Sa totoo lang nawala na talaga sa isip ko si Jonas. Hindi ko na siya masyadong inisip simula nang dumating ako rito sa mansion ng mga uwak. Kahit kasi natuwa ako sa kanya 'nung una kaming magkakilalang dalawa 'e nawalan na rin ako ng pag-asa na muli ko siyang makikita dahil nga ang laki-laki ng Maynila. Masyadong impossibleness na muli kaming magtagpo at muling magkita ang dalawang pusong pinaghiwalay ng tadhana-chos! Kaya ngayon 'di ko maalis sa sarili ko ang hindi kiligin nang makita ko 'yung pala-ngiti niyang labi. Kilig na kilig talaga ang ma'am niyo mga students.
Sino nga naman ang mag-aakalang magkikita ulit kaming dalawa nitong si Kuyang manhid sa pamamagitan ni San Goku? At sino rin ang mag-aakalang ang aburido, iritado, pero matambok ang pwetan na si San Goku 'e kaibigan pala 'tong palangiti, manhid, pero gwafung si Jonas? Inakala niyo ba 'yun? Ako kasi hindi, e. Ang mga snob sa personal kasi hindi dapat nag-aakala.
Masaya kaming nag-uusap ngayon ni Jonas habang magkatabi kami sa upuan. Nasa library pa rin kaming tatlo nila Elton. Si Elton naman ay nasa harapan namin nakaupo at tahimik lang na nakamasid sa aming dalawa habang seryoso ang mukha at nakataas ang kilay na parang may hindi nagugustuhan. Haterness talaga ng buhay ko 'to, e. Pero dedmaness na sa kanya. Ang mga snob sa personal dapat walang pakialam sa haterness.
"Ikaw kung anu-anong pinagsasabi mo, ah! Anong girlfriend ka diyan? Hende ke pe nge nenlelegew, e." sinuntok ko pa ng bahagya 'yung braso ni Jonas saka ako na pa-tuck ng hair sa aking ear dahil pinipigilan ko ang kilig ko. Naging pabebe rin ako magsalita. Amputs. Ba't nagiging pabebe ako nang dahil kay Jonas?
Natawa na naman si Jonas. Kanina pa siya tawa ng tawa habang nag-uusap kami. Pati simpleng pagtango ko at pag-iling tinatawanan niya. Nakakatawa ba ako kausap o sadyang may sayad lang talaga 'tong si Jonas? Ang gwafu pa naman niya. Sayang lang kung magkakasayad siya.
"I'm kidding, okay? Nagbibiro lang ako kanina. Gusto ko lang makita 'yung magiging reaction mo kasi palaging priceless, e." sabi niya habang tawa ng tawa "Besides, natuwa lang talaga ako dahil muli tayong nagkita. Nanghinayang nga ako na hindi ko kinuha 'yung number mo bago tayo maghiwalay 'nun. But, look. Muli tayong nagkita. I think It must be a destiny." tumaas-taas pa ang kilay niya.
"Destiny ka diyan!" sinuntok ko ulit ang braso niya "Pati ang destiny's child na kumanta ng brown eyes 'e dinadamay mo. Saka 'di ko rin naman ibibigay number ko sa'yo, 'no. Hindi kaya ako easy to get. Hehe."
"Hindi ko naman sinabing easy to get ka. I just find you adorable and funny to talk with. Nawala kasi 'yung pagod ko sa byahe 'nung magkausap tayo." ngumiti si Jonas. Amputs. Ang puti ng ngipin niya. "Pero seryoso, na-miss talaga kita. Na-miss ko rin 'yung suman mo."
"Talaga adorable ako?" masaya kong tanong kay Jonas.
Tumango siya, "Yes. Super adorable."
"Hehehe. Adorable nga ako," saka ako napakamot ng ulo "Pero ano ba tagalog ang adorable?"
Napatitig si Jonas sa akin saka biglang napatawa, "Pfffttt." pag-impit niya sa tawa niya "Hahahahaha."
Naningkit ang mga mata ko, "Anong nakakatawa?" sinuntok ko tiyan niya. Amputs ulit. Ang tigas ng tiyan niya. Mukhang may abs din siya, ah. 'E v-line kaya meron din?
YOU ARE READING
That Promdi Girl
Teen FictionNagbago ang buhay ng Promdi Girl na si Althea Josefa Marinduque o Althea nalang para kyot nang pumunta siya sa Manila. Akala niya kasi trabaho ang pupuntahan niya pero hindi pala. Bakit hindi sinabi sa kanyang mag-aasawa na pala siya? At hindi bast...