Chapter 3: BARNEY

9 0 0
                                    

AMBER'S POV

"ano ba yan meztisang hilaw! Umalis ako natutulog ka! Pagkadating ko tulog ka parin?!"

Naramdaman kong may pumindot pindot sa pisngi ko. Tinabing ko naman yung kamay na yun at tinaklob ang unan sa mukha ko.

"Go away!" sabi ko unconsciously

Napadilat naman ako ng biglang may nag alis ng kumot saakin at binuhat ako.

"o-oy! Salvy!! San mo ko dadalhin?!"

"wag ka nga magulo" buhat buhat parin ako ni ren hanggang sa makalabas sa unit ko

"san mo ba ko dadalhin?!"

"sa puso ko" he winked at me

Namula naman ako bigla.

Tokwang Salvy to! Grabe na talaga nagiging epekto niya saakin! >.<

Pumasok kami sa unit niya then ibinagsak naman niya ako sa kama

"a-ano t-to?"

Sumampa siya sa kama and unti-unti siyang lumapit saakin. Bigla akong kinabahan.

Hindi ko lang alam kung dahil sa takot o sa kilig. =.=

Mas lalo pa siyang lumapit saaking hanggang sa maka face to face ko siya.

Gulay, yung puso ko malapit ng humiwalay sa katawan ko. O.O

I warned him "i-i-it-tigil m-mo y-yan! G-gusto mong sipain ko yang pagkalalaki mo?!"

"wag naman baka wala ng babaeng maging masaya pag ginawa mo yun" he laughed

Ano daw?!

Aba't napaka pervert na Salvy na to!!

Nagulat naman ako ng bigla siyang may pinindot sa gilid ng kama niya then nag bukas yung ilaw sa side table niya. Lumayo naman siya saakin.

Grabe mag o-on lang ng ilaw talagang kailangan pa akong panerbyosin/pakiligin ng ganun?! Sarap sipain ng isang to eh!!

Kung hindi lang to broken hearted nabatukan ko na to kanina pa!

Tumingin naman siya saakin ng nakakaloko "ikaw, bat ka umiyak kanina ha?"

Nagulat naman ako sa tanong niya. Nakita niya yun?

"h-hindi naman ako umiyak ah" sige Amber deny lang kahit huling huli na.

"asus hindi daw! Alam ko naman dahil kay Jiro eh"

Nginitian ko na lang siya.

Manhid! Dahil kaya sayo kaya ako umiyak.

"teka bat mo ba ko binuhat papunta dito ha?"

Napakamot naman siya sa ulo "eh kasi hindi ko alam paano gagawin dun sa assignment natin sa accounting" nag beautiful eyes siya sakin "pakopya naman"

"ayaw!"

"sige na meztisang hilaw! Please?" may inabot siya saaking cup "ayan oh binilhan pa kita ng favorite mong kape."

"are you bribing me?"

"no" he said while grinning.

"ok then" kinuha ko yung cup ng coffee sa kamay niya at tumayo "bye"

"o-oi!" humarang naman siya saakin "ang daya mo naman eh! Kinuha mo yung coffee pero di mo ko tutulungan!!"

"sige papakopyahin kita pero sa isang kondisyon"

"ano yun?"

Iniwas ko yung tingin ko sa kanya dahil nahiya naman ako sa tumatakbo sa isip ko.

Pero try ko lang naman eh, wala namang mawawala. Gusto ko lang talaga marinig na manggaling sa bibig niya. Bihira ko lang kasi marinig to eh.

REACHING YOUWhere stories live. Discover now