Hindi ko mapigilan na hindi mapangiti ngayon habang naglalakad kaming dalawa ni Elton bhe sa loob ng mall. Kilig na kilig talaga ang malantong na katawang lupa ko sa nangyayari. E, paano ba naman kasi ako hindi kililigin kung magkahawak kaming dalawa ni Elton ng kamay habang naglalakad na para bang proud na proud siya sa akin. Iyong paghawak niya sa kamay ko ay parang nangangahulugan na handa niya akong ipaglaban sa buong mundo.
Ang lambot-lambot ng kamay ni Elton bhe sa totoo lang. Walang kalyo. Parang kapag itong kamay ni Elton ay dumampi sa buong katawan ko mapapasigaw nalang ako bigla ng 'More baby.' saka 'Yam Yam Yam. Delisyoso, Elton bhe.' sa sobrang kiliti. Mas lalong lumapad ang ngiti ko nang maramdaman kong mas lalong humigpit ang paghawak niya sa kamay ko.
Hay. Ang ganda ko talaga. Mapapa-edi wow ka kapag nakita mo talaga kami ni Elton na magkahawak ng kamay ngayon. Iisipin mong patay na patay siya sa akin.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ni Elton bhe sa loob ng mall. Si Dudang at si Dudong naman ay nasa likuran lang namin at nakasunod. Pasulyap-sulyap lang din sila sa paligid na akala mo mga biik na shunga. Ngayon lang ba sila nakapunta sa mall? Kawawang mga biik. Chos!
Bago kami bumaba sa kotse kanina, binilinan ko na sila Dudong at Dudang huwag na huwag silang magtuturo at magpapabili dahil nagtitipid kami. Next year kasi i-enroll
ko na sila sa Baboy University para mag-aral na sila at hindi lumaking mga shunga. Nakakahiya naman kung lalaki silang shunga 'e ang tali-talino ng mommy nila, 'di ba?
Kaya ngayon, palinga-linga lang ang dalawang biik sa paligid habang naglalaway na. Halatang kanina pa nila gustong magpabili ng kung ano sa daddy nila. Pero subukan lang talaga nilang magturo at magpabili. Subukan lang talaga nilang magpabili kay Elton bhe.
Sisipain ko silang dalawa palabas ng mall. Iyong sipa na tipong iikot ang ulo nila sa sobrang lakas. Soccer player din kaya ako dati sa probinsya kaya malakas talaga akong sumipa. Malakas nga akong magmahal kahit ang sakit-sakit na, ang pagsipa pa kaya? Sisiw lang sa akin iyan!
Naiinis din pala ako ngayon habang naglalakad kami ni Elton at magkahawak ang mga kamay. Naiinis ako na kinikilig. Iyong mga tao kasing nasasalubong namin 'e napapatingin sa aming dalawa. Gulat silang mapapatingin tapos magbubulungan sila na akala mo may nakakatawang nakita sa aming dalawa ni Elton.
Bakit ba sila natatawa sa amin ni Elton? Mukha bang kengkoy ang mukha ni Elton? Hala kayo! Ang guwapo-guwapo kaya ng bwisit na 'to. Ang yummy-yummy pa. Baka kapag nakita nilang naka-boxer lang si Elton 'e magsiluhuran silang lahat kay bhebhe ko.
Ako ba kasi ang pinagtatawanan nila? Pinagtatawanan ba nila ako dahil ang guwapo ng kasama ko habang ako naman ay sobrang ganda kaya hindi kami bagay? Nagbubulong-bulungan din ba sila dahil kahit sobrang ganda ko 'e tulad lang ni Elton ang kahawakan ko ng kamay ngayon?
Bakit ba sila nangingialam? Bakit masyadong mapanghusga ang mga
tao sa paligid? Bakit kahit alam kong hindi naman sa akin si Elton 'e mas lalo ko siyang minamahal sa bawat oras na lumilipas?
Ganun ba talaga ang pagmamahal para sa isang tao? Hindi mo kayang pigilan kahit alam mong hindi na ito tama? Sana nadadaan nalang sa madaliang paraan ang lahat ng bagay, no? Katulad nalang kapag gusto mong ihinto ang pagmamahal mo sa isang tao. Magagawa mo agad nang hindi ka nahihirapan.
YOU ARE READING
That Promdi Girl
Teen FictionNagbago ang buhay ng Promdi Girl na si Althea Josefa Marinduque o Althea nalang para kyot nang pumunta siya sa Manila. Akala niya kasi trabaho ang pupuntahan niya pero hindi pala. Bakit hindi sinabi sa kanyang mag-aasawa na pala siya? At hindi bast...