maging masaya sa mga sinabi niya. Pero kahit anong pilit ko sa sarili ko 'di ko magawang maging
masaya. Nananatili pa rin akong malungkot. Kahit may isang tao na diyan na handa akong mahalin bilang kapalit ni Elton, ayaw pa rin ngumiti ng puso ko. Nalulungkot pa rin ang puso ko. Siguro hindi siya masaya. Hindi siya natutuwa sa ideyang iyun. Lecheng puso 'to.
Si Elton lang kasi ang pinapangarap ng puso ko, e. Si Elton lang ang pinapangarap ng puso ko na mananatiling pangarap nalang dahil neverness iyong matutupad kahit kailan man.
Ang weirdness lang talaga sa totoo lang. Akin naman itong puso ko pero bakit ngayon tumitibok na ito para kay Elton? Ilang beses nang winasak ni Elton bhe ang puso ko pero bakit hanggang ngayon si Elton pa rin ang sinisigaw niya?
Bobo talaga ang puso ng tao. Hindi kasi sila marunong huminto kahit ilang beses na silang nasasaktan. Hindi nila alam ang salitang limitasyon. Hindi nila alam gawin ang pagsuko. Higit sa lahat hindi alam ng puso ng tao ang mga katagang tumigil na. Handa silang mawasak nang ilang ulit para lamang sa mahal nila. Handa silang madurog at magkalamat nang paulit-ulit.
Ngayon, napatunayan ko na ang puso ang pinakabobong organ ng isang tao. Wala kasi silang utak. Puro sila puso. Pero kahit sila ang pinakabobo na organ, sila rin naman ang pinakamapagmahal sa lahat. Handa kasi nga silang mawasak nang ilang ulit para sa taong kanilang minamahal.
"Bakit ang tahimik mo, Althea? May problema ka ba?"
Narinig kong tanong sa akin ni Jonas kaya napatingin ako sa kanya. Shitness lang. Napatingin ako kay Jonas. Nagkatinginan kaming dalawa. Ibigsabihin ba nito may pagtingin na kami sa isa't isa?
So
anywayness, nakasakay kaming tatlo ni Jonas at Chris na pipi sa kotse ni Jonas papuntang mall dahil mag di-date nga kami ni Jonas. Sa harap ako nakaupo habang si Chris naman na pipi 'e nasa likuran nakaupo habang tahimik na nagkukulay sa coloring book niya.
Itong bata na 'to wala nang ibang ginawa kundi magkulay, e. Wala talaga siyang pinoproblema. Batugan siya ng taon. Sarili niya lang iniintindi niya. Kapag ako hindi nakapagpigil iyang mga crayola niya ipapakain ko sa kanya nang makaganti naman ako sa kuya niya.
YOU ARE READING
That Promdi Girl
Genç KurguNagbago ang buhay ng Promdi Girl na si Althea Josefa Marinduque o Althea nalang para kyot nang pumunta siya sa Manila. Akala niya kasi trabaho ang pupuntahan niya pero hindi pala. Bakit hindi sinabi sa kanyang mag-aasawa na pala siya? At hindi bast...