Madalas sabihin sa akin ng lolo kong apat lang ang ngipin na puro bagang pa noon na hindi raw natin kontrolado ang buhay ng isang nilalang. Hindi natin daw sigurado kung hanggang saan siya tatagal sa mundong ito at sa tabi natin.
Kaya raw habang nabubuhay pa sila at nasa tabi pa natin sila, ipakita at iparamdam na natin sa kanila kung gaano natin sila kamahal. Kung gaano sila kaimportante sa buhay natin. Dahil kung hindi raw natin ito ipaparamdam sa kanila baka raw habang buhay tayong magsisi kapag bigla silang nawala.
Mabubuhay tayo na may pagsisi at araw-araw sisisihin ang sarili na kung bakit hindi natin ipinaramdam. Na kung bakit hindi natin ipinakita kung gaano sila kaimportante sa atin.
Ganun naman ang buhay ng isang tao, 'di ba? Punong-puno ng pagsisisi.
Noong nabubuhay pa si Lolo Philip ko kahit nakaka-stressness siya at ang sakit niya bone marrow, palagi kong pinapakita at pinaramdam sa kanya na mahal na mahal ko siya. Kaya noong nawala siya sa akin wala akong pinagsisihan. Naipadama ko naman sa kanya 'yung pagmamahal ko sa kanya noong nabubuhay pa siya. Plastic akong tao pero pagdating kay Lolo ko sweetness ako.
Pero nang mawala si Majinbu sa akin may kaunti akong pagsisisi sa sarili. Sana araw-araw ko sinabi sa kanya na mahalaga siya sa akin. Sana araw-araw kong pinadama na kahit snob siya sa akin madalas mahal ko naman siya. Kaso, wala na, 'e. Huli na ako.
Inuna ko kasi ang paglalandi kaysa makipag-bondingness sa alaga kong biik. Kaya kung nasaan man si Majinbu ngayon sana lang masaya siya. Sana marami siyang nalalandi.
O, kung gusto niya isunod ko na si Klode sa kabilang buhay. Para naman 'di siya malungkot kung wala siyang malandi 'dun na iba. Alam ko naman na si Klode lang ang tanging kaligayahan niya, e. Willingness akong katayin ang hindut na bayut para lamang sa ikakasiya ni Majinbu sa kabilang buhay.
Ilang araw na ang lumilipas simula nang mawala si Majinbu sa akin. Andito pa rin sa puso ko ang kirot at lungkot ng pagkawala niya pero hindi na masakit. Kaunti nalang. Nakatulong itong bago bago kong mga biik na bigay ni Elton bhe na si Dudong at Dudang. Sa tulong ng mga anak naming mga biik ni Elton naiibsan ang sakit at pangungulila ko kay Majinbu. Malaki ang pasasalamat ko kay Elton bhe.
"Dudong habulin mo ako!!" natatawang sabi ni Klode kay Dudong saka ito tumakbo papunta kung saan. Mabilis namang tumakbo si Dudong habang si Dudang andito lang sa harapan ko at nakaupo na kanina pa napapairap mag-isa.
"Uy, Dudang!" tinapik ko ang likuran ni Dudang kaya napatingin siya sa akin. "Bakit napapairap ka mag-isa diyan?"
"Oink! Oink!" mataray na sagot ni Dudang sa akin na may bonus pang pang-iirap. Ang sabi niya kapag mang-iirap ba raw kailangan may kasama? Lakas mambara ng biik na 'to.
"Oo kailangan may kasama ka," sagot ko kay Dudang "Dapat by group ang pang-iirap."
"Oink! Oink!" maldita na naman na sagot ni Dudang. Wala raw akong pakialam.
See? Sabi ko sa inyo nababawasan ang pangungulila ko sa pagkawala
YOU ARE READING
That Promdi Girl
Teen FictionNagbago ang buhay ng Promdi Girl na si Althea Josefa Marinduque o Althea nalang para kyot nang pumunta siya sa Manila. Akala niya kasi trabaho ang pupuntahan niya pero hindi pala. Bakit hindi sinabi sa kanyang mag-aasawa na pala siya? At hindi bast...