AMBER'S POV
Humagulgol ako ng iyak "ngayon ka pa nag sorry kung kelan naipaalala mo nanaman saakin kung gaano kasakit?! Nakakayamot ka eh! Bat ba ko pumunta dito!
Sana hinayaan na lang kitang mag suicide dito sa paglalasing! Waaaaaaaahh"
"A-amber please don't cry" nakita kong natataranta na siya saakin pero wala akong paki. Tuloy parin ako sa pag iyak "ah wait, dyan ka lang ha. May kukunin lang ako" umalis siyas a tabi ko habang ako naman patuloy parin sa pag ngawa.
Bumalik siya sa tabi ko na may dalang gitara. "uhmm Amber wag ka na umiyak please. Kakantahan na lang kita" he started strumming the guitar.
"When I look into your sad eyes
It makes me feel for you"
Napatigil ako sa pag hagulgol though yung mga luha sa mata ko patuloy parin sa pagbagsak.
"Cause I don't see the light
That was always shining through
Someone broke your heart
And now it's easy to give up
I'm tellin you
It's not the end
It's not the end of love
Keep believing, baby
Cause everything happens for a reason
And though tonight tears fill your eyes
Don't stop dreamin' girl
I'll be right here to lean on
You're gonna make it through
I wanna see you"
Tumigil siya sa pag strum ng guitar then he wiped my tears away
"Keep believing"
Nagkatinginan kaming dalawa. Mabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit.
But still may kakaiba akong nararamdaman
Weird.
After all that had happened, this is the first time I felt my heart lightens up.
Napadilat ako bigla.
Nakakapagtaka, bakit kada makikita ko siya ganoon ang nararamdaman ko?
Tinignan ko ang lalaking nasa side ko na busy mag computer. Ilang buwan ko na siyang nakakasama dito. Pero sa tuwing patagal ng patagal ang pagkakaibigan namin, mas lalong palalim ng palalim ang nararamdaman ko.
A couple of months had passed simula nung umalis kami sa Philippines. Akala ko pag sumakay na ako sa airplane on the way to London, iiwanan ko na lahat ng magaganda at masasakit na alaala ni Jiro at ng S6. Pero kung aasarin ka nga naman ng tadhana, nakita ko si Ren na sakay din ng eroplanong papunta sa London. At malalaman ko pang iisang course sa iisang university kami pareho mag-aaral. Ayos no? talagang inaasar ako ng tadhana.
Siguro sa S6 si Ren na ang pinaka close at the same time kinaiinisan ko. Hindi naman nagbago yun nung dumating kami sa London.
A few weeks after kong umuwi saamin, nagulat na lang ako ng sabihin ni Mommy na lilipat na daw ako ng bahay. Take note: ako lang ang lilipat, hindi sila kasama. Binilhan daw nila ako ng unit sa isang condominium malapit doon sa university na papasukan ko. It's time for me para maging independent kaya ipinatatapon na nila ako sa ibang lugar.