Chapter 51

534 5 0
                                    

After 3 months. (Ang bilis lumipas ng panahon, 'di ba? Kasing bilis ng ex mo na palitan ka!)

 
Itinigil ko 'yung ginagawa kong pagbibilang ng kinita ko para sa araw na 'to nang maramdaman ko na namang sumasakit ang likod ko. Palagi na talagang sumasakit 'tong likuran ko dahil sa bigat ng mga trabaho ko araw -araw. Tatlo kasi ang trabaho ko kada-araw. Ganon ako kaganda at ka-plastic. Este ganon ako kasipag dito sa probinsya namin. Kailangan mag trabaho para kumain.

Sa umaga, naglalako ako ng pandesal. Iniikot ko ang buong probinsya namin at naglalakad ako ng 50 kilometre araw-araw maubos lang ang pandesal ko na may palamang suman. Pande-suman ang tawag ko doon. Mabenta siya rito sa amin. Paanong hindi bebenta e tinatakot ko sila. Sinasabi ko, kapag hindi sila bumili ng paninda ko, susunugin ko ang bahay nila. Kaya ayun, palaging ubos.

Sa tanghali, tumutulong ako sa simbahan habang nakikipag-plastikan ako kay Pader Solomon. Isa akong part-time teacher doon at nagtuturo ng subject kung saan ako magaling. Natural sa english. Tinuturuan ko ng malulupit at mababangis na english yung mga bata sa simbahan. Palagi ko sinasabi sa kanila na kailangan nilang matutong mag english at maniwala sa kasabihang 'There's a plenty of fish in the sea,' o sa tagalog 'Ang lalaking hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, malamang ako ang nasa harapan. Ang prettyness ko kaya.'

Pagkatapos ko naman makipagplastikan kay Pader sa simbahan at magturo ng malulupit na english, didiretso na ako sa dagat para manghuli ng mga isdang ititinda ko. Kapag nakahuli na ako, diretso naman agad ako sa palengke para magtinda. Palagi kong binobola 'yung mga namimili para lang makabenta. Palagi ko silang pinupuri kahit na walang kapuri-puri sa mukha nila. Mwahaha.

"Ate ang ganda mo ngayon!"

Kahit na yung ilong niya 'e parang sundalo. Palaging nakadapa.

"Ate, pumapayat ka ata?"

Kahit na yung suot niyang pantaloon 'e halos pumutok na dahil sa sobra niyang taba.

"Ate, ang nababawasan ata yung pimples mo. Naks!"

Kahit na yung mukha niya 'e wala na halos paglagyan ng pimples. Nagmukha na siyang taong tigyawat dahil sa dami niyang pimples sa mukha hanggang batok.

Ganito ako ka-plastik sa probinsya para lang kumita ng pera.

Okay na 'to kaysa naman magtulak ako ng shabu at magnakaw, 'di ba?

Ang dami kong trabaho kaya panay na ang pananakit ng likuran ko. Pero okay na manakit ang likuran ko kaysa naman ang puso ko. Ughh-tama na, Althea Josefa, baka kung saan na naman mapunta yang mga iniisip mo e. 'Di ba, nangako kana sa sarili mo na forgetness na yon?

K.

Inilibot ko 'yung dalawa kong mga matang kyot dito sa loob ng palengke. Wala ng tao rito dahil masyado ng gabi. Ako nalang ang natitira. Inabot na ako ng dilim dahil pinaubos ko talaga yung mga isdang tinda ko na nung huling b'wan ko pa nahuli. Nangangamoy na kasi kaya kailangan na mabenta. Hindi naman nakakatakot dito dahil may ilaw naman kaya goness lang.

That Promdi GirlWhere stories live. Discover now