* * *
May bagong imbensyon na naman si Paolo. Sabi nga nila, mas madaling maging masama kaysa maging mabuti. Ganito rin ang kondisyon pagdating sa Siyensya. Mas madali ang gumawa ng bagay na makakasira sa iba.
Hindi kontento si Paolo sa ginawa niyang mga potion. Masyadong mabagal ang epekto nito at napakaraming proseso pa ang dadaanan bago masawi ang bampira. Halimbawa na lang dito si Axel. Dalawang uri ng nakamamatay na kemikal na ang nasa kanyang katawan, at humihinga pa rin siya.
"It's such a pain in the ass. Do we really have to wait an hour or even months before we could kill anyone?" ito ang mga salitang lumabas sa bibig ni Ronaldo noong bumisita siya sa mansyon ni Paolo.
Hindi rin ito lingid sa kaalaman ng mananaliksik. Alam niyang masyadong mabagal ang epekto ng mga imbensyon niya.
Kaya ilang buwan din siyang nagkulong sa kanyang laboratoryo. Nagkaroon lamang siya ng saglit na pahinga nang bumisita si Bernard doon para sa kanyang mga alpha na naghahanap ng kapares para sa kanilang estrus. At ngayon, matapos ang maraming mga araw at gabi na walang tulog at magdamagan na pagharap sa kanyang mga libro ay computer ay nakagawa na rin siya ng isang prototype.
Naisipan niya na ipaghalo ang lahat ng mga nakalalasong sangkap. Gumamit siya ng matibay na metal. Gumagamit din ng mahika ang mga bampira. Para saan pa't may malalapit silang kaibigan sa ibang mundo.
Unang nilikha ni Paolo ay isang sandata – isang maliit na punyal. Matalas at madaling hawakan. Dahil prototype pa naman ang materyal ay naisipan niya na gawin na muna itong punyal. Ibinigay niya ito kay Bernard na siyang walang padalos-dalos namang sinubukan.
"Napakawalang kwenta naman ata nito," komento ni Bernard sa gawa ng kaibigan.
Nang sinubukan niya ang punyal sa isa sa mga tauhan niya ay nakita niyang naghihilom pa rin ang sugat nito. Mas mabagal ang paghihilom, pero hindi pa rin sapat para mabawian ng buhay ang bampira.
Nagkaroon na naman ng halos isang linggong pananaliksik si Paolo, at nadiskubre niya na hindi pa niya gaanong nalinang ang materyal. Ito ang dahilan kaya hindi pa ito sapat para pumatay ng isang purong bampira.
Nang malaman ito ni Bernard ay nagpatawag siya ng isang vampirized at walang pag-aalinlangan na itinusok ito sa kanyang puso. Hindi naman gumalaw ang dating mortal na bampira sa inaakala niya na gagaling pa ang kanyang sugat. Hindi rin nagtagal ay napaluhod ang bampira.
At kagaya ng isang ordinaryong tao ay namatay siya sa ordinaryong paraan. Hindi na naghilom ang kanyang sugat. Naubusan siya ng dugo hanggang sa nawalan siya ng buhay sa mismong tapat ni Bernard. Naka-obserba ang lahat sa kanyang nanlalamig na katawan na para bang nakama-manghang tanawin.
"Oh. He's dead," mutawi ni Bernard nang natumba ang vampirized at huminto na sa paghinga.
Nasiyahan si Bernard sa resulta, mas lalo na si Ronaldo. Ang kailangan na lang nilang gawin ay bigyan ng sapat na oras si Paolo para mabuo ang kanyang imbensyon.
Namangha si Bernard sa punyal kaya hiningi niya ito sa kaibigan. Sinong may akala na magagamit niya ito sa loob ng maikling panahon?
"Miller. Miller!" Nagsisisigaw si Axel habang sinusubukan niyang makatayo sa sofa.
Natanggal na ang pisi na nakatali sa kanyang kamay at paa. Ngunit ngayon ay nasa sahig naman si Miller, nakahandusay at walang malay.
Noong una ay hindi narinig ni Axel ang parte na binanggit ni Bernard ang kakayahan ng gamit niyang punyal.
"Miller, how long are you going to stay there?" tanong niya sabay buhat sa tila lantang gulay na katawan ni Miller. Inakala niya na agad din na bubuksan ni Miller ang kanyang mga mata, puno ng pag-asa siyang naghintay.
![](https://img.wattpad.com/cover/147056131-288-k643179.jpg)
YOU ARE READING
Taming the Vampire
VampireMiller grew up privileged. Mayaman at iginagalang ang kanyang mga magulang, gayunpaman, nagbago ang lahat nang malugi ang kumpanya ng kanyang ama. Worse, his mother died. When the course of his luxurious life suddenly maneuvers to downfall Miller re...