Chapter 5: ARCIE

7 0 0
                                    

AMBER'S POV

*Lakad lakad lakad* hinto *lakad lakad lakad* hinto Tokwa nababaliw ako!! =.=

Kanina pa ko nagiisip ng magandang idea para ilabas ang baho ng taglagas na yun kaso talagang ang naiisip ko lang eh ang sundan siya after dismissal at videohan pag gumawa na siya ng kademonyohan.

Kaso nga lang...

Una. Napaka time consuming. Kesa nagpapahinga ako or gumagawa ng assignmentkailangan ko siyang sundan.

Pangalawa. Nakaka tamad. Sino ba naman ang gaganahang sundan ang taglagas na yun! Ni makita nga lang siya masuka-suka na ko! Ang sundan pa kaya?!

Pangatlo. I'm not good in stalking. Naalala ko dati nung mga panahong nagkaka gusto pa lang ako kay Jiro. Tinry namin nung kaibigan ko na i-stalk siya but nahuli kami agad ni Jiro. Ito naman kasing lalaking to eh napakalakas makaramdam. Ayun na siguro ang pinaka nakakahiyang nangyari sa buhay ko. Ang mahuli ka ng crush mo na iniistalk siya =.=

PERO hindi ko naman crush si Autumn at isa pa hindi naman siguro siya katulad ni Jiro na ang lakas makiramdam di ba? Malakas lang siyang manlandi at magaling mamflirt!

Nakapag desisyon na ko! Isstalk ko si Autumn para mailabas ang kademonyohang taglay niya kay Ren! At pag nagkataon. . . pag nagkataon. . .

@!#%%&^&(*_*(

TOFU.

Oh eh ano naman kung mailabas ko ang tunay na ugali ng babaeng yun?! Tsaka bat ko nga ba siya i-i-stalk?! Ano naman saakin kung nagbabalatkayong Arcie ang babaeng yun?! Ano mapapala ko?! TSAKA PAKIELAM KO BA?! AND WHY WOULD I WASTE MY TIME FOLLOWING THAT B**CH! Para kay Ren?! PAKIELAM KO SA SALVY NA MATAKAW NA YUN!!!!

Tsk, ayoko magpaka tanga dahil sa nararamdaman ko.

Biglang nag flashback sa isip ko yung sinabi saakin ni Ren dati doon sa rooftop sa Prince Academy

"walang taong nagmamahal ang hindi naranasang magpakatanga, maniwala ka"

Bloody hell, what is happening to you Amber? Talaga bang mahal ko na si Ren? Totoo na ba tong nararamdaman ko? Pinalitan na nga kaya niya si Jiro sa puso ko?

Pero bakit ganun? Ayaw tanggapin ng isip ko ang dinidikta ng puso ko.

Biglang na disturb ang pag dadrama ko ng biglang may nag doorbell sa unit ko. Sinilip ko muna kung sino before kong buksan.

Si Salvy.

Pinagbuksan ko siya ng pinto.

"Salvy— "napahinto naman ako ng makita ko si Autumn sa likod niya.

Anong ginagawa ng poser na babaeng yan dito?!

"uy meztisang hilaw! Tulungan mo naman kami ni Autumn sa assignment please" nag puppy eyes siya.

"ano ko tutor niyo?! Ayoko nga!" sigaw ko

Halata naman kay Autumn na hindi niya maintindihan ang sinasabi ko at kung bakit ako sumisigaw.

"eh sige na Amber. Ililibre ulit kita. Please, please" nag puppy eyes ulit siya sabay pout.

Err nakakayamot siya! He is so. . .

. . . cute >.<

"SIGE NA SIGE NA!"

"ayun oh! Yehey! Kaya labs na labs ko tong meztisang hilaw na to eh" he winked at me then he put his arm around Autumn's waist and lead her inside his unit.

Akala ko ba labs na labs niya ko pero bakit doon siya sa waist ng taglagas na yun nakahawak?!

Sumunod ako sa kanilang dalawa ng may nakasimangot na mukha.

REACHING YOUWhere stories live. Discover now