EPILOGUE

4 0 0
                                    

AMBER'S POV

"oh my gosh! Oh my gosh! Kayo na ba?!" salubong na tanong saamin ni Michelle pagkadating na pagkadating namin sa loob ng simbahan kung saan gaganapin ang kasal ni Sir Nike and Ma'am Krissa

"y-yes" sagot naman ni Ren sabay napakamot siya sa ulo niya

"talaga?! Kelan pa?!" tanong naman ni Yanna

Nagkatinginan kaming dalawa ni Ren then we both smile "three days ago lang" sabiko kay Yanna.

Aside from Jiro and Arcie, walang idea yung ibang S6 about sa relationship namin ni Ren. Anyways alam na rin namin yung kalokohang ginawa ni Jiro. Ipinaliwanag na saamin lahat ng mga parents namin. Kung nung una eh galit na galit kami kay Jiro, ngayon naku, laking pasasalamat namin dahil meron kaming isang kaibigan na tulad niya.

So siya pala ang dahilan kung bakit kinuha ng director si Ren doon sa stage play.

Humingi siya ng help kay Blake para makausap yung director at kinuha nila si Ren.

Aside from that, lahat ng weird na nangyari saamin ay kagagawan ng lalaking yun.

Yung pinagdalhan saamin na bahay, kaya pala parang familiar siya, is because yun ay yung dating bahay ng grandparents ko. Nakapunta na ata ako doon when I was still 7 years old.

But all in all, malaki talaga ang pasasalamat namin kay Jiro. Kung di niya to ginawa, malamang pinaghiwalay na kami ng parents namin. Tsaka isa pa, narealize ko ring napaka immature naming dalawa ni Ren dahil nag away kami sa isang napaka liit na dahilan lang. Well, I don't want to make the same mistake twice. At least natuto kami.

After ng mga incident na yun, niligawan ako ni Ren. Sabi niya gusto niya munang dumaan sa ganoong proceso. Gusto niya daw maranasan na paghirapan akong makuha para daw alam na niya kung gaano ako kahalaga at para hindi niya ako ganoong kadali bibitawan.

At naging kami, as in the mature Amber and Ren, three days ago. :)

"wow congrats bro!" sabi ni Justin kay Ren sabay tapik sa balikat nito

Bigla namang yumakap si Lance kay Ren then nag panggap pa itong medyo naluluha luha "sa wakas!! Graduate ka na ng Torpe University! I'm so proud of you!"

Bigla naman siyang itinulak ni Ren "heh! Tigilan niyo nga ako!" =__=

Nagtawanan kaming lahat doon habang pulang pula si Salvy sa mga pinag gagagawa ng mga kaibigan niya. Tinitigan ko silang lahat habang nagtatawanan sila at nagkukulitan. Alam ko hindi ako masyadong nagkaroon ng chance para mas makilala ang S6 dati. Hindi rin ako masyadong naging close sa kanila pero habang tinititigan ko sila, hindi ko maiwasang mapangiti.

Ren has a great friend, and I'm glad nandiyan ang S6 sa buhay niya. Sana maging kaibigan ko rin sila.

"so how's my acting?" tanong ni Jiro habang nasa labas kami ng simbahan at naghihintay na mag simula yung ceremony

"hay naku, mag artista ka na lang" pag bibiro ko sa kanya

Medyo natawa naman si Jiro "but I never thought na mag aaway kayo ng husto sa ganung dahilan! Hahaha para kayong mga bata"

Hinampas ko si Jiro ng mahina "talagang inasar pa kami eh no?" =__=

"Hahaha I'm just kidding Amber, but still, I'm really glad na ok na ang lahat. Next time na mag away kayo make sure to fix it on your own hindi yung kailangan ko pang mag panggap na drug addict at rapist para lang maibaba niyo ang nagtataasang prides niyo"

Natawa naman ako "opo boss! Sorry na pero still salamat Jiro, dahil sa ginawa mo hindi mo lang naisave ang relationship namin, natuto pa ko"

Jiro tapped my head "ok lang yun Amberchichi!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

REACHING YOUWhere stories live. Discover now