Chapter 12: UNEXPECTED INCIDENT

3 0 0
                                    

AMBER'S POV

"Oh my gosh Ren my baby I miss you very much!!" tumakbo si Autumn papunta kay Ren atsaka niyakap ito

"I really though something bad happened to you! I'm glad your fine now! I am really worried!"

"psh worried your face eh busy ka nga sa paglalandi kay Blake at kay Jiro ko!" bulong saakin ni Arcie

Napatawa na lang ako sa sinabi niya. Sus expected ko na manlalandi yang taglagas na yan. Kaso kahit ano pa ang ginawa niya nung wala kami, di niya masisira ang mood ko.

Kilig vibes parin ako hanggang ngayon eh. XD

Lumapit saakin si Blake "Amber, I'm really glad you're safe, though I know Ren would take good care of you"

"t-thanks Blake"

"ayan talaga ang tunay na concern. Maya't maya nanghihingi ng update saamin kung kamusta na kayo. Tinalo niya pa ang demanding reader's ng author"

Napatawa ako bigla sa sinabi ni Arcie. Sabi ko na eh hindi ako nagkamali, si Blake na ata ang pinaka sweet and thoughtful na lalaking nakilala ko. Kung mas nauna lang ito ng dating kay Ren aba'y malamang inlababo na ko sa lalaking to ngayon. Pero wala eh, si Ren talaga ang nag o-occupy ng puso ko. Walangya talaga yun, halos atakihin ako sa puso sa sobrang kilig pag naalala ko lahat ng ginawa niya at sinabi niya saakin.

"bakit tayo ba para magtabi sa kama?!"

"hindi. Pero pareho naman tayo ng pintig ng puso kaya ok lang na magtabi tayo"

"hay nakakainis!!"

"bakit naman?"

"eh kasi naman ang ganda ganda mo eh lalo na pag ngumingiti ka! Mamaya hindi ko na mapigilan ang sarili ko at may magawa ako sayo!"

Namula ako bigla nung maalala ko yung mga sinabi niya saakin last night. Feeling ko lahat ng dugo sa katawan ko ay umakyat na sa mukha ko. Oo na, siya na! siya na ang romantic prince! Siya na ang magaling magpakilig ng babae! Siya na talaga!

Siya na ang lalaking mahal ko.

Napangiti ako bigla.

Ay shet kinikilig ako ehhhh!

"h-hey Amber are you alright?" tanong saakin ni Blake then he placed his hand on my forehead "are you sick? Do you feelin anything? Your face is red"

"h-huh? Ahmm i-its nothing!"

Nakakahiya naman! nakita pa niya ang pamumula ng pisngi ko.

"ok then, just tell me if you don't fell well ok?"

"yes. Thank you Blake" I smiled at him then he smiled back

Nagulat naman ako ng biglang sumulpot si Ren sa gitna namin ni Blake at nakasimangot siya.

"ano ba naman mestizang hilaw! Mamaya ka na kaya makipagkamustahan! Yung mga gamit mo ang bibigat. Kung tumulong ka ho kaya sa pagbubuhat no?!"

Aba'y ang taray ng lolo mo! Kahapon lang sobrang sweet eh tapos ngayo tinamaan na naman ng kasungitan! Bipolar. Tss.

Pumunta na ko doon sa kotse ni Ren para buhatin yung mga gamit ko. Nakita ko naman na palapit si Blake saakin para tulungan ako sa pagbibitbit kaso agad na inagaw ni Ren lahat ng mga bagahe ko at siya nagdala nito sa loob.

Tignan mo nga naman talaga ang moody na matakaw na yun oh. Walanjo lang eh.

Kanina galit na galit kasi ayaw ko buhatin mga gamit ko but in the end siya din ang magbubuhat! Astig no? unpredictable ng ugali =.=

"selos ang tawag doon" napalingon ako sa tabi ko and nakita ko si Jiro "so kamusta naman yung two days and one night alone with Ren? Ayos ba yung wish ko? Nagkatotoo?"

REACHING YOUWhere stories live. Discover now