Chapter 2

926 9 2
                                    

Sa tuwing may nagaganap na kasalan sa probinsya namin palagi akong present sa simbahan. Hindi ko man kilala o kahit kilala ko ang ikinakasal. Imbitado man o hindi man ako imbitado napunta pa rin ako para panoorin 'yung nagaganap na seremonya. Mahilig kasi akong manood ng eksena ng dalawang taong sumusumpa na magmamahalan habang buhay. Na hindi kinalaunan maghihiwalay din. Echos!

At sa tuwing nakakapanood ako ng ganon, hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi umiyak. Para sa akin kasi ang maikasal at maiharap sa altar ang isa sa pinakamagandang bagay na mangyayari sa buhay ng isang babae. Walang katumbas na kaligayahan 'yun.

Hindi ko alam kung paano nagsimula o kung anong edad ko tinatak sa isipan at atay ko na kailangan kapag ikinasal ako ay sa lalaking mahal ko. Wala akong pakialam kung magarbo o simple lang ang mangyayaring kasalan basta ang importante ay mahal namin ang isa't isa. Hindi dapat ako iiyak. Ang iiyak dapat ay 'yung mapapangasawa ko kasi sobrang ligaya niya na ikakasal siya sa akin.

Althea Josefa Marinduque ang ikakasal sa kanya kaya kailangan niya umiyak. Best in english kaya ako noong elementary ako.

Kaya nang sabihin sa akin ni Lolo Andres na ang pangalawa niyang apo na si San Goku na masungit version este si Elton ay mapapanagasawa ko, gusto kong mahimatay. Pero pinigilan ko ang sarili ko kahit hindi na ma-take ng utak ko 'yung ibinalita niya. Naalala ko kasing sinabi sa akin ng lolo ko noon na masamang himatayin kapag kinakausap ka ng isang tao. Kausap ko pa si Lolo Andres ngayon kaya mamaya nalang ako mahihimatay kapag mag-isa nalang ako.

Bigla akong napatayo saka ko pinaypayan ang sarili ko. Bigla kasing uminit ang paligid at hindi ko maramdaman 'yung aircon dito sa study room ni Lolo Andres. Pakiramdam ko talaga mahihimatay na ako ngayon. Oo, as in now na.

Mamaya kana mahimatay, Althea. Pag papaalala ko sa sarili ko. Hindi ka pinalaking bastos ni Lolo mo. May kausap ka pa. Okay, push.

"Feeling ko mahihimatay ako, Lolo Andres."

Agad napatayo ang matanda at nag-aalalang tumingin sa akin, "Wait. Gusto mo ng tubig?"

"Yes, please." pag e-english ko.

Dali-daling pumunta si Lolo Andres 'dun sa may study table niya at sumalok ng tubig sa may pitsyel na nakapatong sa ibabaw. Mabilis naman niya itong inabot sa akin.

Iinumin ko na sana ang tubig pero napatigil agad ako bago pa dumampi sa labi ko 'yung tubig. Na-disappoint kasi ako.

"Oh, iha. Ba't hindi mo pa inumin 'yung tubig?" nagtatakang tanong ng matanda.

Tinignan ko ng seryoso si Lolo, "Hindi po malamig, e. Wala bang coldness water diyan?"

"Cold water 'yun, Althea." Napahagikgik si Lolo Andres, "Meron naman. Sandali lang."

"Meron naman pala pero ba't itong tubig na hindi coldness ang ibinigay." bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan si Lolo Andres.

Binuksan niya 'yung isang cabinet na refrigerator pala. Taray. Hindi ako aware na ref pala 'yun. Akala ko cabinet lang.

Pag bukas niya nalula ako sa sobrang daming laman nito. May iba't ibang bote na mukhang alak ang laman. Tapos may bote rin ng tubig. Kumuha siya ng isang bote saka ibinigay sa akin.

Inubos ko ito ng isang lagukan lang. Pero 'yung kaba ko nananatiling nasa dibdib ko pa rin at hindi naibsan. Napahawak ako sa dibdib ko para ikalma ang sarili ko. Para kasing maloloka ang buong pagkatao ko sa ideyang hindi pala trabaho ang ipinunta ko rito sa manila kundi pag-aasawa. Jusko. I'm so bata pa. I'm so young pa and fresh pa. I'm so. . . ano ba'ng english ng hindi pa handa?

"Okay ka lang ba, Althea, apo?" nag-aalalang tanong ni Lolo Andres sa akin.

"Jusko naman, Lolo Andres. Hindi ako okay. Paano ako magiging okay kung sasabihin niyo sa akin na may mapapangasawa na ako. Agad-agad? Hindi naman ako easy to get, 'no!" pagmamaktol ko sa kanya.

That Promdi GirlWhere stories live. Discover now