Pagkatapos kong umiyak kanina sa dibdib ni Zedrick, dinala niya ako sa balcony ng kuwarto niya. Dito kami palaging tumatambay dalawa kapag pumupunta ako rito sa mansion nila. Medyo tahimik dito. Hindi naririnig yung ingay mula sa after party ng kasal nung dalawa. Ang ganda rin ng view dito sa balcony ng kuwarto ni Zed. Natatanaw kasi yung buong baryo namin. Pero siyempre, mas maganda pa rin ako. Wala kayang tatalo sa ganda ko. Hello? Diyosa ng mga suman 'to, no.
Hindi ko alam kung ilang minuto na kami andito ni Zed. Tahimik lang kasi kaming parehas. Hindi ako tinanong ni Zed kanina kung bakit ako umiyak. Marahil, gusto niya ako bigyan ng privacyness. Iniisip niya siguro na masyadong personalness iyung dahilan nang pag-iyak ko kaya hindi na siya nagtanong. O, baka naman iniisip niya na may sayad ako?
"Ang ganda ng buwan," sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa maliwanag na buwan na nasa madalim na kalangitan "Zed, ang ganda ng buwan, no?"
"Oo, ang ganda nga." sagot naman ni Zed kaya bigla akong napatingin sa kanya.
Pagtingin ko, nahuli ko siyang titig na titig sa akin habang nakangiti.
"Hindi ka naman sa buwan nakatingin e. Paano mo nasabing maganda?"
"Hindi naman iyung buwan ang sinasabi kong maganda e."
"E, ano pala?"
"Hindi ano," nananatili pa rin siyang nakangiti "Kundi ikaw."
"He! Iyan ka na naman sa mga bola mo," aniya ko "Hindi mo ako madadaan sa mga bola mo. Matagal ko nang alam na maganda ako. Grade 1 palang ako, alam ko ng prettyness ako."
Pailing-iling na natawa si Zed habang hinuhubad niya yung suot niyang suit. Inabot niya 'to sa akin.
"Suot mo," sabi niya "Ang lamig dito. Baka magkasakit ka."
"Huwag kang mag-alala, malakas ang resistensya ko," sagot ko "Sa sobrang lakas nga, hindi ko na nabilang kung ilang beses akong sinaktan. Wala kasing pakialam yung taong nanakit sa feelings ko."
"Pwes, ako may pakialam sa'yo at sa feelings mo," nag seryoso si Zed "Isuot mo na."
Kapag nag seseryoso si Zed, wala ka ng ibang pagpipilian kundi sundin yung sinasabi niya. Hindi ka kasi mananalo sa kakulitan niya e. Kaya para matapos na, sundin mo nalang siya. Ganyan kakulit yang tsinoy na yan. Mabuti nalang, hindi niya pinipilit yung sarili niya sa akin. Baka kasi makulitan ako ng hard sa kanya at wala na akong ibang choiceness kundi tanggapin siya at maging kami. Chos!
Napangiti si Zedrick nang kunin ko yung suit niya at isuot ito sa sarili ko. Binigyan ko nalang siya ng isang matipid na ngiti kasi nga hindi pwedeng malaking ngiti ang ibigay ko dahil matipid akong tao at maganda pa tapos snob pa sa personal at plastic pero mapagmahal naman ako.
Muli kaming nanahimik dalawa habang nakatingala sa kalangitan.
"Sana may bumagsak na bulalakaw, no?" aniya ko "Para makapag-wishness naman ako."
"Bakit? Ano bang hihilingin mo kung sakali?"
YOU ARE READING
That Promdi Girl
Teen FictionNagbago ang buhay ng Promdi Girl na si Althea Josefa Marinduque o Althea nalang para kyot nang pumunta siya sa Manila. Akala niya kasi trabaho ang pupuntahan niya pero hindi pala. Bakit hindi sinabi sa kanyang mag-aasawa na pala siya? At hindi bast...