Bakit ganito kalupit maglaro ang tadhana? Bakit kung kailan mo pilit kinakalimutan nang paunti-unti iyong mga masasakit mong napagdaanan at pilit nililimot iyong taong lubos na nagbigay sa'yo ng labis na hinanakit, saka mo naman ulit siya makikita? Bakit kung kailan paunti-unti mo na natatanggap sa sarili mo ang realidad at paunti-unti mo na ulit naaayos ang sarili mo, saka naman ulit babalik ang multo ng kahapon para muli kang guluhin?
Okay na ako e. Alam niyo 'yun? Okay na ako sa buhay ko ngayon. Paunti-unti ko nang nakakaya na mabuhay na wala siya e. Sa tatlong b'wan na lumipas, pinilit kong makalimot. Pinilit kong kalimutan iyong mga masasakit na nangyari. Pinilit kong kalimutan iyong mga masasakit na napagdaanan ko sa kanya. Yung bawat luha at hinagpis ko nang dahil sa kanya. Yung bawat pag amin ko sa kanya na mahal ko siya pero puro pagwasak lang sa puso ko ang ginawa niya.
Hindi madaling pagkalimot iyong ginawa ko sa tatlong b'wan na lumipas. Hindi biro iyong ilang linggo akong umiiyak at nagmamakaawa sa sarili ko na tama na ang pag-iisip kay Elton dahil kahit kailan, hinding-hindi niya ako matatanggap. Hindi biro yung ilang gabi ko siyang mapapaginipan na masaya siya sa piling ng iba habang ako'y nag-iisa lang sa buhay at wala nang karamay.
Hindi biro yung nakikita ka ng mga tao sa paligid mo na nakangiti pero iyung puso mo naman ay durog na durog. Hindi madaling ipaliwanag sa kanila sa tuwing mapapansin nilang matutulala ako at itatanong nila sa akin kung anong mali gayung wala na akong nakikitang tama.
Mula kasi nang minahal ko siya, hindi ko na alam ang tama sa mali. Ang nakakabuti sa nakakasama sa akin. Akala ko kasi iyong pagmamahal ko sa kanya ay palaging tama. Nakalimutan kong isipin na sa bawat sobrang ginagawa ng isang tao ay palaging may kaakibat na mali. At iyun ang mali ko, minahal ko siya sa paraang hindi siya nararapat.
Tapos ngayon, kung kailan nakakaya ko na talaga mag-isa, saka naman siya susulpot dito sa harapan ko at sasabihing mahal niya ako? Joke ba siya? Kasi kung joke siya, siya iyong joke na nakakabadtrip. Kung kailan natanggap ko na sa sarili ko na hinding-hindi ko siya maaangkin nang buong-buo, saka naman siya muling manggugulo sa buhay ko na para bang walang nangyari? Anong tingin niya sa akin? Tingin niya madadaan niya ako sa paliwanag?
Akala niya ba na kapag nagpaliwanag siya'y papatawarin ko agad siya at iwe-welcome back with open arms pa? E, kung bayagan ko kaya siya diyan at saka ko sabihing magpapaliwanag ako. Matatanggap niya kaya iyung paliwanag ko nang ganun-ganun lang?
Ayoko na talaga. Sawang-sawa na ako. Kahit ang dami kong gusto kong malaman sa pagsulpot ngayon ni Elton dito sa probinsya. Pinigilan ko lang ang sarili ko. Bukod sa natatakot ako sa maaaring mga sagot na makuha ko, natatakot na ulit akong masaktan.
Tiyak kasi pag nasaktan ako for the second time around by the same person, it will hurt like hell. At baka iyun na ang tumapos sa buhay ko. Hindi madaling mag move-on punyeta siya. Kaya iyang paliwanag niya, bitbitin niya pabalik ng manila. Hindi ko yan kailangan. Hindi ko siya kailangan.
Kanina pa ako pagulong-gulong dito sa papag na hinihigaan ko pero hindi ako makatulog. Sa ganitong oras na 'to bumabangon na dapat ako para magmasa ng pande-suman na ititinda ko mamayang ala-singco ng umaga. Hindi na talaga ako makatulog kaya bumangon nalang ako.
Tumapat muna ako sa salamin para mag suklay at mag-ayos ng sarili. Habang inaayos ko ang sarili ko, bigla ako nakarinig ng may bumahing. Dalawang magkasunod na pag bahing iyung narinig ko kaya napasilip na ako sa may bintana. Kumunot agad yung dalawang kyot kong mga kilay nang makita ko si Elton na nakaupo sa gilid ng pintuan ng kubo ko habang nangangatog sa lamig,
YOU ARE READING
That Promdi Girl
JugendliteraturNagbago ang buhay ng Promdi Girl na si Althea Josefa Marinduque o Althea nalang para kyot nang pumunta siya sa Manila. Akala niya kasi trabaho ang pupuntahan niya pero hindi pala. Bakit hindi sinabi sa kanyang mag-aasawa na pala siya? At hindi bast...