"Kuya told me everything."
Nagulat ako nang biglang sumulpot si Apollo habang tahimik akong nakaupo sa may gilid ng pool. Tumabi sya sa akin at kasunod nya si Artemis na umupo din sa kabilang gilid ko.
Nasa school pa si Summer at day off ko naman ngayon. Wala akong magawa habang hinihintay ang anak ko kaya naupo na lang ako dito sa may gilid ng pool. Hindi ko tuloy maiwasang isipin ang tungkol kay Helios.
Isang linggo ang muling lumipas pero hindi ko talaga sya nakita. Wala din akong narinig na balita tungkol sa kanya. Si Summer ay nakikita kong sobrang lungkot na talaga dahil hindi na nya nakikita ang ama nya.
And I am sad, too. Sa bawat araw na lumilipas ay palagi syang laman ng utak ko. Hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya. At minsan, naiisip ko na sana ay hindi ko sya pinagtulakan ng gabing iyon. Sana ay tinanggap ko ang pagmamahal nya.
But I was just scared. He said he doesn't love Carmilla anymore pero paano kung makita nyang muli si Carmilla at bumalik ang nararamdaman nya para sa kanya? Paano na ako? Pero sa tuwing naiisip ko iyon ay bumabalik sa akin ang tanong ni Hunter.
"Pero sino ba talaga ang hindi maka-move on sa nakaraan? Si Helios o ikaw?"
And he's right. Ako ang nagpupumilit kay Helios na mahal pa nya si Carmilla. Ako ang hindi maka-move on. Ako ang palaging nagbabalik sa aming dalawa sa nakaraan. And I should learn how to let go of the past. Para hindi na ako masyadong nasasaktan.
"Pero don't worry, naiganti na kita." sabi ni Apollo na nagpabalik ng huwisyo ko sa kasalukuyan. "Binugbog ko na sya para sayo." pagkatapos ay inakbayan nya pa ako.
"Ano?" tanong ko dahil hindi ko alam kung anong pinagsasabi ni Apollo.
"Kuya told us everything." si Artemis ang sumagot kaya napalingon ako sa kanya. "Everything.
Kaya binugbog sya ni Apollo nang malaman nya ang ginawa ni Kuya sayo. And I slapped him thrice." ngiting-ngiti pa si Artemis nang ipinakita sa akin ang tatlong daliri nya.
"Anong... anong ginawa nya?" tanong kong hindi pa rin naiintindihan ang mga nangyayari."Hinayaan lang nya na bugbugin namin sya. He knew he deserves those slaps and punches that we gave him."
Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Apollo. Masyado kasi akong nabigla sa pagsulpot nila. Ang lalim kasi ng iniisip ko kanina pagkatapos ay bigla silang dadating at magsasabi ng kung ano-ano. Tapos hinayaan lang daw ni Helios na saktan sya ng mga kapatid nya?
And then it hit me.
"Alam nyo kung nasaan si Helios?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanila. Nang makita kong nagtinginan sila ay napagtanto kong matagal na nilang alam kung nasaan ang kapatid nila.
Nakakainis! And here I am na halos mabaliw na sa araw-araw na pag-iisip kung nasaan na sya! Kung kumain na ba sya, kung okay pa ba sya o kung humihinga pa ba sya!
"Hindi ba namin nasabi sayo?" parang tanga pang tanong ni Apollo habang nagkakamot ng likod ng ulo nya.
Sa sobrang inis ko ay hindi ko na talaga napigilan ang itulak sya sa pool.
"Zuri!" sigaw ni Apollo nang makaahon pero nanlilisik ang mga mata ko nang tignan sya.
"Hindi! Ang sabi nyo sa akin ay hindi nyo din alam kung nasaan sya!" sigaw ko sa kanila.
"Sorry, Zuri. Ang sabi kasi ni Kuya ay huwag daw namin sabihin sayo kung nasaan sya para daw makapag-isip ka." sabi ni Artemis na bahagyang lumayo sa akin sa takot na baka itulak ko din sya sa pool.
Mas lalong nadagdagan ang nararamdaman kong inis dahil sa sinabi nya. Pakiramdam ko ay pinagtutulungan ako ng magkakapatid na Gallagher!
"Sana man lang sinabi nyo sa akin na 'Zuri, huwag kang mag alala. Humihinga pa naman ang kapatid namin.' Hindi yung araw-araw akong nag-aalala dito na baka sa morgue ko na sya muling makita!" sigaw ko at tumawa si Apollo habang umaaahon sa pool. Sinamaan ko sya ng tingin kaya tumigil sya sa pagtawa.