Nanatili pa rin akong kalmado nang sabihin ni baby suman este Jonas beybi na sumama raw ako sa kanya at magtatanan kaming dalawa. Kahit na 'yung mga malalantong kong organs sa katawan ko 'e nag kanda-buhol buhol na sa sobrang kilig. Pakiramdam ko nga 'yung apdo ko nasa lalamunan ko na at 'yung baga ko naman nasa beywang na. Kahit na gusto ko na ring pagsasampalin 'yung mga tao rito sa lobby dahil sa sobrang excitementness na naramdaman ko nang dahil sa sinabi niya.
Pero kalmado pa rin ako talaga mga students. Ayaw ko nang umasa sa mga ganyang ek-ek ng lalaking 'to. Kahit na gwafu pa siya. Kahit na ang puti ng ngipin niya. Kahit na may dimples pa siya sa magkabila niyang pisngi. Nakaraan sinabi niya girlfriend niya ako tapos binawi rin naman. Tapos ito naman ngayon? Ano ng sunod? May bente na kaming anak? H'wag niya kong paasahin. Masaquetteness.
Bigla akong napasimangot, "Tigil-tigilan mo nga ako sa mga ganyan mong banat, Jonas. 'Di kaya siya funnyness." sabi ko "H'wag mo ko paasahin sa isang bagay na 'di mo naman gagawin. Babae kaya ako. Marupok ako sa mga ganyang salita. Mahina sa mga ganyang pangako." seryoso kong pagsasalita.
Natawa naman si Jonas. Kakaiba talaga tawa nitong si baby suman ko. Kapag tumatawa kasi siya parang kumikinang ang buong paligid. Para akong nakakakita ng mga bituin na nakabalot sa kanya. Tapos meron
pang music akong naririnig na ang sarap sa tenga. Talk dirty to me ang tugtog. Charot. Basta may music akong napapakinggan na 'di ko alam ang title kasi nga snob ako sa personal. Ang mga snob 'di nagkakabisado ng title ng mga kanta.
"Nagbibiro lang ako. Ang sarap mo kasing biruin dahil palaging epic 'yung mga reaction mo." nananatili siyang nakangiti "Gusto lang talaga kitang makasama ngayon."
"Ay, ganon ba? Sige. Pwede mo akong biruin segu-segundo, minu-minuto, o araw-araw. Kahit kailan mo gusto pwede mo akong biruin," kinikilig kong saad "Pwede mo naman akong makasama ngayon. Tulungan mo ako sa paglilinis dito sa lobby. Bonding natin 'tong dalawa. Ang taray ng bonding natin, 'di ba? Tayo ang janitor couple. Natulungan mo na ako plus naka-bonding mo pa ang tulad kong snob."
"Hahaha." natawa na naman ang baby suman ko "Gusto kita makasama sa ibang lugar. 'Yung tahimik ba? 'Yung solo natin ang lugar."
"Uhm," napaisip naman ako "Yung tahimik ba kamo? 'Edi dadalhin mo ko sa sementeryo?"
"Pwede! Para mapatunayan ko sa'yo kung gaano ako kapatay na patay sa'yo."
"Ihhhhhhh," napaigting naman ako sa sobrang kilig "Wag ka ngang ganyan. Baka mangisay ako sa kilig dito sa lobby." kumekerengkeng na sambit ko. Dito talaga kami sa lobby na dalawa naglalandian, ah.
YOU ARE READING
That Promdi Girl
Teen FictionNagbago ang buhay ng Promdi Girl na si Althea Josefa Marinduque o Althea nalang para kyot nang pumunta siya sa Manila. Akala niya kasi trabaho ang pupuntahan niya pero hindi pala. Bakit hindi sinabi sa kanyang mag-aasawa na pala siya? At hindi bast...