Ilang minuto na ang nakakalipas simula ng maghiwalay kaming dalawa ni Jonas at sumakay ako rito sa taxi pero hanggang ngayon hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko.
Ajuju, lantod. Hindi kasi. Natatawa lang ako sa naging mga usapan namin kanina. Para kasing ang tagal-tagal na namin magkakilala. Parang ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya. Siguro magkaibigan ang mga libag naming dalawa noong past life namin, 'no? Oh, baka naman friends ang mga balikat't batok namin noong unang panahon?
Sigurado rin akong hindi basta-basta tao si Jonas. Isa siyang sayans. Like ni Goku and Vegeta. Charot. Alam kong mayaman 'yung lalaki na 'yun at napaka-low profile lang kaya kaya niyang makihalubilo sa mga poor people sa paligid niya like me. Habang nag-uusap kasi kaming dalawa kanina nag-e-english siya na halatang natural lang sa kanya. Hindi tulad ko na kapag nag e-english 'e one word na nga lang mali-mali pa.
Common since. Tse. Common genes pala 'yun. Akala ko common since.
Perpeksyonis. Ano nga ulit sabi ni Jonas, 'dun? Hindi ko na maalala. Basta parehas lang ng pagbigkas, e. Parang pinaarte niya lang.
So, anyway. Nakakaloka pala talaga rito sa maynila. Ang laki-laki pala talaga ng syudad na 'to. Hindi gaya sa probinsya namin na ilang kembot lang nasa bayan ka na tapos kembot ka ulit nasa may plaza ka naman. Tapos isa pang kembot kaharap mo na 'yung mga plastic mong kapitbahay at nakikipag-plastikan kana. Eh, dito ilang minuto na akong nakaupo sa taxi ni manong driver pero 'di pa rin kami dumarating sa paroroonan ko. Mukhang may forever talaga.
Forever matagal ang byahe.
Ibinaling ko ang tingin ko sa may bintana. Hindi ko maiwasang hindi humanga sa mga matataas na building na nakikita ko. Ito pala talaga ang sinasabi nilang syudad. Grabe. Ang ganda pala talaga. Sana buhay pa si lolo para sabay namin nakikita ang ganda ng manila. Si lolo naman kasi, e. Masyadong excited pumunta sa kabilang buhay.
Nag meet and greet na kaya sila nila Itay and Inay 'dun? Sana may i-send silang picture sa akin with caption na "Anak, sunod na you. Asap."
"Aha! Alam ko na!" sabi ko sa sarili ko nang may naisip ako.
Binuksan ko 'yung isang maleta at kinuha 'yung malaking picture frame ni lolo. Sa loob ng isang linggong pagkawala ni lolo itong picture frame nalang niya ang madalas kong kinakausap. Kinakausap ko ito na parang buhay na buhay pa siya.
"Lolo, tignan mo 'yung building na 'yun, oh. Sobrang taas!" pagtuturo ko 'dun sa nadaanan naming mataas na building na ang daming bintana "Kapag kaya nasa tuktok tayo niyan, lolo, tapos itinulak kita, mabubuhay ka pa kaya?" bigla akong napasimangot "Hindi na natin masusubukan kasi wala ka na. Nakakalungkot talaga, lolo."
Ibinalik ko na sa maleta ko 'yung picture frame ni lolo nang pumasok ang taxi sa isang napakalaking gate. Huminto muna ito nang humarang ang dalawang security guard na may dalang mahahabang baril. Parang sa mga pelikula lang na napapanood ko. May ganito rin pala sa totoong buhay.
Muling umandar ang taxi pagtapos makipagplastikan-este makipagngitian ni manong driver sa mga security guard. Ilang sandali pa tumigil na 'yung taxi sa isang napakalaking gate na kulay itim. Sumilip muna ako sa may bintana para makita ko 'yung nakasulat sa may gate.
"Falcon Residence," pagbabasa ko saka itinuon ang pansin kay manong "Manong, sigurado ka? Dito na 'yun?"
Sumulyap siya sa akin, "Ano bang sabi sa papel? 'Di ba, falcon residence, Aviana Subdivision?"
Binasa ko ulit 'yung nasa papel at tama nga si Manong. "Ah, oo nga, 'no. Magkano pala babayaran ko?"
"Isang libo nalang, miss."
Nagulantang ako, "ANO? Isang libo? Ano 'yang krudo niyo, ginto? Ginto ba nilalabas na usok ng taxi niyo?"
"Miss, malayo 'tong Avaiana Subdivision mula sa pinanggalingan natin. Wala ng mura sa mundo."
YOU ARE READING
That Promdi Girl
Teen FictionNagbago ang buhay ng Promdi Girl na si Althea Josefa Marinduque o Althea nalang para kyot nang pumunta siya sa Manila. Akala niya kasi trabaho ang pupuntahan niya pero hindi pala. Bakit hindi sinabi sa kanyang mag-aasawa na pala siya? At hindi bast...