Chapter 14: MR. SUPERMAN

7 0 0
                                    

AMBER'S POV

"please Amber, ako na lang mahalin mo"

Napatitig ako maigi kay Blake na akala mo eh tinubuan siya ng tentacles sa katawan.

Nag lo-loading ang utak ko, not to mention napatigil din ako sa pag hagulgol. Alam mo yung parang mas kagulat gulat pa na malaman mong nagtatagalog si Blake kesa sa malaman mong impakta si Autumn?

Tofu paki rewind nga ang scene na yun? Di ako makapaniwala!

"n-nagtatagalog ka?" tanong ko sa kanya

Nagulat naman siya bigla sa tanong ko the humagalpak na siya ng tawa bigla

"hahahahahahahhahahahahha you're so funny Amber! hahahahahahahahahahahhahahahahhahahaha" napahawak na siya sa tyan niya habang halos gumulong sa kinauupuan niya sa sobrang kakatawa. Ako naman pinapanuod lang siya habang takang taka sa kung bakit mamatay matay na sa pagtawa itong gwapong nilalang na to.

O-kay? Ano nakakatawa sa sinabi ko? May mali ba sa sinabi ko? O baka naman hindi niya naintindihan dahil tagalong? O baka naman may katunog na French word yung

"nagtatagalog ka' na nakakatawa kaya tawa siya ng tawa?

Huminga hinga siya ng malalim habang hawak hawak ang tyan niya at pinupunasan ang luha sa gilid ng mata niya gawa ng sobrang pagtawa. Nung huminahon na siya, ako naman ang nagsalita

"are you done laughing? May I ask now what's funny?"

Bigla na naman ulit siya tumawa doon. Ay asar eh, gusto ko na to batukan! Eh kung halikan ko na lang kaya para manahimik siya?! =.=

"hahahahhahahahaa you are really funny! Instead of being shocked that I like you, what shocks you is that I can speak Filipino! Hahahahahahahhahaha!"

"nakakagulat naman kasi no!"

"actually I'm not that fluent but I always keep on practicing"

"b-but how? Who taught you?!"

"you" sabi niya saakin sabay hawak ng kamay

Tinabing ko naman yung kamay niya

"urghh!! I'm not joking Blake!" =__=

"You know why I've studied your language? Because I love you" he told me seriously

Natameme na naman ako dahil sa kanya. Oh ano nasan na ba yung karugtong na "it's a joke" sabay sabing "some jokes are half meant?" ano nasan na?! bat di pa niya sinasabing joke lang yung sinabi niya!

"B-blake"

"this time, I'm not joking. I really like you Amber. I've learned everything I need to learn just to know you more, to understand you more. I maybe just a good friend to you, but please believe me, starting the day you've entered my life, my heart never stops shouting your name"

Natameme ako bigla sa sinabi ni Blake. Manhid na kung manhid, but I didn't expect na gusto niya ko. Parang paanong nangyari na ang isang kamukha ni Prince Caspianslash- Ben Barnes eh maiinlove sa isang simpleng kikay na tulad ko? Impossible eh, napakalabong mangyari.

Pero masaya sana at nakakakilig kung hindi si Ren ang gusto ko.

"B-blake I-I'm sorry— "

"—no need to continue what you're going to say, beautiful. I'm not asking anything in return. I just want to tell you how I feel" he smiled at me "actually I also want to say sorry for all those weird messages you've been receiving from Barney"

Nanlaki ulit ang mata ko sa sinabi niya then bigla akong napaturo sa kanya "y-you mmean you are BARNEY?!"

"well..." napakamot siya sa ulo niya na parang nahihiya at kitang kita ko yung pamumula nung tenga niya "y-yes I'm Barney"

REACHING YOUWhere stories live. Discover now