Chapter 13

555 6 1
                                    

Hindi na ako pinansin ni Elton matapos ang usapan namin na magiging janitress ako sa kompanya nila. Ewan ko ba kung bakit parang bigla siyang nainis sa naging usapan namin. May nasabi ba akong masama o hindi kaya naman ay hindi niya nagustuhan? Wala naman ata, 'e. Nakatuon nalang ang pansin niya sa dinadaanan ng sasakyan at halatang aburido siyang magmaneho. Pero kahit ganun hindi nabawasan ang pagiging gwapo niya. Infactness, lalo pa ngang nadagdagan ang kakisigan niyang taglay.

Amputs! Pansin ko lang talaga sa sarili ko nitong mga nakaraang araw mapa-hanggang ngayon palagi kong pinupuri ang kagwapuhan at kaseksihan nitong si San Goku. Anong meron? Dapat pala palagi akong inis sa kanya kasi inis din siya palagi sa akin. Gayahin ko dapat siya tutal naman gaya-gaya ako tapos plastic pa at snob sa personal.

Palagi ko dapat isasaisip ang kasabihang "Do unto

others as you have. . .keep off the feet on the grass." Tama. 'Yung kasabihan na 'yun ang palagi kong aalalahanin. Kung anong gagawin sa akin ni Elton gagawin ko rin sa kanya para hindi niya tapakan ang damuhan na pag-aari ko. Teka-wala naman akong pag-aari na mga damo, ah.

Itinuon ko nalang ang pansin ko sa mga dinadaanan naming gusali ni Elton. Muli na naman akong namangha sa mga matataas na building na nakikita ng mga mata ko. Grabe. Ang ganda-ganda talaga rito sa maynila. Ang dami mong makikitang bagay na hindi mo makikita sa probinsya. 'Yun nga lang ma-polusyon dito. Unlikeness sa probinya na kapag huminga ka ng malalim, pinaghalong freshness na hangin at dumi ng kalabaw,baka,kambing, ni Klode-este kabayo pala ang maaamoy mo.

Muli akong napatingin kay Elton na seryoso pa rin sa pagmamaneho. Ba't kaya bigla siyang nabadtrip? Tapos saka naman ako napatingin sa upuan na inuupuan niya. Napasalita tuloy ako sa sarili ko ng wala sa oras.

"Kaswerte naman talaga nitong upuan na'to," mahina kong pagsasalita "Napi-feelness niya kasi ang matambok at makinis na pwetan ni San Goku.Tsk. Sana upuan nalang ako." sabi ko sa sarili ko dahil inggit na inggit talaga ako ngayon sa upuan.

"Nakatitig ka ba sa pwetan ko?" biglang nagsalita si Elton.

Agad akong napatingin kay Elton at nakita kong nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Lechugas. Nahuli niya akong nakasulyap sa pwetan niya. Itong upuan na kasi 'to pahamak, e. 'Wag lang kita makikita mamaya kundi gi-gripuhan kita sa tagiliran mo talaspangan na upuan ka.

"Hindi ako nakatitig sa pwetan mo, 'no." pag dadahilan

ko "Ba't ko naman tititigan ang pwetan mo bukod sa matambok at makinis ito. Ano pang ibang dahilan? Wala na. So, bakit ko siya tititigan?"

That Promdi GirlWhere stories live. Discover now