Part 1: Blake
AMBER'S POV
Hindi ko alam kung gaano katagal umiyak si Ren sa room niya. Wala din akong idea kung nakatulog ba siya. Or maybe nakatulog siya sa kakaiyak? Gusto kong pumasok sa room niya at icomfort siya pero hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Hindi ko naman pwedeng sabihin na ok lang yun kasi alam kong hindi naman ok. hindi rin naman pwede na sabihin kong makaka move-on din siya kasi alam kong hindi ganun kadali yun.
Isa lang naman ang gusto kong sabihin sa kanya eh.
"nandito lang ako para sayo"
Pero natatakot ako. Hanggang ngayon ayoko parin tanggapin na nahuhulog ako kay Ren. As much as possible kung magkakaroon ako ng bago, ayoko yung konektado sa nakaraan ko.
Lumabas ako ng unit ko and ready ng pumasok sa school. kasabay naman ng pagbukas ng pinto ko ay ang pagbukas din ni Ren ng pinto ng unit niya.
"oh, good morning meztisang hilaw!" he greeted me with a big smile on his face
Tinignan ko lang siya.
Naman oh! Bat ba ang galing magpanggap ng isang to kung sa totoo lang eh nasasaktan talaga siya?
"oh bakit ka nakatingin ng ganyan saakin?"
Iniwas ko naman agad ang tingin ko "w-wala. Tara pasok na tayo"
Tinalikuran ko na siya at nag start na maglakad. Hinabol naman niya ako.
"uy may problema ba?"
Oo meron! Ikaw ang problem ko! Hindi ko magawang pasayahin ka ng totoo. Bakit kailangan mong magpanggap?!
"w-wala"
"bakit hindi ka makatingin saakin ngayon? Kanina grabe ka makatingin ngayon ayaw mong tumingin. Ayos ka lang?"
"ang kulit mo. Wala nga lang to!"
Narinig kong tumawa siya ng malakas kaya napaangat naman ang ulo ko. "alam ko na!! siguro naiinlove ka na saakin no?" tinignan niya ako ng mapangasar na tingin.
Halos mamula naman ako sa sinabi niya.
Halata ba ko masyado? O___O
Waaaaaaaaah
"a-anong klaseng accusation yan?! Ako? Maiinlove sayo?!" I fake a laugh "ha-haha. Never!!"
Binilisan ko naman ang lakad ko habang rinig na rinig ko ang mga tawa niya.
Bwiset na yun! Paano ba ko nagkagusto sa kanya samantalang wala naman siyang ibang ginawa kundi pagtripan ako?!
Nung makarating sa school, nagpaalam naman agad si Ren saakin kasi magkaiba yung first period namin.
"bye meztisang hilaw, see you later"
"ok, bye Salvy"
Syempre kung binago niya ang pangalan ko dapat ako din no! Salvy, short for Salvadorslash- salbahe. Mwahahahahaha.
"tumingin ka sa dinadaanan mo ha? Baka mamaya mauntog ka kung saan dahil sa sobrang kakaisip saakin"
"w-what?!"
And again, tumawa siya ng malakas.
Ganyan ba talaga ang way ng mga lalaki para makalimutan nilang brokenhearted sila?!
Ang mag hanap ng mga mapagti-tripan?! Or baka si Ren lang talaga ang ganun kasi abnormal siya?
Kesa awayin pa si Ren naglakad na ako papunta sa next class ko bago pa ako ma-late.