* * *
Hindi pa rin nagigising si Miller. Magdamag nang nasa kanyang tabi si Axel para bantayan siya. Ngunit kahit ilang oras pa man niya ito titigan ay niisang beses ay hindi man lang gumalaw ang nakapikit na mga mata ng lalaki.
Sa bawat araw na dumaan ay unti-unti nababawasan ang pag-asa na bitbit ni Axel simula nung araw na bumalik sila sa silid na ito mula sa club na 'yon.
"Hey, it's been a week. You better up and stop acting weak. It was just... It was just a small knife." Ito ang sinabi ni Axel kay Miller nung minsang hindi na niya matiis ang damdamin niya.
"How ironic for me to say that," batid niya sa sarili.
Napaka-mapanuya naman talaga pakinggan si Axel na mag-alala para kay Miller kung pati siya ay nasa hukay din ang isang paa. Naalis na ang potion sa kanyang katawan sa tulong ng Supreme, ngunit nanatili pa rin ang lason na gypsy mint flower sa kanya. Mukhang tanging ang antidote na ginagawa niya lang ang makakapagaling sa kanya.
Paminsan-minsan kung umaatake ang lason, lalo na sa mga araw na nakakalimutan niyang uminom ng dugo sa tamang oras. May mga sandaling hinihintay niya si Miller na mag-abot nito sa kanya, at nakakalimutan na wala pa rin itong malay.
"I have gotten so used to his presence that I am starting to expect that he'll do every single thing for me... Have I become useless without this person now? How frightening is this feeling," batid ni Axel sa kanyang sarili sa tuwing pinagmamasdan niya ang mahimbing na natutulog na si Miller.
Masyadong naging abala sa ibang bagay si Axel. At dahil mahina ang kanyang katawan ay inaasa niya ang ibang gawain kay Miller. Kagaya na lang ng pagliligpit ng mga gamit niya sa laboratoryo matapos ang trabaho niya roon. O kaya ang paghatid ng inumin niya tuwing umaga bago matulog. Andyan din si Miller para bantayan ang taas ng kanyang lagnat. Nakapikit man si Axel, ngunit ramdam niya ang malamig na palad ng binata sa kanyang noo tuwing umaga.
Kaya naman ngayong wala si Miller para gawin ang lahat ng ito para sa kanya, ay masyado na siyang nanibago. Nagsisimula na niyang hanapin ang pagkilos ng taong nakahiga sa kanyang tabi.
"You've been absent for a week now..." Nakaupo sa kama si Axel habang nakatitig sa maliwanag na buwan sa langit. "But don't worry. I made Kristoff pretend to be you. Your studies are much more important than my fake personality's image. Besides..." Natigilan si Axel, nagdadalawang-isip siya kung ipagpapatuloy ba niya ang sasabihin.
Sa huli ay nagbuntong-hininga siya at nagwika ng, "The truth is, I lied about my social experiment at school. Matagal na 'yung tapos simula nung nakumbinsi kita na maging blood donor ko. I have a mortal by my side so why do I have to observe the others? Does that make sense to you?" Walang tugon na narinig si Axel kaya natatawa niyang sinabi sa malungkot na boses ang mga katagang, "I hope that makes sense to you."
Tama. Hindi na kailangan na manatili sa unibersidad ang pekeng katauhan na ginawa ni Axel. Isa pa. Matagal na ring nahasa si Kristoff sa transformation ability ng mga bampira. Pero nanatili pa rin ang pekeng Axel Wesley para bantayan si Miller.
"I do have a duty-base intention," sabi ni Axel, "I ordered Kristoff to watch over you for my research, well kind of – yet, that goes the same as keeping you safe. You're a vampirized anyway. Who knows what could happen to your body with a vampire's blood inside you."
Nakaupo lang ng ilang oras si Axel. Kumuha siya ng libro na pwede niyang basahin at pagkatapos ay humiga na rin. At nang makita na oras na para sa kanyang inumin ay kinaladkad niya ang sarili patungo sa pinto para lumabas ng silid. Kailangan niyang asikasuhin ang sarili.
Subalit, saktong pagpihit niya sa pinto ay bumukas naman ito ng kusa. Sumalubong sa kanya si Kristoff na may dalang bandehado na may lamang limang pulang-pula na blood pack.
![](https://img.wattpad.com/cover/147056131-288-k643179.jpg)
YOU ARE READING
Taming the Vampire
VampireMiller grew up privileged. Mayaman at iginagalang ang kanyang mga magulang, gayunpaman, nagbago ang lahat nang malugi ang kumpanya ng kanyang ama. Worse, his mother died. When the course of his luxurious life suddenly maneuvers to downfall Miller re...