M I L L E R
"... I'll wait here." I told them that pero hindi na talaga ako mapakali sa kahihintay.
Ang sabi nila sa akin ay ten minutes or less. Pero kanina pa lumipas ang sampung minuto at wala pa rin sila rito. I even went to check the front of the host club at wala sila roon.
I called Kristoff, yet his phone is unattended. Something must have happened in the Red Mansion as well. It's impossible for them to keep me hanging like this... Pero ang maghintay ng walang ginagawa ay isa ring torture para sa akin.
Naghintay muna ako ng tatlo pang minuto. Umaasa ako na baka dumating na sila sa loob ng tatlong minuto na iyon. However, I still did not see any shadow of Kristoff nor Mateo.
"I'll just inform them that I went in first." Kinuha ko ulit ang cellphone ko at nag-send ng message kay Kristoff na papasok na ako. Hindi ako manggugulo, it's too dangerous, gusto ko lang makita kung ano ang nangyayari sa loob.
Kaliwa't kanan akong lumingon-lingon. Inali ko lang ang suot kong jacket at tinanggal ang unang dalawang botones ng polo ko. Inalis ko na rin ito sa pagkaka-insert sa pantalon ko. Tinupi ng lagpas siko ang sleeves at inistyle ang buhok ko. I have ur combed quite formally, kaya naman ginulo ko ito ng konti.
Now, I don't look like a college student. Mabuti na lang at hindi pa ako nagpalit ng pambaba. At naisip ko na nagsuot ng long sleeves at jacket dahil sa lakas ng aircon sa lab ni Axel. Mabuti na lang talaga at tinamad ako.
I have slippers instead of shoes. Nakauwi na kasi ako kaya inalis ko na ito. Sino bang nag-akala na pupunta ako ng Pink Fangs para hanapin si Axe?
Either way, my looks are fine. My face itself is enough. At saka wala naman silang dress code na sinusunod. Sa paghihintay ko dito sa labas, I at least learned something, that is even a man wearing a sando and jersey shorts can enter the place.
Mukhang walang pinipiling uri ng tao ang club na ito.
Nagsimula na akong maglakad ulit patungo sa entrance. Kanina pa umalis ang babaeng may kausap sa cellphone kanina. 'Yung dalawang lalaki na lang ang naiwan. Isa sa kanila ay tila nababagot na, habang ang bouncer ay panay lang sa pagkalikot ng cellphone niya.
Naalis lang ang mata ng bouncer sa cellphone niya nang lumapit ako sa entrance.
Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. "First time?"
Tumango ako. "Yes. First time."
Hindi na muna siya sumagot at tinitigan lang ako ulit. I was about to get nervous by how long he's been staring at me when the other guys said, "Sige na, pre. Papasukin mo na."
Lumingon ako sa kanya at yumuko ng bahagya bilang pasasalamat. I didn't think na magkakilala sila.
Ngumiti sa akin ang lalaki sabay sabi ng, "First time mo? Mabubusog ka rito."
I really don't get what he said pero nginitian ko na lang din siya bago pumasok.
Walang pinagkaiba sa inaasahan kong itsura ng isang club and bar ang loob ng Pink Fangs. The colorful disco lights, dancing spotlights, wasted and noisy people with either drinks or a person in their hands. It's just really a disco club with stools and tables for drinking inside.
But I somewhat feel the heavy air. 'Yung tipong para bang may nakatingin sa akin. I wonder if someone from the enemy side recognizes me. But that's impossible. I don't think I met someone sa panig nila... Oh! I met that ex-lover. Ang ex-lover ni Axel.
Oo nga pala. Kailangan kong mag-ingat at baka nandito siya sa loob. He might be using a different appearance. How convenient! Hindi na ako makapaghintay na matutong magpalit ng anyo.
![](https://img.wattpad.com/cover/147056131-288-k643179.jpg)
YOU ARE READING
Taming the Vampire
VampireMiller grew up privileged. Mayaman at iginagalang ang kanyang mga magulang, gayunpaman, nagbago ang lahat nang malugi ang kumpanya ng kanyang ama. Worse, his mother died. When the course of his luxurious life suddenly maneuvers to downfall Miller re...