Chapter 36

451 4 0
                                    

Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas simula ng umalis kami ng mansion ni Elton. Basta ang alam ko lang sa grupo ng iyong mga kaibigan ay hindi nawawalan ng plastic-chosness! Pakiramdam ko nga magkakaugat na ako sa tagal ng byahe habang nakasakay kaming dalawa sa magara niyang sasakyan na gawa sa gagamba. 'Tulad ng sinabi niya kanina kukunin namin dalawa 'yung dress na gagamitin ko sa engagement party sa susunod na dalawang araw.

Sus, bakit kailangan pa mag engagement party? Hindi rin naman matutuloy ang kasalan. Baka mauwi lang iyun sa sakalan kapag nalaman ni Lolo Andres ang sitwasyon.

Nakabaling lang ang mga kyotness kong mga mata sa dinadaanan naming dalawa. Pilit kinakalimutan 'yung nangyaring aminan kanina habang nasa swimming pool kami. Pero kahit anong pilit ko sa sarili ko na limutin iyun hindi ko magawa. Parang biglang naging sugat ito sa puso ko na alam kong paulit-ulit na sasakit sa hinaharap. Isang uri ng sugat na 'di madaling hihilom.

Naramdaman ko na naman na tutulo ang luha ko kaya bago pa sila lumabas pinigilan ko na. Huminga ako ng malalim at pinilit ang sarili na 'wag ng umiyak. Saka, umiyak na naman ako kanina habang naliligo ako. Tama na iyun. Tama na sa pag-iyak Althea na prettyness. Magpasalamat ka nalang na at leastness gusto ka rin ni Elton tulad ng pagkagusto mo sa kanya.

'Yun nga lang may sabit.

May paepal. May kontrabida. O, baka naman sarili ko ang tinutukoy ko? Ito ang problema kapag 'yung taong gusto mo 'e may nilalaman na ang puso. Hindi mo alam kung ikaw ba ang bida o kontrabida sa istorya niya. Hindi mo alam kung saan mo ilulugar ang sarili mo.

Saan ko ba dapat ilugar ang sarili ko? Sa non-biodegradable ba since plastic ako? O, sa biodegradable at hayaan kong mabulok ang nararamdaman ko para sa kanya?

Pasikreto kong sinulyapan si Elton. Tutok na tutok lang ang mga mata niya sa dinadanan ng sasakyan pero halatang malalim ang iniisip. Sa totoo lang hindi ko magawang magalit sa kanya. Kahit ganun iyung sinabi niya kanina 'di ako nagalit. Mas lalo ko lang siyang minahal dahil sa paninindigan niya. Alam niya 'yung responsibilidad niya kay Aling Petra.

Kung ako rin ang nasa katayuan niya ganun din ang gagawin ko. Kaso 'di naman ako ang nasa katayuan niya so 'di ko iyun gagawin. Ano ako baliw? Bobita lang ako, 'no.

Habang nakatingin ako kay Elton bigla siyang napatingin sa akin. Binigyan ko siya ng maikling ngiti kasi iyun lang ang kaya kong ibigay ngayon. Pero lalo lang sumeryoso ang mukha niya. Tapos biglang nalungkot. Ganyan na ganyan iyung mukha niya kanina 'nung nasa swimming pool siya at inaming gusto niya rin ako. Ganyan na ganyan kalungkot ang mukha niya.

That Promdi GirlWhere stories live. Discover now