Chapter 10: WINTER NIGHT

3 0 0
                                    

AMBER'S POV

"You can come back here tomorrow to fetch your car"

"tomorrow?!"

"yes sir. I'm sorry but it cannot be fixed in a few hours."

Lumabas kami ng shop ni Ren na halos nanlulumo. Bukas pa makukuha yung kotse?

Paano kami nito?

"hay ang malas talaga!!" napakamot si Ren ng ulo niya "matawagan na nga lang muna sina Jiro" kinuha niya yung phone niya sa bulsa niya "oh sh1t dobleng malas.

Empty batt na ko. Nilaro kasi to ng nilaro kanina ni binbo!" >___<

"yung akin na lang" kinapa ko yung bulsa ko para kunin yung cellphone ko ng maalala kong hiniram pala kanina yun ni Jiro at hindi na naisoli saakin "n-na kay Jiro ang phone ko"

"ha?! paano na tayo? Nag iisnow pa naman. walang kotse. At mukhang malayo sa kabihasnan ang lugar na to"

Napatingin ako sa paligid. Wala nga akong makitang pwedeng pag silungan namin.

Medyo giniginaw narin ako dahil sa snow.

Paano kaya kung biglang...

Napatakip ako ng bibig "h-hindi pwede. Hindi pwede to!!"

"ha? ang alin?"

"paano na lang kung wala tayo masilungan? Paano kung mamatay tayo sa lamig?

Magka hypothermia tayo? Tapos biglang may dumating na polar bear at kainin ang mga katawan natin?! Paano na lang pag nangyari yun?! Ha?! paano?! Ayoko pa mamatay!! Ayoko pa!"

"amber hindi tay— "

"—madami pa akong pangarap sa buhay! Gusto ko pa makapag tapos ng pagaaral! Kailangan ko pa makapagtayo ng sarili kong business---"

"amber! —"

"gusto ko pa magka boyfriend ulit! Magkaasawa! Magkaroon ng anak yung kambal ha? isang lalaki at isang babae! Hindi pwedeng basta basta na lang ako mamatay— "

"Amber!!— "

"hindi ako makakapayag! Hindi! Hindi pwede! Kailangan natin mabuhay!! Hindipwedeng matapos na lang ang buhay natin ng ganito na lang! hindi ako papaya! Hin— "

"--hay naku!!" bigla akong hinila ni Ren papalapit sa kanya atsaka ako hinalikan

. . .sa labi.

"that shuts you up. Hindi tayo mamatay ok?"

I nod then naglakad ng mabilis palayo sa kanya.

Ay cheesecake. Hinalikan niya ko? Hinalikan niya ko ng wala wala lang? smack lang yun. Halos isang segundo lang nag dikit ang mga labi namin pero anak ng tokwa naman oh bakit ako nanginginig ng ganito? Bakit nararamdaman ko parin ang labi niya sa labi ko?

Isang halik.

Ang isang halik na baliwala lang sakanya at ginawa lang niya para mapatahimik ako.

Bakit saakin ang laking epekto na nun?

"uy meztisang hilaw hinatyin mo naman ako! Bat ba ang bilis mo mag lakad" hinawakan niya ang braso ko at iniharap niya ko sa kanya "oh bat namumula ka? Dahil ba doon sa--?" tinignan niya ako ng nakakaloko

"CHE!"

Tinalikuran ko ulit siya at naglakad ng mabilis palayo.

Ampupu naman oh! Kita niyo yun?! Kita niyo yun?! Parang wala nga lang sa kanya na hinalikan niya ko eh! Nakakaasar talaga! He just stole a kiss from me then kung makaasta siya parang wala lang?!

REACHING YOUWhere stories live. Discover now