Chapter 19: MR. KIDNAPPER

1 0 0
                                    

AMBER'S POV

As soon as my heart stops breaking

And tears are fading

As soon as forever is through

I'll be over you...

Pinatay ko yung ipod ko at gumulong sa kama. Ipinikit ko ang mata ko at nag flashback na naman sa utak ko lahat ng nangyari kanina.

"I'm sorry Ren pero ayoko na. It's better kung mag move on ka na"

*sigh*

Sige ako na ang tanga, ako na engot, baliw at hibang. Sasabihan kong mag move on ang isang tao samantalang ako sa sarili ko eh di ko magawang mag move on?

Ampupu.

Di pala kaya ng tao mag move on sa loob ng isang buwan lang kahit anong pilit nito no?

Eh tae ka pala Amber eh, kung yung mahigit isang taon nga hirap na hirap ka nun kalimutan si Jiro, ang isang buwan pa kaya?

Hay nakakabaliw.

Ipinikit ko ang mga mata ko at sinubukang matulog.

Kinabukasan, maaga naman akong umalis ng bahay namin para pumasok. Ayoko kasing makasabay si Ren na maglakad papuntang school. Kaya lang kung mamalasin ka nga naman, mali na naman ang timing ko.

Pagkalabas ko ng unit, saktong lumabas din si Ren

"good morning mestizang hilaw!!" he greeted me like nothing happened.

Naasar na ko ah. Bakit parang ako lang ang affected?! Bakit ako lang ang nahihirapan dito?! Bakit parang wala lang sa kanya?

Siguro di niya talaga ako mahal. Baka nga hanggang ngayon, si Arcie parin ang mahal niya.

Hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy ako maglakad.

"mestizang hilaw wait!" humabol siya saakin "may surprise ako sayo!"

Hindi ko parin siya pinapansin at tuloy tuloy lang ako maglakad habang patuloy ang pagsasalita niya

"may bagong bukas na coffee shop sa may school and sabi nila ang sarap daw ng cheesecake doon! Gusto mo try natin?"

Halos mapahinto ako sa paglalakad dahil sinabi ni Ren ang magic word.

Antofu naman oh. Amber wag na wag na wag na wag ka magpapaapekto sa cheesecake. Galit ka kay Ren, nasaktan ka sa ginawa niya, bitter ka. Wag mong hayaang dahil sa cheesecake lang eh bumigay ka na.

Bakit ba kasi alam na alam nito ang weakness ko? T___T

I heared Ren chuckled. Siguro nabasa niya nasa isip ko based on my expression

"so what can you say? Punta tayo doon mestizang hilaw"

"busy ako" I said trying to gave him a blank expression pero deep inside gusto ko na maglaway =__=

"nye sige na mestizang hilaw! Kain na tayo doon!"

"busy nga sabi ako"

Tokwa wag ka makulit baka makalimutan kong yamot ako sayo at mapa-oo ako.

Pumunta si Ren sa harapan ko at hinawakan ang magkabilang braso ko para mapatigil ako sa paglalakad

"dali na mestizang hilaw, pumunta na tayo. Ililibre kita! Naku kung ako sayo wag mo na palampasin to. Minsan lang sumagi sa utak ko ang manlibre" he told me while smiling brightly.

Bigla akong natulala hindi dahil sinabi saakin ni Ren na manlilibre siya which is, once in a blue moon ko lang marinig, kundi dahil, para na namang lumundag ang puso ko ng hawakan niya ako at ngumiti siya.

REACHING YOUWhere stories live. Discover now