Nagising ako nang may maramdaman akong humahalik sa pisngi ko. Niyakap ko agad sya kahit hindi ko pa naididilat ang mata ko dahil kilalang-kilala ko kung sino iyon.
"Good morning, Mommy!" napangiti ako nang marinig ang boses ni Summer. Dumilat ako at hinalikan din sya sa pisngi.
"Good morning, baby. Bakit ang aga mong magising?" tanong ko dahil usually, ako ang unang nagigising at kung minsan pa nga ay umaalis ako para sa trabaho nang tulog pa sya.
"I want to have breakfast with you and Daddy." napangiti ako. Mukhang bumabawi din ang anak ko sa ama nya.
"You love Daddy now?"
"Yes, Mommy! Pero million times lang. Ikaw, I love you million, million and gazillion times!" tumawa ako nang sunod-sunod nya akong hinalikan sa pisngi. Maya-maya ay sya naman ang tumawa nang kilitin ko sya.
I wish every morning would be like this.
Nang mapagod kami ay sabay na kaming naligo ng anak ko. Medyo natagalan pa nga kami dahil hanggang sa pagligo ay naglalaro kami ng anak ko. Tili sya nang tili nang sunod-sunod ko syang sabuyan ng tubig mula sa bathtub.
Nang matapos ay nagbihis na kami. Ako ay nakapang-opisina na pero sya ay nakapambahay pa. Maya-maya pa naman kasi ang pasok nya.
"Mommy, nahihiya ako kay Daddy." sabi ni Summer habang sinusuklayan ko sya. Napakunot ang noo ko.
"Bakit naman?"
"I don't know how to treat him, Mommy. I never had a father in my life. How should I treat him, Mommy?"
Napabuntong-hininga ako at hindi ko maiwasang maawa sa anak ko. Lumaki sya na ako lang ang nag-aalaga sa kanya at wala syang kinagisnang ama. Ngayong nandyan na si Helios at handa nang magpakaama sa kanya, paniguradong maninibago nga ang anak ko.
"Just be yourself, baby." sabi ko at pinatuyo ng blower ang buhok nya. Nang masigurong okay na ay lumabas na kami ng kwarto.
Hindi na ako nagulat nang makita si Helios na nag-aabang na naman sa labas ng kwarto namin. Palagi nya na kasi iyong ginagawa para sabay kaming mag-almusal.
"Daddy!" masayang sigaw ni Summer at agad na itinaas ang dalawang kamay nang makalapit sa ama nya. Agad naman syang kinarga ni Helios na ngiting-ngiti habang nakatingin sa anak ko.
"Good morning, Princess." bati ng boss kong pinaglihi sa dragon kay Summer.
"Good morning, Daddy!" sabi ni Summer at pagkatapos ay binigyan ng matunog na halik sa pisngi ang boss ko.
Napabuntong-hininga ako. Akala ko ba nahihiya sya? I guess problem solved na?
Napaderetso ako ng tayo nang makitang nakatitig sa akin si Helios. Hindi ko inaaasahan nang binigyan nya ako ng isang ngiti.
"Good morning, Zuri.." tumango lang ako at hindi na sana sya sasagutin pero nakita ko ang nagtatakang tingin ng anak ko.
"Won't you greet him back, Mommy?" tanong pa nya.
Nataranta ako. Hangga't maari kasi sana ay ayokong makipag-usap sa boss ko maliban na lang kung tungkol sa trabaho. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pero mukhang walang balak ang dalawa na umalis hangga't hindi ko sya binabati pabalik.
"Goo.. good morning." napipilitang sabi ko at napangiti na naman ang demonyo.
Nang makarating kami sa hapag ay nakita ko ang gulat sa mga mukha nina Artemis at Apollo nang makitang magkasama ang mag-ama. Ang alam pa rin kasi nila ay hindi gusto ni Summer ang ama nito. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi naman sila nagsalita tungkol doon at binati na lang kami.