Nagising ako dahil sa sikat ng araw.. Teka anong oras na ba.. nandito nga pala kami sa manila... Pag baling ko sa kabilang side wala naman akong katabi.
Pagtingin ko sa wall clock.. 8:10am...
wait.. di ba kagabi nasa sala kami at alam ko doon na kami nakatulog.. bat ngayon nasa kama na ako..
Tumayo na ako.. nag hilamos muna at toothbrush.. then nagpunta na sa labas..
Bigla naman napalingon si jeo pagkakita sa akin..
Morning love.. sabi niya
Morning. hindi mo ko ginising? and ano yang niluluto mo? at naka apron ka pa talaga..
tsaraannn..
Egg, hotdog, cornbeef .. at ang fried rice patapos palang po madam.. hehe
saan mo naman nakuha mga yan?
dumaan kanina si tita ely.. nangumusta saglit at umalis na din..inabot lang niya yan.. May binigay din siya na pasalubong para kila lola milagros at kila mommy...meron din sa ating dalawa... galing kasi daw siya ng bulacan..
ay wow.. thank you naman..
di bale tawagan ko siya maya para mag thank you..tulungan na kita mag prepare sabi ko..nag ready din ako ng coffee namin..
habang kumakain nag kukuwentuhan lang kami.. nakuwento din niya na nagising siya ng 2am kaya nilipat na niya din ako sa bed..
Tumawag din si Mommy to inform na nasa bahay na sila sa US ...
And kinausap ako ni dad about sa nangyari kagabi... hindi naman daw siya nagalit dahil hindi naman kasalanan ni jeo... Si daddy pala ang tinawagan ni jeo kahapon na umiiyak.. humihingi ng sorry sa nangyari.. pero sinabi naman ni dad na walang may gusto sa nangyari basta sa sunod lesson learned na daw. at hindi pala daw biro na maraming fans sila jeo at family niya.. kaya mag doble ingat..Ito din ang isa sa nagustuhan ko kay jeo.. very respectful and responsible, mabait at laging maasahan. ikaw na talaga jay kaya ideal man at Mr. dreamboy ng lahat 😊💓
After kumain may biglaan akong naging plano..
excuse saglit at kinuha ang phone..Pumasok sa room at may tinawagan..then bumalik na ulit sa table.
jay nga pala... dahil hindi tayo nakapasyal kahapon..lets go somewhere else...
Are you sure love? eh mag flight na tayo this afternoon di ba at baka maulit nanaman yung kahapon eh...
Umiling ako.. para mawala yang traumatic experience natin kahapon at para makapag bonding pa tayo na hindi natin nagawa...at mag suot ka nalang ng hoodie, mask at shade para di ka makilala.
Well..ang surprise ko is.....
mag extend tayo ng another 1 day..
talaga?? na excite naman siya
yepp.. ilang weeks na din naman ako naging busy sa resort kaya need ko muna mag unwind.dahil next week aalis na ako .
bigla naman nalungkot si jeo..
Cheer up.. huwag nang sad..eto na nga oh.. hehe
Tinawagan ko na si tita ninang na rebook ang flight for tomorrow.. and nagpaalam ako kay lola..even to tito geo and kay daddy at pumayag naman sila at deserved daw natin.. basta pasalubong daw at walang mag labor after 9months... hahaha haha
Napabuga naman si jeo ng iniinom na kape niya.. hahaha
ako na nag volunteer mag hugas dahil siya naman ang nagluto.
jay una na ako maligo ha...
wait...
what?
Pwede sumabay?? sabay kindat
Naku jeremiah ha..kasasabi pa lang kanina!
kung makakalusot lang naman..✌️hehe sabi niya
tsee.. hehe sabi ko at pumasok na sa cr..
Nag rent nalang kami ng service para mas marami kami mapuntahan..thanks to tita ninang ely sa help mag hanap ng day tour travel and tours. bale until 8pm dapat naka uwi na kami dito..12 hrs dapat yun pero now 9:20 na so dapat 10am naka alis na kami.
nakatapos na ako maligo at nag final touched nalang sa light make up..
Jay..bilisan mo..
Eto na nga love oh.. habang natataranta na din hehe..
nandun na sa baba yung service..
10:05
Nag start na ang biyahe namin.love saan ba tayo pupunta?
Sicret!
Althea's POV
Walang ka alam alam si jeo saan kami pupunta. surprise date ko na din sa kanya. napaiyak pa ito kagabi ramdam ko yung trauma niya sa possible na mangyari sa akin. napaka protective talaga...kaya deserved niya ito bale naming dalawa para maka unwind..
At ayun tulog na sa biyahe..puyat yarn? maaga kasi yata nagising at nagluto.. Para pang bawi daw sa kasalanan niya sa akin.. pero wala naman talaga may kasalanan...
Ma'am sabi ng driver
Yes po kuya?
Di ba si Jeo yan ng Ong Fam? yung family ng vlogger sa Palawan
Pag tingin ko kay jeo na tulog.. tinanggal niya pala bago umandar ang sasakyan ang mask at shades niya..
Kilala nyo po ba?
Kanina nung pag pasok nyo hindi pa gaano. ngayon po namukhaan ko na
Ah.. Pinapanood niyo po?
Aba Oo! lagi ko inaabangan ang mga vlogs nila eh.. Pati yung pag ampon nila kay domeng haha.. yung bata na yun nahihiya pa nung una aba ngayon kwela na at nakikisabay sa kalokohan hahaha..
kwento ni kuya..
Ang Daming fans ng mga yan... May tshirt nga ako ng Masid..hehe..sayang di ko nadala para napapirmahan ko sana kay jeo.. idol yan ng mga pamangkin ko haha.naku tiyak nanaman ang kilig lalo at malaman na kayo ang guest ko...
haha..ang daldal pala ni kuya...
Boyfriend nyo Ma'am??
Ah hindi po..friends lang po kami
Pero Bagay na Bagay kayo. Maganda at guwapo.. sabi ni kuya na parang kinikilig din.
May pagka marites pala si kuya.. sabi ng isip ko..hehe
Hindi ako maka idlip .panay tanong ni kuya at kwento about sa mga latest vlog ng OngFam.. actually nakikinig lang ako at tumatango.. wala kasi ako idea.. dahil sobrang tutok ko sa studies..hindi ako updted sa social media.
Pero nakakatuwa na marinig na maraming taong sumusuporta sa Family nila tito Geo..sabagay napaka mabuting tao nila.. at im blessed and proud na malapit sila sa buhay ko.. lalo na eto ... sabay tingin kay jeo na himbing na natutulog sa lap ko..
YOU ARE READING
Waves of life (AGITH) JEO ONG
RomanceLike the sound of waves, we are at peace in each other's arms. Destiny plays a lot of games & time will surely take us where we destined to be..... Can you give up everything for love? what if destiny doesn't give you the happines that you wanted? T...