PROLOGUE

2 0 0
                                    


"Mommy, look oh! Elsa looks like Annabelle."

Napatawa ako nang itinuro ng anak ko ang life size doll ni Elsa pero makapal ang blush-on noon sa pisngi na kagaya ng kay Annabelle.

"Do you want to buy it, baby?" pang-aasar ko sa kanya kaya inirapan tuloy ako.

"Of course not, Mommy! I don't want to have nightmares every night." nakahalukipkip pang sabi ng anak ko.

Tumawa ako at nakita ko din na napatawa ang saleslady na nakarinig sa sinabi ng anak ko. Lumabas na lang kami ng toy store na iyon dahil puro panlalait lang naman ang mga sinasabi nya tungkol sa mga laruan doon. Hindi ko nga alam kung nagpunta ba kami ng mall para makabili sya ng bagong laruan o para manlait lang ng mga laruan.

"I'm so happy, Mommy!" sabi ng anak ko na tumalon-talon pa habang naglalakad kami. Napabilis tuloy ang lakad ko dahil magkahawak kami ng kamay.

"And why is my baby happy?"

Tumigil sya sa paglalakad at itinaas ang dalawang kamay. Tumawa ako at binuhat sya.

"Because you're always busy with your work. I missed being with you, Mommy. I missed you." sabi nya at mahigpit akong niyakap sa leeg.

Aww, my heart.

"I'm sorry, baby. Busy lang talaga si Mommy dahil madami akong ginagawa sa work. But you know that Mommy loves you so much, right?"

Ngumiti sya nang malawak na ikinatunaw ng puso ko.

"Yes, Mommy! I love you too. Million, million and gazillion times!"

Tumawa ako at pinugpog sya ng halik na ikinatawa nya naman. Aww, I love hearing those giggles!

I really love my daughter. She's my everything. Kahit pa naghirap ako sa kanya noong pinagbubuntis ko pa lang sya ay mahal na mahal ko talaga ang anak ko. Naaalala ko na kamuntikan pa syang malaglag noon dahil sa mga stress at pagod na naranasan ko noon. Mahina daw kasi ang kapit nya noong nasa sinapupunan ko pa lang sya. Kaya tumigil ako sa pagtatrabaho para matutukan ko ang pag-aalaga sa kanya.

Mabuti na lang at nandyan sina Mama at Papa para tulungan ako sa pag-aalaga sa anak ko pagkapanganak ko sa kanya. At ngayon ngang apat na taon na sya ay bawing-bawi ang paghihirap ko noon. I named her Summer Frost.

My Summer Frost.

Kumain kami sa paborito nyang fast food restaurant dahil gustong gusto nya ang fries at spaghetti doon. Nakakatuwa dahil hindi ko na sya kailangang subuan at sya na ang kumakain mag isa.

"Mommy, can we watch Aladdin, please?" sabi ni Summer na nagpa cute pa talaga sa akin.

Nakakagigil! Sarap kurutin sa pisngi!

Pinunasan ko muna ang bibig nya na punong-puno ng spaghetti sauce bago ko nga sya kurutin sa pisngi. Napa 'aray' sya at nag-pout nang tigilan ko ang pisngi nya.

Dear God, thank You for giving me my daughter in my life.

"Okay, baby. But you have to finish your food first, okay?"

Dahil excited syang mapanood ang Aladdin ay mabilis nyang tinapos ang pagkain nya kaya ilang sandali lang ay pumunta na kami sa movie theater. Bumili ako ng tickets at pinaupo muna ang anak ko sa mga upuan sa harap ng popcorn stall bago ako bumili ng popcorn.

"Two cheese and two water, please." sabi ko sa cashier. Ilang sandali pa ay naibigay na din naman ang order ko.

Bumalik ako sa pinag-iwanan ko kay Summer pero ganun na lang ang kaba ko nang makitang wala na doon ang anak ko.

"Summer!" tawag ko sa kanya pero hindi ko makita ang anak ko. "Miss, miss. Have you seen my daughter? She's wearing a pink dress and medyo light brown ang buhok nya." tanong ko sa isang babae pero umiling lang ito.

My god! Hindi ko alam kung paano ko mahahanap ang anak ko sa laki ng mall na to! Kung ano-ano na ang naiisip ko. Baka kinidnap ang anak ko ng mga sindikato at isinama sa mga nanlilimos sa kalsada.

Oh, God! No, no please. Not my Summer Frost.

"Mommy!"

Agad akong napalingon nang marining ang boses ng anak ko. Nakita ko syang malapit sa may TV na pinapakitaan ng mga trailers ng movies sa sinehan. May lalaking nakaluhod sa harap nya pero hindi ko makita kung sino dahil nakatalikod ito sa akin.

Tumakbo ako palapit kay Summer at mabilis na lumuhod para mayakap sya. Napansin ko na napatayo ang lalaki nang makalapit ako.

"Oh, God, Summer! I told you na huwag kang aalis doon! God! Pinag alala mo ko!" sabi kong maluha-luha pa.

"I'm sorry, Mommy. I was just watching Aladdin's trailer! I love their song kasi." kumanta pa sya ng A Whole New World at napatawa na lang ako.

"Is she your daughter?"

Nawala ang ngiti ko nang marinig ang malamig na boses na iyon. Kahit hindi ko lingunin ay kilalang-kilala ko kung sino ang nagmamay ari noon. Kinabahan ako at hindi kaagad nakagalaw.

"Zuri..."

Wala akong nagawa kung hindi ang tumayo at harapin sya. The first thing that I noticed was his electric blue eyes that seem so ruthless and cold.

"Helios..."

Nakita kong mula sa mukha ko ay bumaba ang tingin nya kay Summer kaya itinago ko ang anak ko sa likuran ko.

"Is she your daughter?" ulit na tanong sa akin ni Helios at mas lalo akong kinabahan. Huminga muna ako ng malalim para makontrol ang nanginginig kong katawan.

"Oo." sagot ko at nagpasalamat akong hindi ako nautal.

"Who is he, Mommy?" tanong ni Summer sa likod ko.

Nakatitig lang si Helios sa mga mata ko kaya hindi ko maiwasang hindi manginig ang katawan ko. Wala pa din nagbabago sa mga titig nya. Seryoso at napakalamig.

"He's my..." lumunok ako para alisin ang bara sa lalamunan ko. "He's my boss." sagot ko sa anak ko na hindi pa din inaalis ang tingin ko kay Helios.

Bumaba ulit ang tingin nya nang sumilip si Summer sa likuran ko kaya mas lalo ko pa syang itinago. Halos mahimatay na ako sa sumunod nyang tanong.

"Is she my daughter?"

"No." mabilis kong sagot at alam kong hindi naging normal ang pagsagot kong iyon. Nakita kong mas lumamig ang tingin nya sa akin at halos mangatal na ang mga labi ko doon.

"Is that so?"

"Oo." matapang kong sagot. "Hindi lang ikaw ang lalaki sa buhay ko, Helios. So stop assuming." binuhat ko si Summer at mabilis na tinalikuran si Helios.

Oh, God! Bakit ngayon pa?! Shit, hindi pa ako handa. No. No. Sana hindi nya nahalata.

"Mommy, he's your boss? At work?" tumango ako sa tanong ng anak ko. "Really? We have the same eyes, Mom."

Napatigil ako sa sinabing iyon ni Summer. Kung ang anak ko ay napansin ang bagay na iyon, paniguradong mapapansin din iyon ni Helios.

He's not stupid, Zuri. And you know that.

Lumingon ako sa likod ko na sana ay hindi ko na ginawa dahil nakita kong nandoon pa din si Helios pero seryoso ang mga matang nakatingin sa amin. Tumalikod ako at mabilis na naglakad palayo doon.

Oh, shit. What should I do? Should I ran away again? Paniguradong gagawa sya ng paraan para malaman kung sino ang ama ni Summer.

And you know what? He's right.

Summer Frost is Helios Gallagher's daughter.

And I'm hiding the billionaire's daughter. 

HTBDWhere stories live. Discover now