Chapter 11: REN'S LULLABY

3 0 0
                                    

AMBER'S POV

"nararamdaman mo ba Amber? Nararamdaman mo ba ang bilis ng tibok ng puso ko?"

"a-anong ibig— "

"—yung iyo rin ba ganito kabilis?"

Napatitig ako sa mata ni Ren at nakita kong seryosong seryoso siya. Hinihintay ko ang mapang asar niyang ngiti sabay sabi ng "joke lang" kaso walang dumating.

Huminga ako ng malalim at naramdaman ko,

. . .. sobrang bilis din ng tibok ng puso ko.

Hindi ako makapagsalita. Nakatitig lang ako kay Ren habang sobrang bilis din ng tibok ng puso ko siguro dala narin ng kaba at. . .. dala narin nung nararamdaman ko para sakanya.

Hindi makapagisip ng matino ang utak ko. Ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso ni Ren to the point na parang naririnig ko na ito.

Yung akin kaya, naririnig din niya? Naririnig kaya niya na ipinagsisigawan nito ang pangalan niya?

"Amber." lumapit si Ren saakin ng sobrang lapit habang hawak hawak parin niya ang kamay ko na naka place sa chest niya. Tinitigan niya ako maigi sa mata. Then from my eyes ibinaba niya ang tinigin niya papunta sa labi ko at naramdaman kong mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Ren.

Napalunok ako at naramdaman ko narin ang mas mabilis na pagtibok ng puso ko. Mas lalong inilapit ni Ren ang mukha niya saakin pero hindi parin niya inaalis ang pagkakatitig niya sa mata ko. 2 inches, 1 inches, habang papalapit ng papalapit mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko na akala mo eh gusto na nitong lumabas sa katawan ko.

At boom!

Dala ng nararamdaman ko at sobrang KATANGAHAN, bigla ko na lang hinugot ang kamay ko sa pagkakahawak niya sabay tayo.

"hehehehhee o-oo nga no? a-ang bilis nga ng tibok ng puso mo. N-naku delikado yan m-mamaya eh m-may sakit ka na sa puso! T-try mo kaya mag paycheck up?" sabi ko sa kanya

"h-ha?"

"hehehehehe" ipinaypay ko ang dalawang kamay ko saakin "grabe ang init no? naiinitan ako"

"nag i-snow kaya"

Poink! Oo nga pala nag iisnow, pero swear naiinitan ako ngayon. Lalo na sa bandang mukha? Parang ang init init ng mukha ko. =___=

"uhmm labas muna ko ha?" tumakbo ako palabas ng room at nagpunta sa lobby ng inn.

Ano yun? Ano ibig sabihin ng mga bagay na yun?

Parang ang hirap paniwalaan ng lahat ng mga nangyayari. Walang sinabi saakin si Ren kung bakit niya ginagawa yun, but yung mga actions niya hindi pa ba obvious ang gusto niyang ipahiwatig?

Umiling iling ako. Imposible, napaka imposible, si Ren? As in si Ren Salvy na napaka manhid at hindi pa maka get over hanggang ngayon kay Arcie ay biglang. . . imposible.

Pero ano yun?

AY NAKU NAPAKA SALVY TALAGA NG ISANG YAN! Gusto ko siyang iwan sa labas at ipakain sa polar bear! =__=

Bakit ba grabe ang epekto niya saakin?

Hahalikan niya ba ko kanina? Yung mga tingin niya sa mata ko pati sa labi ko.

Muntik na nga ba niya kong halikan?

*pukpok sa ulo* eh napaka bobpols mo naman kasi Amber eh! Sukat tumayo tayo ka pa kanina hindi mo tuloy nalaman lahat!

Pero talagang pinangunahan lang ako ng kaba kanina eh. Kung di ako tumayo malamang eh pumanaw na ko ngayon dahil yung puso ko lumabas na ng tuluyan sa katawan ko.

REACHING YOUWhere stories live. Discover now