Wala na ako ideya sa mga sumunod na nangyari. Pagkatapos kong makita si Elton na nakahandusay at wala ng malay habang yung lupang hinihigaan niya ay naging kulay pula na dahil sa daming lumabas na dugo mula sa ulo niya, naging blangko na ang utak ko. Nawala na ako sa sarili ko. Ang tangi ko nalang sigurado ay hinding-hindi ko makakalimutan yung eksena na yun. Katulad nang hindi ko pagkalimot kung gaano ako kaganda at kung gaano kalakas ang aking alindog.
Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa malapit na ospital sa baryo at kung sinu-sino kila Mang Berting ang nagsugod kay Elton sa emergency room. Nakaupo lang ako sa harap ng emergency room habang tulala. Nanginginig ang dalawang kamay ko sa 'di ko alam na dahilan.
"Althea! Althea!" may tumatawag sa pangalan ko pero hindi ko siya pinapansin.
Mas lalong lumakas ang panginginig ng kamay ko nang maalala ko yung itchura ni Elton kanina. Ang taas na puno ng niyog ang kanyang pinagbagsakan kaya natural lang na ganon karaming dugo ang lumabas sa ulo niya. Mabubuhay kaya siya? Ikamamatay niya ba yung ganoong kataas?
Ayokong isipin na posibleng may mangyaring masama sa kanya pero hindi ko iyun maalis sa isip ko. Marami ng namatay sa baryo dahil nahulog sila sa puno ng niyog. Ang ilan sa kanila ay hindi na umabot sa ospital dahil grabeng pagkabugbog ng ulo ang kanilang natamo.
Ganon ba mangyayari kay Elton? Lalabas ba sa pintuang nasa harapan ko ang doctor na nagsusuri kay Elton para sabihing hindi na nila nailigtas ang buhay ni Elton? Hindi ko na ba siya ulit makikita? Ang huling pag-uusap ba namin ay ganun-ganon nalang? Puro awayan pa ang nangyari?
"Althea!" patuloy pa rin akong tinatawag. Marahan na rin akong inaalog ng kung sino.
Napayuko ako itinakip ang mga kamay ko sa aking mukha. Hindi ko na alam kung anong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Halu-halong emosyon ang bumabalot sa akin. Kaba, takot, at kung anu-ano pa. Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko at gusto kong umiyak na hindi ko lang magawa. Hindi ko mailabas ang mga luha kong kanina ko pa gusto ilabas.
"What if, you would finally realized that you can't live without him but it's too late now. Late na kasi dahil nung panahon na pilit niyang inaayos ang namamagitan sa inyo, hindi mo siya binigyan ng chance? What if, you'd regret everything?"
"Scary, isn't it? Regret is a part of life but you can avoid living with it."
Biglang umalingawngaw sa tenga ko yung mga salitang sinabi sa akin ni Zedrick sa simbahan.
Nakakatakot. Nakakatakot nga talagang mabuhay na may pinagsisisihan ang isang tao.
Nakakatakot isipan na tama si Zed dahil nagsisisi na talaga ako na hindi ko hinayaan si Elton na magpaliwanag. Nagsisisi na ako na hindi ko siya binigyan ng chance tulad ng paulit-ulit niyang pinapakiusap sa akin. Ilang beses ba siyang nagmakaawa sa akin? Pero hindi ko yun pinansin.
Natatakot ako sa isang ideya na mawawala na si Elton sa akin ng tuluyan. Nakakatakot 'yung mundong tinitirahan ko na walang Elton. Hindi ko ma-imagine ang isang mundong wala na akong makikitang Elton na nakasimangot. Elton na nakangiti. Elton na tumatawa. Elton na sinasabing mahal na mahal ako. Elton na kahit nahihirapan na sa akin, hindi pa rin sumusuko.
YOU ARE READING
That Promdi Girl
Teen FictionNagbago ang buhay ng Promdi Girl na si Althea Josefa Marinduque o Althea nalang para kyot nang pumunta siya sa Manila. Akala niya kasi trabaho ang pupuntahan niya pero hindi pala. Bakit hindi sinabi sa kanyang mag-aasawa na pala siya? At hindi bast...