M I L L E R
I went home earlier than the usual time today. I did my best to concentrate in training but I can't help but to think about Axel's call. Hindi naman sa pinagbabawalan siyang lumabas, hanggang sa maaari ay hindi siya lumabas at kung kakailanganin man ay mas mabuti kung may kasama siya. I was going to tell Kristoff to come with him, but that brat cut the call before I could even tell him.
It's already 5 PM. Palubog na ang araw nang dumating ako. Inaasahan ko na nakabalik na siya. Wala siya sa silid kaya dumiretso na ako ng lab. Hindi na rin naman nakapagtataka kung wala siya roon. Pero nang sumilip ako sa loob, pati sa maliliit na cubicle ay wala akong nakitang Axel Wesley.
Bigla na akong kinabahan. Abala na naman ang lahat sa mansyon at mukhang walang nakapansin sa pag-alis ni Axel. Bumalik ako sa silid para tingnan kung may iniwan siyang sulat o kung ano. Nagbihis na rin ako.
"Miller, kanina ka pa?" tawag sa akin ni Kristoff nang saktong paglabas ko sa munting espasyo ko sa likod ng pader ay pumasok din siya ng silid.
"Uhm mga... ten minutes ago. Si Axel nakita mo ba?"
Saglit na umiwas ng tingin sa akin si Kristoff bago nagkamot ng batok at nagsalita ulit. "Hindi pa siya bumabalik simula nung umalis siya kanina."
"Ha? Saan ba banda sa university ang tinutukoy niya? Maraming kainan sa banda roon, hindi ba?" Sa bawat tanong na binubulalas ko ay paputla nang paputla ang mukha ni Kristoff. Atras din siya ng atras at bahagyang lumalayo.
I be he knows something that I don't know. Silang dalawa ni Axel ang magkasama kanina. Baka may binanggit ito sa kanya na hindi niya nasabi sa akin.
"Kristoff. What is it? What are you thinking about?"
"Uhm..." umiwas siya ulit ng tingin. Nasa sahig ang kanyang mga mata. "Ano kasi... kasi..." Napansin ko ang pagtaas-baba ng mga balikat niya sanhi ng mahinang paghinga. "... sa totoo lang, sinubukan ko siyang sundan. Kasi 'di ba sabi niya nasa university lang siya. Medyo kabisado ko na kasi ang mga pasyalan at mga lugar na pwede gawing tagpuan doon. Pagkatapos kong gawin 'yung pinapagawa sa akin ni Papa ay pumunta ako sa area na 'yun para sundan siya... Kaso..."
"Kaso?" I impatiently asked.
Ang daming pasikot-sikot bakit hindi na lang sabihin kaagad ang ginawa niya?
"Kaso pagpunta ko run wala si Master. Sinuyod ko na lahat ng restaurant malapit sa university. Pati 'yung convenience store na pinag-trabahuan mo noon, binisita ko na rin makita lang siya pero wala siya roon. Akala ko umuwi na siya kaya bumalik na lang ako kaso wala pa rin pala siya rito."
Sumagi na kaagad sa isip ko na baka hindi totoo na malapit sa university lang sila magkikita. Pwede naman kasi na sa ibang lugar siya pupunta dahil ayaw niyang malaman namin kung sino ang kikitain niya.
I can't stop worrying. Sinusubukan kong maging kalmado para makapag-isip ng maayos kung saan siya posibleng pumunta. Pero dahil panay ang paglikot ni Kristoff sa sobra ring pag-aalala ay hindi ko mapigilan na kabahan pa rin at ma-distract sa pag-iisip ko.
"Puntahan na natin si Sir Mateo. Sabihin na natin sa kanya na umalis si Master para matawagan niya," suhestiyon nito.
Mukhang narinig niya ang usapan namin ni Axel kanina.
"Dala niya ba ang cellphone niya?" tanong ko.
Naalala ko lang kasi na sinabi niyang iniwan niya ito sa kwarto kanina. Baka binalikan at dinala niya ito sa huli.
Umiling-iling si Kristoff. "Hindi, eh. Kaya nga nakitawag siya sa akin kasi naiwan ang cellphone niya."
Goodness. Bakit hindi na lang siya sumaglit sa kwarto para kunin ang cellphone niya? Sino ba kasi ang kikitain niya para magsinungaling siya sa pupuntahan niya?
![](https://img.wattpad.com/cover/147056131-288-k643179.jpg)
YOU ARE READING
Taming the Vampire
VampireMiller grew up privileged. Mayaman at iginagalang ang kanyang mga magulang, gayunpaman, nagbago ang lahat nang malugi ang kumpanya ng kanyang ama. Worse, his mother died. When the course of his luxurious life suddenly maneuvers to downfall Miller re...