Nagising ako nang maramdaman na nakikiliti ang leeg ko. Bumaling ako sa tabi ko at nakita ko si Helios na nakabaon ang kanyang mukha sa leeg ko at hinahalik-halikan iyon. Sinubukan kong lumayo pero nakapulupot ang isang braso nya sa akin at hindi ako hinayaang makalayo sa kanya.
"Helios, stop." saway ko na dahil nag-iinit na naman ang pakiramdam ko. Ang aga-aga, eh.
Inangat nya ang mukha at tumingin sa akin. And oh, God. I saw desire and lust in his eyes. Wala bang kapaguran ang lalaking 'to?
Nang muli syang yuyuko para halikang muli ang leeg ko ay pinigilan ko na ang ulo nya.
"Helios, ano ba." saway ko at naalala kung anong araw ngayon. "Today is your friend's wedding day diba? Baka ma-late pa tayo."
Imbes na tumayo ay muli syang humiga at niyakap ako nang mas mahigpit.
"We could ditch their wedding and cuddle here all day." he mumbled against my neck.
His offer was tempting pero hindi ako pumayag. Nakakahiya naman kasi kung hindi sya aattend, eh, personal pa naman syang inimbitahan ng kaibigan nya.
"We can't." I said. "Ano namang sasabihin mo doon kung hindi tayo pupunta?"
"I'll tell him I'm spending the day with my wife." he said at natigilan ako.
"Your wife?" tanong kong naguguluhan.
Sinong wife ang tinutukoy nito? May asawa na sya? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi nya sinabi?
Nasasaktan ako.
Naramdaman kong umangat ang ulo nya dahil siguro alam nyang natigilan ito. Nang tumingin ako sa kanya ay nakita kong pinipigilan nya ang mapangiti.
"It's you, silly." he said and laughed huskily. "Doon din naman tayo papunta."
Mas lalo akong natigilan dahil sa sinabi nya. Oo nga at mahal ko sya pero hindi ko alam na ganito na palang kalayo ang naiisip nya tungkol sa relasyon namin. And it made me happy knowing that he has plans to marry me.
"When I said I love you, it means that I want to marry you, Zuri. Pero hindi kita mamadaliin. I'm willing to wait until you are ready." he said and those words never left my mind the whole morning.
Halos magmadali ako sa pag-eempake ng mga damit namin. Apat na oras na lang kasi ay flight na namin pa-Bohol pero heto kami sa kwarto ni Helios na nag-aayos pa ng mga dadalhin. At mukha talagang wala syang balak pumunta dahil nakaupo lang sya sa kama at pinapanood ako. Though he's already wearing his pants but still topless.
"Ano ba, Helios? Magbihis ka na nga." I said. Nakabihis na din kasi ako pero eto nga at pinagpapawisan na dahil sa kakamadali. At ang boss kong pinaglihi sa dragon ay wala lang pakealam.
Tamad na tamad pa si Helios na tumayo at pumunta sa walk-in closet nya para maghanap ng pang-itaas. Napabuntong-hininga ako. Sya 'tong nagyaya na pumunta kami at isama ako pero sya pa 'tong mukhang walang gana.
"My God!" inis kong sabi nang lumabas si Helios sa walk-in closet pero naka-topless pa din. Ako na tuloy mismo ang kumuha ng damit nya doon. Isang gray long-sleeves button down shirt ang napili ko.
Ako na din ang nagsuot sa kanya dahil mukha talagang wala syang planong magbihis at nakatitig lang sa akin. Binubutones ko ang damit nya at iwas na iwas akong mapatingin sa katawan nya.
"'Yan na! Tara na!" I said at naglakad na sa pinto at binuksan iyon. I heard him sighed pero sumunod din naman sa akin dala ang luggage namin.Inihatid kami nila Apollo at Artemis kasama ng anak ko sa airport. Nang makarating kami doon ay panay ang pagnguso ni Summer. Kinarga ko na sya.