Chapter 20

582 3 0
                                    

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba ako napairap at napasimangot ngayong umaga simula nang umalis kaming dalawa ni Elton sa mansion kanina. Ang aga-aga ini-stressness niya na naman ako. Paulit-ulit siya sa mga bilin niya sa akin. Simula ng bumalik kami sa pag tatrabaho sa kumpanya araw-araw niya akong pinapaalalahanan. Palagi niyang sinasabi na 'wag daw akong aalis ng kumpanya na hindi siya kasama. Tingin niya ba bobita ako para 'di ko 'yun ma-getsness ng isang sabihan niya lang? Top 2 sa PABEBE elem at Top 10 sa SUMAN high kaya 'tong kausap niya. Duhness

"Hoy, Promdi girl. Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?" muli akong napairap sa kawalan nang marinig ko ang nakakainis na mga paalala niya. Ginagawa niya talaga akong boba.

Sinulyapan ko si Elton saka ko siya inirapan, "Oo kaya. Jusko naman, San Goku. Paulit-ulit ka nalang. Ilang araw mo ng sinasabi sa akin 'yan. Ang sakit mo sa apdo!" pagrereklamo ko "Getsness ko naman, 'di ba? 'Kita mo kahapon umalis ba ako? Hindi. Hinintay kita. So stopness na. It's not funnyness."

"Alam mo kasi, Promdi girl, ang tulad mo kailangang palaging pinapaalalahanan. Bobita ka pa naman," seryosong sagot ni Elton habang nagmamaneho "Malingat lang ako sandali may ginagawa ka ng kabobohan. Kaya hindi ka dapat iniiwan mag-isa, 'e."

"So, sasamahan mo ako sa paglilinis ng lobby mamaya?" tanong ko sa kanya "Magba-bondingness tayo sa paglilinis

dalawa? WOW! Masaya 'yun. You and me against the worldness ang pegness natin."

Napairap siya, "Mag-isa ka."

"Okay lang. Sanay naman akong mag-isa." napasimangot ako.

"Aba, humuhugot ka pa diyan. 'Wag mo ko guluhin. Nag mamaneho ako."

"Ay, wow. Ako ba gumugulo sa'yo? Ikaw kaya kausap ng kausap sa akin. Feeling close ka nga, 'e." untad ko saka muling napairap. May sayad talaga 'tong si Elton kahit kailan. Ako raw gumugulo sa kanya?

Itinuon ko nalang ang paningin ko sa mga dinadaanan naming dalawa ni Elton. Kahit ang ganda ng mga nakikita kong view hindi ko naman ito ma-enjoyness. Sa totoo lang tinatamad akong mag trabaho ngayon. Tinatamad akong pumasok. Kaso kung maiiwan naman ako sa mansion mas lalong nakakatamad. Nakakasawa kayang makipag-plastikan sa mga tao 'dun kahit na mga students ko pa sila.

Napabuntong hininga ako. Paano ba kasi ako hindi tatamarin kung hindi ko naman nakikita si baby suman ko 'dun sa kumpanya. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita. Ang huling kita ko pa sa kanya ay 'nung nagkasakit 'tong si Elton na may sayad. Kaya nga rin ako sinisipag pumasok dahil nagiging inspirasyon ko si Jonas para sipagin akong pumunta sa kumpanya at maglinis. Pero wala ring saysay ang pagpasok ko dahil wala akong malandi-este inspirasyon.

Tinignan ko si Elton habang seryosong nagmamaneho. Ang gwapo niya ngayon, ah. Ang gwapo-gwapo talaga nitong si Elton Alexander. Kung hindi lang may sayad perfectness na sana siya. Kaso may tama ang ulo, 'e. Minsan nakakainis siyang lalaki. Kadalasan naman ang sarap niyang halikan habang kinukurot

ang matambok niyang pwetan. Mwahaha. Patingin ng matambok mong pwet, Bebe Elton. Chos!

"Anong tinitingin-tingin mo diyan?" masungit niyang pagsasalita. Salubong na naman ang kilay.

"May itatanong lang ako. Ang sungit mo na naman agad diyan." saad ko "Tingin mo ba papasok na si Jonas ngayon? Ilang araw ko na siyang hindi nakikita, 'e. Nakakamiss na siya." napanguso pa ako. Nabasa ko kasi sa diyaryo kahapon na ang cuteness daw sa babae kapag nakanguso.

That Promdi GirlWhere stories live. Discover now