Amber's POV
"hoy ano ba Ren Salvador!! Tigil tigilan mo na to pakiusap ha! Alisin mo na tong handcuff sa mga kamay natin kung ayaw mong sipain kita diyan papuntang Pluto!!" galit na galit kong sabi habang naglalakad—correction—kinakaladkad niya ako papunta sa hindi ko alam na lugar
"paano ko aalisin tong handcuff? Hindi mo ba nakita na tinapon ko yung susi sa lake?" he told me while grinning widely
"alam kong may duplicate key ka kaya pwede ba tanggalin mo na to! Di na ko natutuwa ha!!"
"sorry wala kang duplicate key na makikita saakin kahit hubaran mo pa ko dito"
"di ako naniniwala!!"
Tumigil siya sa pagkaladkad saakin and took a step closer to me then he grin evilly
"then hubaran mo na ko para maniwala ka"
"pervert, pedophile, manyak, mapanirang puri, agogoo!!" =__=
"hahahahahha grabe ka naman mestizang hilaw! Ang dami mo description saakin! Pwede bang gwapo na lang?"
"hindi ka gwapo!!! Panget ka! Panget!!" sigaw ko sa kanya.
Antofu talaga ng lalaking to eh! Inuubos ang pasensya ko! Ayaw niya talaga akong seryosohin! Pikon na pikon na ko as in!! grrrrr!!
"panget? ako? Sus talaga lang ha?" mas lalo pang lumapit saakin si Ren at nginitian ako
Tokwa naman, ang gwapo niya =__=
"o-oo p-panget ka! Panget!"
"sus. E bat nauutal ka?" mas dinikit pa ni Ren ang mukha niya saakin habang naka ngisi ng nakakaloko.
Ay anak ng--!!! Lumayo layo siya saakin kung ayaw niyang magkasala ako! Mamaya nito eh makulong ako sa salang rape =__=
Biglang lumayo si Ren saakin at tumawa ng malakas
"HAHAHAHAHA grabe mestizang hilaw oh kulay kamatis ka! HAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHA"
I glared at him
"che bahala ka diyan!"
Tinalikuran ko siya at naglakad palayo ng bigla naman may humatak sa kamay ko.
Pagtingin ko yung handcuff.
Grrrr stupid handcuff! Di ako makapag walkout T_T
"hay halika na nga Amber" hinawakan ni Ren ang kamay ko "punta na tayo sa coffee shop before pa mag sara yun. Maaga ang closing time nila eh, 7pm. 6:10 na ngayon kaya dapat bilis bilisan na natin"
Naglakad na kami ni Ren papuntang coffee shop na sinasabi niya. Tahimik na lang ako na sumama sa kanya dahil alam kong mauubos lang ang energy ko sa kaka sigaw ditto sa lalaking to. Wala rin naman akong magagawa kasi nakaposas ang kamay ko sa kamay niya di ba?
At isa pa. . . . . ..
OO NA SIGE NA INAAMIN KO NA, GUSTO KO MAKATIKIM NUNG CHEESECAKE. PAGBIGYAN NIYO NA KO >__<
Nung makarating kami doon sa coffee shop, isang 'love seat' ang kinuhang table ni Ren sa kadahilanang naka posas daw kaming dalawa at di pwede maghiwalay. Dapat magkatabi kami ng upuan. Oo na lang ako dahil gusto ko ng kumain ng cheesecake at makauwi.
Ren ordered one oreo cheesecake and one cup of coffee
"t-teka, bakit isa lang? dalawa tayo ah?" despite ng pagiging pakipot ko sa pagsama sa kanya dito, nagawa ko parin tanungin yan sa kanya. Ako na makapal ang mukha.
"share tayo, para sweet"
Sweet?! Anong ka sweet sweet sa pag sshare ng isang cup ng coffee at isang cheesecake?! Nakakabitin lang yun eh >__<