Hindi ko talaga inaasahan na ganun-ganun lang yung mangyayaring pag-uusap sa aming dalawa ni Kelly Clarkson kanina. Nung nakita ko siya at nang tinanong niya ako kung pwede ba kaming dalawa mag-usap, inaasahan ko nang dadanak ang dugo mula sa bumbunan ko. Akala ko bubugbugin niya ako dahil nakita niyang kasama ko ang boyfriend niya at kahawakan ko pa ng kamay. Pero hindi naman siya nagalit. Ang hinhin niya pa magsalita. Para siyang anghel.
Hindi ko rin maintindihan yung pointness niya at kung bakit ginusto niyang makipag-usap sa akin kanina. Bukod sa puro english pa yung mga sinabi niya, tinanong niya rin ako kung ano ang tunay na namamagitan sa amin ni Elton bhe. At kung ano ba kami ni Elton sa isa't isa.
Natural sinagot ko siya ng totoo. Sinabi ko sa kanya na mahal ko si Elton pero hindi ganun ang nararamdaman ni Elton sa akin. Hindi naman niya kailangang mag-aalala dahil sa simula't simula palang, siya na talaga ang pinili ni Elton bhe. Hinding-hindi yun magbabago kahit maging bobo pa ako. Siya lang yung babaeng nilalaman ng puso't alak-alakan ni Elton kaya sumuko na rin ako.
Iyun naman kasi talaga ang mahalaga kapag nagmamahal ka. Kailangan alam mo ang limitasyon mo. Kailangan alam mo kung hanggang saan mo siya dapat ipaglaban. At kung hinihingi na ng pagkakataon na isuko mo yung taong mahal mo, wala kang magagawa kundi isuko siya. Hindi dahil tinatanggap mo na sa sarili mo na hindi mo siya makukuha. Kundi dahil tinatanggap mo na sa sarili mo yung desisyon niya na hindi ka niya kayang piliin dahil may iba na siyang napili.
Sa totoo lang, sobrang sakit sa parte ko 'tong ginawa kong desisyon. Mula noong mga bata palang kaming dalawa ni Elton at hanggang ngayong matatanda na kami, kahit hindi niya na ako naaalala, siya pa rin talaga yung mahal na mahal ko. Pero kailangan ko talaga siyang palayain. Nakikita ko kasi yung pagmamahal ni Elton para kay Jeni-Jennifer Lopez. Yung pagmamahal niya para doon ay yung klase ng pagmamahal na hinding-hindi niya maibibigay sa akin.
Siguro, hindi lang talaga kami para sa isa't isa ni Elton. Siguro, nakilala ko lang talaga siya para iparanas sa akin kung gaano kasarap at kasakit ang unang pagmamahal.
Sigurado rin akong may kaisa-isang lalaki diyan na nararapat para sa akin. Yung magmamahal sa akin ng kung ano ako. Kung gaano ako kaganda at katalino. Yung lalaking magpapatunay sa akin na kaya hindi ako napunta kay Elton kasi para ako sa kanya.
Nasaan na kaya siya? Sana guwapo rin siya. Sana rin matambok ang pwetan niya. Para kapag boredness ako, pipisil-pisilin ko pwet niya. Hay. Sana makilala na kita. Whereness na youness?
Hindi ako makatulog ngayon kahit dis-oras na ng hating-gabi. Hindi dahil excitedness ako sa birthday ko kinabukasan. Sa totoo lang, hindi ako nakakaramdam ng kahit anong specialness na feelingness dahil mag bi-birthday na ako. Nalulungkot nga ako e. Kasi unang beses ko talagang mag birthday ngayon na hindi ko na kasama si Lolo Philip. Ang sadness lang mga bhe.
Si Dudong at Dudang sa kwarto ulit ni Elton natulog.
Dumating na si Elton kanina at sumabay pa sa amin maghapunan. Mukhang pagod na pagod siya kaya afterness kumain, umakyat na agad siya sa kwarto niya kasama yung mga biik. Hindi tuloy kami nakapag-usap. Mukha siyang problemado.
Sinceness hindi makatulog ang diyosa ng mga suman, lumabas muna ako ng kwarto ko. Ang dilim na sa loob ng mansion at halatang humihimlay na ang mga tao rito. Kahit natatakot ako at baka makakita ako ng multong naka-split, lakas loob akong naglakad palabas ng mansion.
YOU ARE READING
That Promdi Girl
Teen FictionNagbago ang buhay ng Promdi Girl na si Althea Josefa Marinduque o Althea nalang para kyot nang pumunta siya sa Manila. Akala niya kasi trabaho ang pupuntahan niya pero hindi pala. Bakit hindi sinabi sa kanyang mag-aasawa na pala siya? At hindi bast...