Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa gutom na naramdaman ko. Naalala kong hindi nga pala ako kumain ng hapunan kagabi dahil pagkauwe namin ng mansion ni Elton 'e dumiretso na agad ako sa sarili kong kuwarto para mag emote at magmaganda. Alam niyo naman ang mga katulad ko 'e kailangan din ng alone time para sa sarili. Kailangan purihin ang sarili sa pagiging sobrang plastic ng taon.
Kaya ngayong umaga tuloy nagwawala na ang mga bulate ko sa tiyan. Gusto na nila kainin 'yung sarili kong bituka pero 'di nila magawa. Ayaw nila raw nila. Paano nila makakain ang bituka ko kung gawa ito sa plastic? Choosy muchness!
Nakakaloka talagang umaga 'to. Gutom na nga ang tiyan ko pero mas gutom naman ang puso ko. Gutom sa pagmamahal ni Elton bhe. Pero kahit umiyak pa ako ng dugo hinding-hindi ako mapapakain ng pagmamahal ni Elton. Ibang babae kasi ang pinapakain niya. Ibang babae ang kumakain sa kanya.
Edi sila na. Sila ng dalawa. Silang dalawa na ang magkainan. Kaya ko ang sarili ko. Kaya ko magsarili.
Ayoko nga sanang lumabas agad ng kwarto ko dahil ayokong makita ang pagmumukha ni Elton. Kahit guwapo pa siya saka macho saka matambok ang pwetan at malambot ang labi, ayoko talaga siyang makita. Sa tuwing nakikita ko kasi siya sumasampal sa mukha kong prettyness ang katotohanang hinding-hindi ko siya makukuha kahit kailan.
Ang sad talaga. Ang very very very sad talaga.
Pagdating ko sa dining area, sumilip muna ako kung andun na si Elton. Luckilyness,
wala pa 'yung lalaking nagsabi sa akin na 'gusto kita pero 'di ko siya pwedeng iwanan para lang sa'yo.' Si Lolo A palang ang andun na umiinom ng kape't at may sinusulat na 'di ko alam kung ano.
Aba, kita mo nga naman, ano. Kaya pa rin magsulat ng matanda. Malinaw pa rin pala ang mga mata niya? Sabagay, ang pagmamahal lang naman ni Elton sa akin ang malabo, e. Hashtag hugot. Hashtag ang ganda ko. Hashtag bobita ang bida. Hashtag walang lovelife si Althea Josefa.
Napaisip naman ako kung ano 'yung sinusulat ni Lolo A. Last testament niya kaya 'yan? Made-deads na si Lolo A? Nakakuha na siya ng schedule kay kamatayan? Kung may schedule na siya. Kailan kaya?
Habang nakatitig ako kay Lolo A at hinuhulaan kung kailan siya madi-deads, bigla siyang napatingin sa gawi ko saka ngumiti. Bakit siya ngumiti? Aba, sino bang hindi mapapangiti ngayong umaga kung ganitong kagandang mukha ko ang makikita mo. Simula palang ng umaga 'e kumpleto na agad ang araw mo. Hashtag makapal ang mukha ng bida. Hashtag ang kapal ng panga ni Althea.
"Anong ginagawa mo, apo? Ba't nakasilip ka diyan?" nakangiti tanong ng matanda sa akin "Tara na rito at mag-almusal ka na."
Lumakad na ako papunta sa lamesa't umupo sa harapan ni Lolo. Agad naman akong kumuha ng sinangag, tatlong pritong itlog, at limang hotdog. Mukhang nagulat si Lolo A sa pagkaing kinuha ko dahil nagmukha akong timawa sa harapan niya pero 'di ko siya pinansin. Sige lang ako sa pagkain at pagsubo. Hindi ko na nginunguya 'yung kinakain ko. Diretso lunok. Gutom na gutom kasi ako.
Gutom na gutom sa pagmamahal ni Elton.
Charot.
YOU ARE READING
That Promdi Girl
Teen FictionNagbago ang buhay ng Promdi Girl na si Althea Josefa Marinduque o Althea nalang para kyot nang pumunta siya sa Manila. Akala niya kasi trabaho ang pupuntahan niya pero hindi pala. Bakit hindi sinabi sa kanyang mag-aasawa na pala siya? At hindi bast...