AMBER'S POV
Stupid Salvy! Stupid, stupid Salvy!
Pinunasan ko yung yung luha sa pisngi ko while stomping my feet hard on the grounds.
Nakaka frustrate talaga yang Salvy na yan eh! Sabi niya kakanta lang siya, eh bakit may kissing scene siya?! Kahit na acting lang yun but still...
Kayo ba makita niyo ang boyfriend niyo na may kahalikan na iba ano ang mararamdaman niyo?!?!?! Di ba parang ang sarap pumatay! Ok lang sana kung artista siya kaso hindi eh!!! Grrr naasar talaga ko!
Habang naglalakad ako, naramdaman kong nag v-vibrate yung phone ko. Tinignan ko ito at nakita kong tumatawag saakin si Ren.
Pag ito hindi humingi saakin ng sorry, naku talaga nga naman.
Sinagot ko yung phone "hello?"
"mestizang hilaw! Good thing at may gagawin ka ngayon"
"huh?!"
"medyo kasi pinaiwan kami nung director eh. May kailangan kaming pag practicean na scene na hindi namin makuha so yun, male-late din ako ng uwi"
Para akong naging bato doon ng di oras. Ay anak ng tinapa!!
"ganun ba? Sige ENJOY ka diyan! Bye!" agad kong inend yung call.
May pag papractice-san pala ha! ano naman yung hindi nila makuha-kuha?! Yung kissing scene?! Eh mukha ngang expert na expert na sila doon eh! they looked like a real couple!! Grrr nakakaasar!
Tinignan ko yung phone ko at bumungad yung picture namin dalawa ni Ren na wallpaper ko.
"Sige makipaghalikan ka diyan! Manlalalaki ako tandaan mo! Nakakaasar ka! Salvy ka talaga! Napaka salvy mo talaga! Wala kang kasing salvy! I heytchu! Nakakaasar ka— "
"talking to yourself?"
Napalingon ako doon sa dumating
"B-blake."
Nilapitan niya ako at nginitian "how are you Amber?"
"fine" sabi ko sa kanya sabay pout
"really?" nilapitan niya ako at tinitigan "why the long face? What happened?"
"psh, it's nothing anyways, where are you going?"
"to the cinema, I'm going to watch a movie but my date ditches me so I'm going alone"
"I see that can I come with you instead?"
"hmm, is it ok with Ren?"
"don't mind him. He's too busy snogging other girl"
"what?"
"ah i-it's nothing" hinila ko si Blake "let's go"
Hmpf kung nakikipaghalikan siya ngayon edi makikipag date ako sa ibang lalaki! Bahala siya sa buhay niya!
Dumiretso na kami ni Blake sa sinehan at nanuod nung binili niyang ticket. Comedy yung palabas and naenjoy ko naman kahit papaano. Nakalimutan ko kaht sandali yung pakikipag halikan ni Ren sa ibang babae. After manuod ng sine, Blake treated me on a dinner. Hindi naman romantic dinner to or what. Actually nakwento sa akin ni Blake na meron narin siyang babaeng nagugustuhan and I'm happy kasi at least alam kong kahit papaano eh masaya na si Blake ngayon. Na-miss ko rin kasi ang lalaking to. Matagaltagal siyang hindi nagparamdam pero hinayaan ko na muna siya nun. Alam ko kasi kung ano ang nararamdaman niya para saakin and it's better kung iiwasan niya muna ako. Pero ngayon masaya na ko kahit papaano kasi pwede na ulit kami maging magkaibigan ng "Barney" ko.
After namin mag dinner ni Blake, inihatid niya na ako sa condominium ko.
"Amber thanks for your company. I really had a great time with you"