Chapter 60

571 5 0
                                    

Hindi kaagad ako nagkaroon ng chanceness para makausap si Elton bhe nang muli siyang magising. Kinailangan kasi munang suriin ang sitwasyon niya para masiguradong okay na ang kalagayan niya. Okay naman iyon sa akin dahil gusto ko rin malaman kung okay na ba talaga si Elton. Gusto kong masigurado na hindi na ulit siya mako-comatose dahil leche iyang comatose na iyan.

Kapag nakita ko talaga iyang comatose na 'yan, ipapatumba ko iyan. Huwag lang talaga siya dadaan sa kanto namin dahil ipapatira ko siya sa mga tropapis kong mga adik.

Dalawang araw naging busy si Elton. Kapag pumupunta ako ng ospital, wala siya sa kuwarto niya dahil andon siya sa laboratory chorvaness at ineeksamin ang katawan niya. Kapag naman ibinabalik na siya sa sarili niyang kuwarto, mahimbing na siyang natutulog. Kailangan daw ng katawan ni Elton na makabawi ng lakas dahil nakakapagod iyong mga treatmentness na ginawa sa kanya.

Sinabi ko nga sa mga doctor niya na kapag hindi na naman nagising si Elton dahil sa mga ginagawa nila sa bhebhe ko, humanda sila. Lahat sila ay sisiguraduhin kong hindi na sisikatan ng araw. Tinawanan lang nila ako at siniguradong hindi na raw ulit mauulit ang paghimlay ni Elton ng isang taon at apat na b'wan. Okay na raw si Elton pero kailangan lang ng matinding pahinga.

Late na ako nagising ngayong araw dahil hindi ako maayos nakatulog kagabi nang sabihin sa akin na ngayong araw daw ay pwede na ulit makausap si Elton. Todo isip ako buong gabi ng mga bagay na gusto kong sabihin at ikuwento sa kanya. Ayon tuloy, ang prettyness na si ako ay napuyat lang.

Nasa dining area kami ngayon ni Klode at Chris at kumakain ng almusal. Si Klyde naman bukas pa raw makakauwi dahil hindi sila nakakuha ng early flightness ng girlfriend niya. Nang tinawagan ko ito nakaraan para ipaalam ang himalang pag gising ng Kuya niya napamura-mura ito sa telepono. Siyempre hindi ako pumayag na mura-murahin lang kaya minura ko rin siya, no.

"Is he going to sleep again?" pagsasalita ni Chris habang kumakain kami. "What if, Kuya Elton won't wake up again. Do we need to wait for another year?"

Napatigil kami sa pagkain ni Klode at napatingin kay Chris.

"Taray! Andito ka pa pala sa kwento, Chris? Akala ko, wala ka na." pagbibiro ko.

Natawa si Klode, "No, Chris. Everything's fine now. Okay na si Kuya Elton," aniya niya sa bunso niyang kapatid "Hindi na ulit matutulog si Kuya Elton."

Tumingin sa akin si Chris, "Narinig mo iyon, Ate Althea? Kuya Elton won't sleep again. Hindi ka na ulit iiyak sa paghihintay sa kanya. Pwede na kayo magpakasal." ngumiti si Chris.

Kinurot ko ang dalawang pisngi niyang matataba. Natuwa kasi ako sa sinabi niya.

"Salamat, bebe Chris," sagot ko "Salamat dahil nung mga panahon na umiiyak ako, ikaw lagi ang katabi ko sa kama para matulog. Hindi ka natutulog hanggang hindi ako tumitigil sa pag-iyak."

"No problem, Ate Althea. Kailangan ko iyun gawin kasi sabi sa akin ni Kuya Elton, kapag bumalik ka raw ulit dito sa bahay, kailangan kita protektahan kapag wala siya." magalang na sagot ni Chris.

"Sabihin mo iyan mamaya kay Kuya Elton mo," sagot ko "Tinupad mo kasi ang sinabi niya. Tiyak matutuwa iyon dahil big boyness ka na ngayon. Malaki na rin pututoy mo. Heheheh."

That Promdi GirlWhere stories live. Discover now