Kanina pa kaming dalawa ni Elton magkahawak ng mga kamay. Sa lahat ng pinupuntahan naming lugar hindi niya binibitawan ang kamay ko. Hawak niya lang ito ng mahigpit na inakala niyang kayamanan. Parang natatakot siyang pakawalan ang kamay ko dahil alam niyang maraming lalaki ang gustong humawak sa malambot kong palad at mga daliri. Parang, para sa kanya, itong kamay ko na ito na ang gusto niyang hawakan sa tanang buhay niya at habang nabubuhay siya sa earthness.
Ang dami na naming napuntahan na lugar na magaganda. Iba't ibang tanawin na parehas namin na-enjoyness. Hindi maalis ang ngiti ko sa labi dahil tinotoo nga ni Elton ang date naming dalawa. Ang sweetness at romanticness ng mga napuntahan naming dalawa. Para kaming totoong coupleness. O, baka naman coupleness na talaga? Itong si Elton hindi man lang ako niligawan. Akala niya siguro easyness to getness ako, 'no? Pero hayaan na nga. Elton Alexander na iyan magmamaganda pa ba ako?
Inabot na kaming dalawa ng hapon na magkasama. Papalubog na ang araw. Kulay orangeness na ito at humahalo sa ganda ng karagatan. Nasa may beach kaming dalawa ngayon at naglalakad sa may buhangin habang magkawak pa rin ang mga kamay. Ang payapa ng paligid. Tanging presenya lang namin ang
nararamdaman namin. Masyado na ring malamig ang hangin.
Napahinto si Elton sa paglalakad at napatingin sa akin, "Nilalamig ka?" nag-aalala niyang tanong.
Tumango ako saka nagpa-cuteness at ngumuso, "Opo, bebe Elton. Nilalamig ako. Huhuhu."pag iinarte kong sagot. Isa rin iyang sagot na iyan sa itunuro sa amin sa PABEBE elem noon.
"Sandali lang." sagot ni Elton saka binawi ang kamay niya.
Tinanggal niya 'yung suot niyang jacket kaya ang natitira niya nalang ngayon na suot ay kulay itim na shirt na hapit sa katawan niya. Bakat na bakat tuloy sa suot niyang shirt 'yung maskulado niyang katawan.
Akala ko kung anong gagawin ni Elton pero bigla niya lang isinuot iyung jacket niyang hinubad sa akin. Ang comfortableness sa katawan ng jacket ni Elton. Ang init sa pakiramdam. Parang yinayakap ako ni Elton nang dahil sa jacket niyang ito na nakabalot sa akin. Kinilig ang boobs-este ang puso kong birhen sa ginawang ka-sweetness ni Elton.
"Okay na?" nakangiting pagsasalita ni Elton. "Hindi ka na nilalamig?"
Umiling ako, "Hindi na." sagot ko pero nakanguso pa rin. "Kamay ko nalang ang nilalamig."
"Aww," saad ni Elton saka hinawakan ang dalawa kong kamay saka ito hinimas ng paulit-ulit para uminit. Nang matapos niya itong himasin bigla niya itong hinalikan. Tumingin si Elton sa akin. "Hayan. Okay na?"
Napatango na ako, "Yesness. Hindi na ako nilalamig."
Todo titig si Elton sa akin habang nakangiti, "Good." sagot niya saka muling hinawakan ang kamay ko ng pagkahigpit-higpit. Nagpatuloy kaming dalawa sa paglalakad at ninanamnam
ang ganda ng paligid.
Habang patuloy kaming naglalakad naramdaman ko na parang biglang kinabahan si Elton. 'Yung mukha niya biglang pinagpawisan. 'Yung kamay niya biglang nanginig. Hindi ko alam kung anong problema na kung bakit siya biglang hindi naging komportable. Naiinitan ba siya? Pero malamig naman ang paligid. Malamig ang simoy ng hangin. Para nga kaming nasa loob ng refrigerator dahil sa lamig.
YOU ARE READING
That Promdi Girl
Dla nastolatkówNagbago ang buhay ng Promdi Girl na si Althea Josefa Marinduque o Althea nalang para kyot nang pumunta siya sa Manila. Akala niya kasi trabaho ang pupuntahan niya pero hindi pala. Bakit hindi sinabi sa kanyang mag-aasawa na pala siya? At hindi bast...