CHAPTER 7

1 0 0
                                    

"I can show you the world. Shining, shimmering, splendid. Tell me princess nanananana let your heart decide."

Napangiti ako nang marinig ko ang boses ni Summer na kumakanta nang madaanan ko ang kwarto nya. Binuksan ko iyon at naabutan ko syang nag-aayos ng damit nyang dadalhin para sa flight namin bukas. Nang pumasok ako ay saka ko tinuloy ang pagkanta nya.

"I can open your eyes..."

"Mommy!"

"Take you wonder by wonder. Over sideways and under on a magic carpet ride."

Lumapit sa akin si Summer at nagpakarga. Binuhat ko naman sya at umupo kami sa kama habang sinusuklay ko ang buhok nya gamit ang kamay ko.

"What are you doing, baby?" tanong ko matapos kong kumanta. Naalala ko tuloy noong baby pa siya. Palagi ko siyang kinakarga at kinakantahan para makatulog siya. Somehow, she really loves the sound of my voice.

"I'm helping you pack my things, Mommy." tapos ay umikot sya paharap sa akin. "Mommy, I'm really excited for tomorrow!"

"You're excited to leave the Philippines?" asar ko sa kanya kaya nag-pout sya.

"Yes.." mahina nyang sabi at napatawa ako sa pag-amin nya. "They always say things about my eyes. Even my classmates. They were always acting like it's their first time to see people with blue eyes. Poor them." mataray na sabi ng anak ko na may pag-irap pa kaya mas lalo akong napatawa.

"That's why you love New York kasi there's a lot of people there that have blue eyes din like yours, right?" sabi ko dahil kilalang-kilala ko ang anak ko.

"Yes, Mommy. Here kasi, they are treating me like an alien when it was them who look like an alien. Hmp!"

Shit lang! Ang taray ng anak ko!

"How about your boss, Mom?" tanong nya pagkaraan. Natigilan ako. "Are they treating him like an alien, too?"

Natahimik ako. Mukhang kahit hindi pa alam ni Summer ang totoo ay curious na agad ito kay Helios. Dahil lang magkaparehas ang mga mata nila.

Ano kaya ang mararamdam ni Summer kapag nakilala nya ang ama nya?

"Summer?"

"Yes, Mommy?" sabi nyang nakatuon sa akin ang lahat ng atensyon.

Napalunok ako. Hindi ko alam kung itatanong ko ang tungkol doon. Is this the right time? O kailangan ko pang maghintay hanggang sa lumaki siya?

"Do you want to meet your father?"

Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kanya noong itinanong ko iyon. Nakatingin lang sya sa akin at kinakabahan ako sa isasagot nya.

Kahit kailan, kahit isang beses ay hindi hinanap sa akin ni Summer ang ama nya. Hindi sya nagtanong at wala akong ideya kung bakit. Ang alam ko, ang mga bata ay hinahanap nila ang mga magulang nila. Kagaya kung paano ko hanapin ang ama ko noong bata ako. Pero iba si Summer Frost. Pero kahit ganoon, alam kong nangungulila din sya sa kanyang ama. Nakikita ko kung paano nya tingnan ang magpamilya kapag namamasyal kami sa mall. And it always breaks my heart.

Tumungo si Summer at pinaglaruan nya ang mga daliri nya.

"I don't know, Mommy." mahinang sabi nya at ilang sandali ay tumingin sa akin. "Do you want me to meet my father?"

Pinigilan ko ang maiyak sa tanong nya. Hindi ko alam kung bakit ibinalik nya sa akin ang tanong. Gusto kong sabihin na ayoko. Ayokong makita o makilala nya ang ama nya. Pero alam kong pansariling kagustuhan ko lang ang iniisip ko. Paano naman ang anak ko? I know that she needs to meet her father.

HTBDWhere stories live. Discover now