Ako 'yung tipo ng tao na marunong magpahalaga sa kung anong meron ako. Lumaki kasi ako sa pamilyang hirap at hikaos sa buhay. 'Yung mga nakukuha kong bagay may limitasyon at may hangganan. Hindi kami nakakakuha ng sobra. Sapat lang sa pangangailangan namin at kadalasan kulang pa. Pero kahit kailan hindi kami nalungkot. Marunong pa rin kaming magpasalamat sa kung anong biyayang natatanggap naming dalawa ni Lolo Philip ko.
Isa sa katangiang nagustuhan ko sa lolo kong may apat na ngipin na puro bagang pa ay 'yung tinuruan niya akong magpahalaga sa mga bagay na nakukuha ko. Ipinamulat niya agad sa akin na dapat ako'y marunong mag-appreciate sa maliit na bagay o malaki man na dumadating sa buhay ko. Palagi niyang sinasabi sa akin noon na "Apo kong pretty, dapat mong pahalagahan 'yan dahil may mga tao sa mundo na wala ang bagay na meron ka."
'Yun ang mga katagang kinalakihan ko. Kaya siguro hindi ko na napigilan ang sarili ko kanina at nasapak ko ng straightness sa kanyang mukha si Klyde. Tumaas kasi ang alta-presyon ko. Na-high blood ako ng bongga. Naiinis talaga ako sa mga taong 'di marunong magpahalaga sa mga bagay na meron sila ganung ang daming tao sa mundo na nagpapakahirap makapag-aral lang at makapagtapos ng edukasyon na gusto nilang makuha.
Kaya hanggang ngayon
ang hurtness pa rin ng kamao ko kahit ilang oras na ang lumilipas simula nang makasuntok ako ng taong matigas ang bungo. Damn-ness! Ang sakit talaga.
"Kumusta na kamao mo?" tanong sa akin ni Klode.
Nasa may garden na naman kaming dalawa at nagpapahinga habang si Majinbu naman ay nakatuntong sa lamesa't titig na titig kay Klode. Lechugas na biik 'to. Magmula ng makita niya kaninang umaga si Klode parang hindi na niya ako kilala. 'Yung mga baboy niyang mga mata palaging nakatuon sa mukha ni Klode. Bading din ata 'tong si Majinbu, e. Ay-wait. Hindi ko pala alam ang kasarian ni Majinbu.
"Masakit," sagot ko habang hinihimas ang sarili kong kamao "Ang sakit pa rin hanggang ngayon. Grabe, ang tigas pala ng mukha ng kakambal mo."
Natawa si bading, "Hindi ko talaga inaasahan na bigla kang eeksena 'dun. Pero mas hindi ko inaasahan na susuntukin mo si Klyde," napahagikgik siya "But anyway, he deserves it. Sometimes people need to be hurt so he can realize the things he took for granted."
Napa-english na naman ang bading! My Goodness!
"Nainis lang kasi talaga ako kaya ko siya sinuntok."
"Halata naman, e." ngumiti siya "Pero totoo ba 'yun? 'Yung ilang kilometro ang nilalakad mo makapasok lang ng school? Tapos dumadaan ka pa sa ilog at palayan?"
"Aba'y oo! Plastic akong tao pero palagi akong nagsasabi ng totoo. Naniniwala kasi ako sa kasabihang "Honesty is good but we need cash.""
"Honesty is the best policy 'yun, 'teh." humagikgik na naman ang loka.
"Ganun na rin 'yun, 'noh. Baklang 'to ang hilig mang-correctness. Akala mo naman kinaganda
niya," napasimangot ako saka nagpatuloy "Tuwing papasok ako noon madaling araw palang aalis na ako ng bahay. Liblib pa sa lugar namin kaya palagi akong may baon na flashlight. 'Yung ilog pa na dinadaanan ko kapag umuulan tumataas ang tubig. Kaya tuwing may bagyo umiiyak na ako."
YOU ARE READING
That Promdi Girl
Novela JuvenilNagbago ang buhay ng Promdi Girl na si Althea Josefa Marinduque o Althea nalang para kyot nang pumunta siya sa Manila. Akala niya kasi trabaho ang pupuntahan niya pero hindi pala. Bakit hindi sinabi sa kanyang mag-aasawa na pala siya? At hindi bast...