"Althea, hindi ka pa ba kakain?"
Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko ang hindut na bayut na kabababa lang galing hagdanan. Alas-syete na ng gabi at oras na para sa hapunan kaya tinatanong niya ako kung hindi pa ba ako kakain. Nasa may sala kasi ako ng mansion at nakaupo. Kanina pa ako rito at matsagang naghihintay. Hindi ako umaalis dahil umaasa akong sa pag dating niya ako agad ang bubungad sa kanya.
Umiling ako, "Hindi pa. Mauna na kayo."
Napatingin ako sa may hagdanan dahil bumaba naman si Klyde. Gulo-gulo ang buhok nito at mukhang kakagising lang ngayong gabi. Natulog siguro siya 'nung dumating siya kanina galing school niya. Napatingin si Klyde sa akin tapos biglang napaiwas ng tingin. Mukhang nahihiya siya. Dapat lang. Mahiya siya sa ganda ko, 'no. Ang ganda-ganda ko, 'e.
"Hinihintay mo ba siya?" tanong ng hindut saka lumapit sa akin.
"Hindi, 'no." pagtanggi ko. "Hindi ko hinihintay ang Kuya mo."
Napangisi ang kabayo, "Hindi ko sinabing si Kuya. Pero mukhang siya nga ang hinihintay mo."
"Hindi nga sabi. Kulit ng kabayong 'to. Babatukan kita sa noo." saad ko kahit tama naman ang sinabi niya. Hinihintay ko naman talaga si Elton mula kanina pang hapon dahil excitedness akong ipakita sa kanya 'tong mga litrato namin ang 'yung sulat niya para sa akin noong bata pa kami.
Tumawa siya saka napatingin sa puting envelope na hawak ko, "Ano ba 'yang hawak mo? Pansin ko kanina mo pa 'yan hawak at 'di binibitawan. Parang masyadong mahalaga ang laman niyan."
Ngumiti ako, "Tama ka. Masyadong mahalaga ang nilalaman nito." tugon ko "Masyadong mahalaga dahil dito nakasalalay ang isang napakalahagang alaala ng buhay ko."
Napatango-tango siya, "Ahh, sige. Pero kung nagugutom kana kumain ka nalang, ah? Malamang mamaya pa 'yun darating si Kuya. Palagi na siyang ginagabi sa kumpanya, 'di ba?"
"Hindi nga si Kuya mo ang hinihintay ko!!" pagpupumilit ko.
"Weh?" tapos napatingin siya sa may pintuan. "Kuya Elton!"
Biglang lumiwanag ang mukha ko nang marinig kong tinawag ni Klode ang pangalan ng Kuya niyang may matambok na pwetan at malambot na labi. Otomatiko akong napatingin sa may pintuan at nakita ko si student na kakapasok lang kasama si Dudong at Dudang na galing labasan. Inutusan ko kasi itong igala niya 'yung dalawang biik dahil naiinip na. Hindi nga kasi ako umaalis dito sa may sala.
YOU ARE READING
That Promdi Girl
Teen FictionNagbago ang buhay ng Promdi Girl na si Althea Josefa Marinduque o Althea nalang para kyot nang pumunta siya sa Manila. Akala niya kasi trabaho ang pupuntahan niya pero hindi pala. Bakit hindi sinabi sa kanyang mag-aasawa na pala siya? At hindi bast...