Chapter 23: OUT OF MY LEAGUE

1 0 0
                                    

AMBER'S POV

"hey miss wake up! What are you doing here?" naramdaman kong may tumatapik sa braso ko kaya napadilat ako at nakita ko ang isang matandang lalaki na nakatingin saakin "are you alright?"

"h-ha?" tumayo ako at doon ko lang napansin na nasa isang park ako at mukhang nakatulog ako sa isa sa mga bench doon.

Anong nangyari?

"y-yes, I'm fine. Thanks"

"do you have a home?"

"uh yes"

"then why are you sleeping here?"

Napahawak ako sa ulo ko at naramdaman ko ang sakit. Wala akong maalala sa mga nangyari. Ang alam ko lang lumabas ako sa unit para may bilhin then after that, wala na kong maalala.

Umalis na ako doon sa park at naglakad pauwi. Ang weird, ano bang nangyari? Paanoakong napunta sa park? Wala akong maalala.

Pagkadating na pagkadating ko sa unit, nagulat ako ng biglang may humila saakin at yumakap saakin ng napakahigpit

"where have you been?! Alam mo bang mabaliw baliw ako sa kakahanap sayo?!"

"R-ren"

"saan ka ba nagpunta ha?! Bumili ka lang hindi ka na bumalik! Ano bang nangyari sayo?!"

"h-hindi ko alam" bigla akong naiyak "h-hindi ko alam ang nangyari. Ren naguguluhan ako. Nagising na lang ako na nasa park na ko. Hindi ko alam kung ano nangyari saakin at paano ako napunta doon. Baka mamaya kung ano na ang nangyari sakin. Ren natatakot ako"

Humiwalay si Ren sa pagkakayakap niya saakin "I'm sorry Amber, hindi ko sinasadya na sigawan ka. Natakot lang talaga ko na baka mawala ka sakin. Sorry,

I'm really really sorry" pinunasan ni Ren ang luha sa mata ko "may nararamdaman ka bang kakaiba? May masakit ba sayo?"

"y-yung ulo ko. Masakit ang ulo ko"

"ok then" binuhat ako ni Ren sa unit niya at inihiga niya ko sa kama niya "just lay down Amber, ipagluluto kita" I just nod at tumingin ako sa ceiling habang nagluluto si Ren.

Sana, sana hindi nangyari ang iniisip ko. Siguro naman hindi kasi wala namang ibang masakit saakin kundi ang ulo ko. Yun lang.

Pero ano ba talaga ang nangyari. I tried to remember anything kaso wala talaga.

Arrgghhh ang sakit talaga ng ulo ko.

Maya-maya, dumating na si Ren na may dalang cup noodles "Amber eat this, para gumanda pakiramdam mo"

"t-thanks" inayos ko ang upo ko at kinuha yung cup noodles.

"oopps, ako na" binawi saakin ni Ren yung cup noodles then sinubuan niya ako "say ahh"

Medyo natawa naman ako "do I look like a kid na dapat subuan?"

"hindi, but' you'll always be my baby"

Hinampas ko siya "nakakaasar ka naman eh!"

"why? Eto naman oh syempre gusto kong alagaan ka eh. Dali subo na"

I smile then sumubo narin ako. Doon ko lang napansin na puro galos yung braso ni Ren tapos ang dumi ng paa niya.

"Ren, ano nangyari diyan? Bat ang dami mong galos at bat ang dumi mo?"

"oh this?" bigla naman niyang ibinaba yung sleeves ng shirt niya para itago saakin yung sugat "nadapa lang ako nung hinahanap kita pero hindi naman masakit eh. Wag mo na intindihin"

Hinawakan ko yung braso niya "aray ku!" tinignan niya ko "hehe joke lang"

"masakit eh! alam ko masakit yan!"

REACHING YOUWhere stories live. Discover now