Walang gana kong inilibot ang mga kyot kong mga mata sa paligid na pinagdalhan sa akin ni Klyde ngayon. Hindi ko na mabilang kung pang-ilan na ito sa magagandang lugar na pinuntahan namin simula ng magsimula ang date naming dalawa. Bukod kasi sa nakakatamad magbilang, hindi rin palabilang ang mga snob sa personal at plastic na kagaya ko. Hindi naman kasi kami tinuruan sa PABEBE elem noon na kailangan magbilang ng magagandang lugar. Ang itinuro lamang sa amin kung papaano kumain ng mamon ng tama at magpa-cuteness sa mga cuteness na mga boyssxzzzz.
Ang tangi ko lang lang alam na eksaktong bilang ay kung ilang beses na akong sinaktan, pinaiyak, hinalikan, at pinagsamantalahan ni Elton ang kahinaan ko bilang babae-jokeness, basta 'yung tatlo lang. Hindi kasama iyung huli. Hindi iyun mangyayari at mukhang 'di na talaga kahit mangyayari kahit na kainin ko pa si Majinbu ng buhay dahil ayaw talaga sa akin ni Elton bhe. Hindi ko talaga alam kung bakit niya ayaw sa akin. Wala ba siyang taste?
Maganda naman ako. Marami akong manliligaw sa probinsya noon na 'di ko sinagot kasi nga hard to getness ako saka snob nga sa personal. Kaya iyung loveness na naramdaman nila sa akin naging hateness na. Naging haterness ko iyung mga kuya niyo.
May talent din naman ako. Madalas kaya akong manalo sa
patimpalak sa probinsya noon. Habulang biik. Agawang saklay ng pilay. Tumbang preso pero ang palagi kong tinutumba iyung mga kalaban ko.
Boom-sak pero lalamunan ng kalaro ko iyung sinasaksak ko hanggang mamaga lalamunan nila.
Habulan tsinelas pero iyung tsinelas na mahahabol ko sinasampal ko sa mukha ng kalaro ko hanggang sa magmukha ng swelas ng tsinelas niya ang mukha niya. O, 'di ba? Ang talentfulness ko kaya. Bakit ba ayaw sa akin ni Elton bhe? Sabihin niyo nga sa akin kung bakit ba ayaw niya sa akin?
Love is blind ba talaga kaya hindi ako nakikita ni Elton bhe? Pero kung totoo man ang kasabihang love is blind bakit iyung kaklase kong si Love sa PABEBE elem noon hindi bulag. Malandi lang. Sa susunod nga na makita ko iyung si Love bubulagin ko na talaga para mapangatawanan na ang kasabihang Love is blind. 'Yang love na 'yan pinag-iinit ang ulo ko, 'e. Siya talaga ang may kasalanan kung bakit 'di ako pinapansin ni Elton bhebhe ko.
Bigla akong napangiti ng mapakla nang dahil sa mga dahilan kung bakit 'di ako napapansin ni Elton at hindi nagugustuhan. Alam ko naman kung bakit, 'e. Ayoko lang tanggapin. Ayoko lang aminin sa sarili ko 'yung kaisa-isang dahilan kung bakit 'di niya ko magawang mapansin.
May girlfriend nga kasi siya, 'di ba? At iyung girlfriend niya na 'yun lang ang babaeng mahal na mahal niya at gusto niyang pansinin sa tanang buhay niya. Punyemas. Bakit ba kasi ako umaasa na mapansin ako ni Elton? Bakit ba ako umaasa na magugustuhan niya rin ako?
Umasa tuloy ako, nasaktan, nagselfie-jokeness ulit, walang camera ang phone ko kaya 'di
ako makakapag-selfie. Punyemas na buhay talaga 'to. Ang sarap magsunog ng malalandi.
Napahugot ako ng malalim na buntong hininga nang maramdaman ko na namang kumirot ang boobs-este puso ko nang dahil sa mga iniisip ko. Si Elton lang talaga ang nakakapagpakirot ng puso ko nang makilala ko siya. Ang unfair lang, 'e. Kaya niyang pakirutin ang puso ko pero ang puso niya iba ang gusto niyang kumurot. Osiya, betlog niya nalang kurutin ko. Isama na natin putotoy niya.
YOU ARE READING
That Promdi Girl
Teen FictionNagbago ang buhay ng Promdi Girl na si Althea Josefa Marinduque o Althea nalang para kyot nang pumunta siya sa Manila. Akala niya kasi trabaho ang pupuntahan niya pero hindi pala. Bakit hindi sinabi sa kanyang mag-aasawa na pala siya? At hindi bast...